Chapter 40

1.3K 28 8
                                    

Nagulat si Andrew sa malakas na pagsigaw ni Sarah habang natutulog sila. agad siyang napabangon sa taranta.

"BABE!!!!!!!" sigaw ni Sarah

"ay babe!!! babe, bakit ano prob? may masakit ba?" taranta niyang tanong dito.

"manganganak na ako babe!!!!" sigaw pa niya. hinatak niya ang kwelyo ng damit ni Andrew "babe, dont forget to call them"

"ok babe, pero bakit ganun 7 months pa lang ah. anong meron, bakit ganun?" mga tanong niya sa asawa habang kinukuha ang gamit nito na nakaready na at tinatawagan ang mga magulang nila.

Madali niyang drinive ang ospital, hindi niya kayang makita pa na nasasaktan ang asawa, pagdating sa ospital sinalubong sila ng mga magulang na nauna na doon.

Naipasok na si Sarah sa delivery room, hinihintay nila ang bawat paglabas ng doctor mula sa loob, nakaramdam siya ng sakit sa dibdib, napahawak siya dito. tinawag siya ni daddy Delfin, pagharap niya, tuluyan ng bumigay ang katawan niya at nawalan ng malay.

PIA's POV

Andrew's condition is getting worst. tapos nanganak pa si Sarah ng 7 months. pare pareho na silang safe, pero natatakot ako para kay Andrew, the doctor said again the next will be fatal. hindi ko alam kung matatanggap niya yun, ngayong andito na si Jayr.

"Mom, baby?" tawag ni Sarah kay tita Divine salamat naman nagising na siya.

"Sars, Jayr's ok. nasa incubator siya. premature. but he's fighting. malakas ang anak niyo" hinawakan siya ni tita Divine. at tumingin sa akin.

"P, asawa ko?" halata sa mata niya ang paghahanap.

"anak magpahinga ka muna" sagot ni tito Delfin

"Nasan ang asawa ko?" nagsimula na siyang umiyak, ang sakit lang ng nakikita ko.

"Sars listen, wag kang magpanic. he's ok, nasa kabilang room siya. hinimatay siya..." naputol ako sa pagsasalita.

"bakit anong nangyari? kamusta na siya? gusto ko siyang puntahan, kailangan ako ng asawa ko." pinigilan namin siya pero nagpumilit pa din siya kaya wala kami nagawa kaya dinala namin siya kay Andrew

SARAH's POV

Pagpasok ko sa kwarto nakita ko ang asawa ko himbing sa pagtulog, maputla pa din, kita sa itsura niya na nahirapan siya, na sobrang nagalala siya. pinatulak ko ang wheel chair malapit sa kama niya hinawakan ko ang kamay ni Andrew at hinalikan. kusang tumulo ang mga luha sa aking mga mata na ikinabasa ng kamay niya.

"babe wake up. we're waiting for you, Jayr and I. di ba you promise, you're gonna take care of us." hinagod ako ni Pia sa likod, pagtatahan sa akin.

"Sars, let's go back. dadalhin ka pa kay Jayr para makita mo siya" pagyaya sa akin ni Pia

"can you just tell them na sabay na kami ni Drew pupunta dun, I'm sure he wants to see his son too"

"sige Sars. I'll ask first if pwede yun. hintay mo na lang ako dito" at lumabas si Pia. pinilit ko tumayo para maupo sa kama ng asawa ko, gusto ko siyang yakapin, halikan, baka sakali magising na siya.

Isinuksok ko ang aking ulo sa leeg niya at niyakap ng mahigpit. namiss ko siya kahit ilang oras pa lang kaming hindi nagkikita. naramdaman ko na lang na yumakap ang kamay niya sa bewang ko, kaya napatingala ako para tignan siya.

"babe bakit nandito ka? you should be resting. si Jayr?" mahina niyang sabi. halata pa din sa boses niya ang panghihina niya.

"babe I'm ok. nagworry ako nung nalaman ko nandito ka. kaya nagpadala ako dito. Jayr is waiting for us. kaya dapat magpalakas ka na" nagpapaliwanag ako sa kanya ng pumasok si Pia

"Drew gising ka na pala. may gusto ka ba? Sars, sabi nga pala sa nurse station 4pm na daw makikita si Jayr. ok naman daw siya sa incubator." hindi napigilan ni Pia ang sabihin ito, kaya nagpanic si Andrew

"wait!!!! what!!!! what happen to Jayr? why is he in the incubator? may complication ba? anong problema, may sakit ba siya?" pagpigil ko sa kanya sa pagkilos

"babe relax. Jayr's gonna be fine. 7 months kasi siya lumabas. but he's fighting for us, for his dad" niyakap ko siya ng mahigpit.

"just make sure babe, Pia, he'll be ok. bantayan niyo siya. kahit wag na ako, siya na lang. please, hindi ko kakayanin kapag may nangyaring masama sa anak ko." at napaluha na siya ng sobra at yumakap sa akin ng mahigpit.

My Sweetest Downfall (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon