Chapter 17

1.4K 23 3
                                    

Dumating ang araw ng linggo at isa si Andrew sa mga naging P.A ni Sarah kasama si mommy Divine. una siyang nag-guest sa ASAP at doon nagperform. well applauded ang kanyang number ng mga audience pati na din ng mga kasamahan na artists sa show. mas humanga siya sa girlfriend dahil ibang iba ito pagdating sa performance, total performer ito, world class kaya hindi siya nagtataka kung bakit nakuha siya bilang coach sa The Voice of the Philippines.

hindi naman naiwasan ni Sarah na mahagip ng kanyang mata ang lalaking naging malapit sa kanya 2years ago, si Rj Anderson kasama nito ang babaeng naging dahilan ng sakit na naramdaman niya at takot magmahal muli si Maj Salva. matapos ang ASAP guesting niya ay naghanda siya agad para naman sa The Buzz

"Ash, are you ok?" tanong ng mommy niya. lumingon muna siya para hanapin si Andrew ng mapansin niyang wala ito tsaka siya sumagot sa ina

"nakita ko sila" mangiyak ngiyak nyang sabi

"anak" yun lang ang nasabi ng ina at agad siyang niyakap nito

bigla silang nagbitiw ng pumasok si Andrew na may dalang bulaklak at lobo

"SURPRISE!!!" yumakap kay Sarah.

"congrats babe. ang galing galing mo dun kanina habang pinapanood kita. ikaw ba talaga yun? I'm so proud of my babe. umiyak ka ba? don't cry, nandito na si babe mo. this is for you" may nakitang sakit sa mata ng dalaga kaya mas humigpit ang yakap dito.

hinawakan lamang ni Sarah ang mukha ng binata. hindi niya alam bakit ganoon na lamang ang naramdaman niya ng makita ang nakaraan niya, nagagalit siya sa sarili kung bakit hanggang ngayon ganun pa din ang epekto sa kanya ng nakaraan.

the buzz interview

"magandang hapon sa lahat. magaganap ngayon ang pinakahihintay ng lahat, masasagot na lahat ng katanungan. let's welcome our Asia's Popstar Royalty Sarah Geronimo." at pumasok na ang dalaga sa studio

"Hello po. Magandang hapon po. kamusta po? hello po tito boy. maraming salamat po sa pagimbita."

"maraming salamat sa iyong pagpapaunlak. alam po ng lahat ng nandito that I'm a fan, Sarah"

"hehe. tito boy salamat po." nahihiyang sagot ni Sarah

"dumiretso muna tayo sa mga katanungan bago sa napakaganda mong album." at tumawa ng mahina si Sarah at nagpasalamat

"salamat po. sige po game"

"ok, kamusta ang isang Sarah Geronimo ngayon?

"hehe. tito boy, kamusta? ah, ok naman po. masaya po dahil after 8 months may new album na ulit" excited niyang sabi

"maliban sa album"tumawa si tito boy dahil kinilig siya sa tanong niya kay Sarah

"ok let me rephrase the question, kamusta ang puso mo?" natigilan si Sarah sa tanong medyo napaisip pero sinagot din agad

"masaya po ang puso ko tito boy" sabay ngiti ng dalaga. tinutok naman ang camera sa mommy nya na nakangiti ng malaki at nahagip din nito si Andrew kaya nagtilian ang mga audience

"sino yun? who's that guy na katabi ni mommy divine?" tanong ni tito boy na sabay naman tawa ni Sarah

"naku tito boy." at nagtawanan sila halatang may kilig sa boses ng dalaga

"sige Sarah diretsahan na, boyfriend mo na ba siya?" sabay ngiti ni tito boy. tumingin muna si Sarah sa mommy niya at Andrew

"tito masasabi ko po ngayon na masaya po kami. let's just leave it that way po muna. ayoko po muna ilabel."

"pero masaya ang isang Sarah Geronimo?"

"opo tito boy. masayang masaya." hinanap ng mata niya si Andrew pero ang nakita na lamang niya ay ang mommy niya. umiling na lamang ito na bahagyang nakangiti.

My Sweetest Downfall (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon