Chapter 42

1.4K 32 9
                                    

PIA's POV

"so how's Jayr? 4 months na inaanak ko." tanong ko sa magasawa. nasa new york na kasi ako base kasama si Jude and kasal na din kami.

"ay naku Pia, ayun napakadaldal. parang daddy niya" sagot ni Sarah magkachat kami sa Skype ngayon.

"at gwapo parang daddy pa din niya. wait cuz, kunin ko para makita mo" sagot naman ng proud na tatay.

"kamusta si Drew, Sars?" seryosong tanong ko

"P, he's ok. he's still into medication now. sobra ko ngang pinagiingat paano ang kulit kapag hawak si Jayr. monitor ko ang gamot niya. matigas ang ulo, minsan ayaw uminom." sumbong sa akin ni Sarah

"Sars, thank you for taking care of him. wag mo sana siyang sukuan kahit gaano katigas ulo niya. kilala mo yan, ikaw lang din nakakapagpasunod dyan" bilin ko pa sa kanya

"Pia, hindi mo na kailangan sabihin sa akin yan. gagawin at gagawin ko yan. minsan nga lang napipikon ako, bilin ng bilin, ako itong gustong gusto siya mabuhay, sa ginagawa naman niya pinapatay niya sarili niya."

"nandito na ang baby." proud nyang karga ang bata. nung makita ko si Jayr nakita ko si Andrew sa kanya, totoo little Andrew nga. "ako ba pinaguuasapan niyo?" hinalikan niya ang anak. "Jayr look mommy and ninang, pinaguusapan ako, masyado atang nagagwapuhan sa dad." hinawakan niya ang kamay ng anak at ikinaway sa akin.

"Mr. Andrew Rodriguez, please naman wag naman matigas ang ulo. yung mga gamot mo inumin mo. para rin sayo un." bilin ko sa pinsan ko.

"nagsumbong ka na naman?" pikon na tanong niya kay Sarah na nakatingin sa laptop. "Pia, kung mamamatay, mamamatay. hindi natin hawak buhay natin. kung gusto na kunin nung nasa Itaas ang buhay natin, anytime pwede. handa na ako, sana kayo din para hindi na ako mahirapan." lumabas na siya ng kwarto bitbit ang anak. tuluyan ng umiyak si Sarah na nakayuko. kitang kita ko sa kanya ang takot sa mga sinabi ng asawa niya.

"Pia, I'm sorry kung nagaway pa kayo. pero masama ba hingin sa kanya na gustuhin naman niyang mabuhay para sa amin. paano anak namin, hindi ko pa kaya mawala siya P. kahit kailan di ko kakayanin."

SARAH's POV

Matapos namin magusap ni Pia, pumunta ako sa kwarto. hindi ko nakita si Andrew dun, si Jayr nasa crib na, tulog. hindi ko na hinanap muna ang daddy niya, baka mas magaway kami. hinintay ko siya pero hanggang sa makatulog ako hindi ko naramdaman ang paghiga niya.

Kinabukasan paggising ko hinanap ko sa tabi ko si Andrew pero wala siya. hinanap ko agad siya, nandoon siya sa kwarto ni Jayr.

"good morning mommy." lumapit siya sa akin at hinalikan ako sa noo. hinawakan niya ang kamay ko, hinatak ako paupo sa kandungan niya.

"good morning daddy." niyakap ko siya ng mahigpit. "babe sorry kagabi. gusto ko lang kasi maging ok ka, makasama ka ng matagal pa. hindi mo alam kung gaano kahirap sa akin.." pinutol niya ang sinasabi ko

"ssshhhhh..... kapag pwede na, bumalik ka sa work mo. maraming naghihintay sayo. marami din ang gustong makita si Jayr. I want you to continue your life kahit mawala ako.." pinutol ko ang sinasabi niya.

"Drew naman...."

"babe, let me finish. alam mong mahal na mahal kita. but if it is His will, hindi natin makokontra yun. alam mo nung nasa ospital pa si Jayr I talked to Him, I pray hard..." hinalikan niya ako sa labi "sabi ko masyado ng mahaba ang inextend ng buhay ko, kung hahabaan pa niya, mas gusto kong idugtong niya ito kay Jayr. at kung mangyayari yun, in my own free will, I'll surrender to Him my life. and ginawa niya, kaya simula noon, tinanggap ko na."

"tanong mo paano siya? nandyan ka, mommy nya. alam natin pareho na hindi mo siya papabayaan. dahil pareho nating mahal si Jayr. at alam ko di mo pagkakait sa kanya ang makilala ako bilang daddy niya kahit wala na ako"

"paano ako? babe hindi ko kakayanin ng wala ka. di ba haharapin natin ito ng sabay, lalaban tayo ng sabay."

"wag kang matakot magmahal ulit. wag mo isarado ang puso mo sa mga possibilities because you deserve to be happy. basta kailangan tanggapin niya si Jayr. alam mong kahit anong mangyari mahal na mahal kita. at dadalhin ko yun hanggang langit. pwede sa isip mo makalimutan mo si Andrew Rodriguez, pero diyan" tinuro niya ang puso ko "alam kong hindi mo ko makakalimutan. mahal na mahal kita asawa ko."

umiling iling lang ako sa mga sinabi niya. ang sakit sakit marinig sa kanya yun, na siya na mismo sinuko na niya sarili niya. tinanggap na niya.

"don't cry." pinahid niya ang mga luha ko "please babe, promise me you'll be strong. for me, for Jayr?" tumango tango lang ako sa sinabi niya.

Araw araw gumigising ako na wala siya sa tabi ko. makikita ko na lang nandun siya sa kwarto ni Jayr, nilalaro niya, kinakausap. sinusulit ang mga oras at araw na nagigising pa siya, yung chance na makasama pa kami.

"Jay, listen to dad. say da... da..." narinig kong sabi niya sa anak namin. nakakatuwa naman ang sagot sa kanya ni Jay, tawa lang o hagikgik. "come on son, say da... da..." nilaro naman ni Jay ang bibig nya habang tumatawa, puno naman ng laway ang bibig ng anak ko, pero kahit ganun napakagwapo pa din nito.

"dad, anong ginagawa mo?" tanong ko kay Andrew, sabay lingon nito sa akin

"I'm teaching this pogi guy to say dada, I want to hear it from him. kaso puro tawa lang si pogi" nakakapaglakad na si Jayr he's 8 months now, pagabay gabay lang pero ang tigas ng buto ng batang ito.

"don't worry in time he'll learn it. alam naman niya din kasi na ikaw ang daddy niya palagi ka kaya niya kasama"

"sana soon, bago ako mawala. ay teka..." may kinuha siya sa bulsa niya at ipinakita sa akin "this is for you and Jayr" necklace with locket and inside is our pictures "suotin niyo palagi ito para palagi ako malapit sa puso niyo. I just want to thank you for loving me. Babe, its a big sacrifice for you, running away with me."

"I don't regret it at all. at kung mangyayari ulit yun, ganun pa din ang gagawin ko. running away with you is the best thing that ever happen in my life. being with you and loved I love you so much"

"I love you babe. thank you for everything." 

he gave me a peck. at nakaramdam ako ng kaba, kaba na hindi ko maipaliwanag matapos noon, balik siya sa pakikipaglaro kay Jayr.

My Sweetest Downfall (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon