Chapter 12

1.4K 21 4
                                    

Tinawagan ni Sarah si Andrew at naikwento nito na nagkita sila ni Pia nung nakaraan. tuwang tuwa naman si Andrew dahil nun pa lang siya tinawagan ni Sarah kadalasan kasi siya ang tumatawag.

"babe!!!" 0_0 tuwang sagot ni Andrew

"anong babe? san galing yun. ikaw kung ano ano tinatawag mo sa akin."

"babe, ang tawag dun term of endearment" tawa ng binata dahil narinig nito ang mahinang tawa ni Sarah na tila kinilig

"ikaw talaga mga naiisip mo."

"mga naiisip ko dahil sayo. I love you Sarah" tila natahimik sila pareho. si Sarah dahil nagulat sa sinabi ni Andrew, ang binata dahil natakot dahil sa maaari nitong isagot.

"princess, nga pala baka hindi tayo magkita bukas." paalam ng binata.

"ok lang. album launch ko lang naman yun tsaka sino ba naman kasi nagsabi na araw arawin mo ang pagpunta kung nasan ako." sagot niya sa binata. hindi niya pinahalata ang lungkot sa boses niya

"basta wag mo ako masyado mamimiss ha" kulit ni Andrew sa kanya

"mamimiss? baka ikaw. di ka nga makatiis na hindi ako nakikita o kaya nakakausap bago ako matulog" pangaasar niya sa binata

"ako?! e di ba kasasabi ko lang ng nararamdaman ko. ikaw lang naman ang hindi."

"suko ka na? pwede naman tumigil"

"I've been never been so sure. hindi ako susuko." natahimik muli si Sarah hindi niya alam kung sasagutin na niya si Andrew ngayon dapat bukas kaso hindi nga siya pupunta.

"natahimik ka na naman. gusto mo ba talagang sumuko ako? titigil na ba ako?"

tahimik pa din ang dalaga

"ok lang kung hindi mo sasagutin. alam ko na. sige tulog ka na. good night." malungkot na nagpaalam si Andrew. bago pa man makasagot si Sarah naibaba na ang tawag sa kabilang linya.

panigurado nasaktan si Andrew sa nangyari, pero mas nasaktan siya dahil hindi siya binigyan nito ng pagkakataon magsalita. naiiyak siyang habang nakahiga, nakatulugan na din niya ang pagiisip.

kinabukasan maaga siyang nagising para maghanda sa album launch niya tinignan niya ang cellphone niya ngunit ni tawag o text wala siyang natanggap mula kay Andrew.

"bakit parang walang Andrew Rodriguez? nagaway kayo?" tanong ni Ate Ana

"hindi ah." napahinga siya ng malalim. bawat pumapasok sa backstage ay napapatingin siya, inaasahan niya si Andrew na pupunta pa din ito sa isa sa pinakamahalagang araw niya.

"busy daw siya ngayon. ok lang atleast walang makulit"

"ok nga lang ba talaga. para kasing hindi at hinahanap mo siya"

"te ana!!!" tahimik si mommy divine at daddy delfin na tinignan siya sa kanyang isasagot

"my, dy, sorry po. talagang pinigilan ko pero mahal..." lumapit si mommy divine.

"mahal mo na?" diretsong tanong ni mommy. tumango siya bilang pagsang-ayon.

"YES!!!!" sabay sabay sumigaw ang mga tao sa dressing room. natawa siya at napaluha di niya akalain na ganun na lamang ang suporta sa kanya ng mga kasamahan

"masaya kami dahil naibalik ni Andrew ang saya dyan sa puso mo at ngiti sa mata mo. salamat dahil inamin mo na na mahal mo siya. kahit sa amin man lang." sabi ng daddy niya habang nakayakap ng mahigpit sa baywang nito.

"natakot lang ako daddy. ngayon handa na ako. alam ko naman kasi siya handa na noon pa, ramdam ko yun" pinunasan ng daddy niya ang luha sa pisngi niya.

My Sweetest Downfall (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon