10 YEARS LATER.
NAGMAMADALING nagbihis si Shanner dahil mahuhuli na siya sa kanyang trabaho.Kinatok niya ang pinto ng kwarto ni Jonathan, ngunit walang nagbubukas kaya pinihit niya ito pabukas at nabungaran ang himbing na himbing paring binata katabi ang kanyang anak na si Akie.Lumapit siya sa kama at niyugyog ito sa balikat.Nang hindi parin ito magising ay hinampas niya na ito ng unan kaya napabalikwas ito at nakasimangot na tumingin sa kanya.
"Sweety naman eh! Inaantok pa ang tao oh!" Aniya nito na nakanguso.
"Hoy! Ayusin mo nga yang nguso mo.Para kang bata, Eww!" Wika niya dito at humakbang palabas ngunit bigla siya nitong hinila kaya napahiga siya sa gitna nito at ng kanyang anak.
"Sinong mukhang bata ha?" Nakangising tanong nito.
"Tsk!" Palatak niya at saka binalingan ang anak.Napangiti siya nang matitigan ang mukha nito na walang pinagkaiba sa mukha ng ama nito.Nang maalala si Akie ay bigla siyang nakaramdam na naman ng sundot ng kunsensiya. Biglang nawalan ng ningning ang mga matang kanina lang ay nakangiti, bagay na hindi nakaligtas kay Jonathan.
"Huwag kang mag-isip masyado, magiging okay din lahat." Nakangiti niyang wika dito at niyakap ito, sa ganong paraan man lang, mabawasan ang bigat sa dibdib na nararamdaman nito.
"Hindi ko maiwasang balikan at isipin ang nakaraan." Malungkot nitong sagot.
"Just believe on what titaJanet said, 'Everything will be fine, the three of you will be together again."
"What if hindi mangyari ang sinabi niya? Pa'no kung sa pagkikita naming muli, may iba na siya, o di kaya'y may asawa na?" May takot sa kanyang dibdib nang mga sandaling iyon.Takot na baka kung kilan nasa tamang edad na sila, saka naman maging mali ang pagkakataon.
"Magtiwala kalang sa 'True love' Tiyak tanggal mga agam-agam diyan sa dibdib at isipan mo." Wika pa nito na tila experto sa pagpapayo.Kaya napataas ang kilay ni Shanner saka nagtanong.
"Why don't you go out with the girls Sweety?"
"Like you, i'm still waiting for her, loving her...Naghihintay sa kanyang pagbabalik nang walang kasiguraduhan." Tinig nito na kababakasan ng kalungkutan.
"Kaya pala tayo nagkasundo kasi pareho tayong may hinihintay at parang tanga na umaasa sa mga taong hindi natin alam kung naalala pa tayo." Saad niya saka humarap at yumakap dito.
"Salamat Sweety! Kung wala ka noon, Hindi ko alam kung anong pwedeng mangyari sa'kin maging sa anak namin.Salamat sa pag-aalaga at walang sawang suporta sa lahat ng bagay." Di niya maiwasang maiyak nang maalala ang kamuntikan na niyang kamatayan at pagkawala ng kanyang anak.
Naramdaman ni Jonathan na nabasa ang damit niya kaya ini-angat niya ang mukha ng dalaga.
"Sssshhh...don't cry.Matanda ka na oy! Huwag ka ngang umiyak, mamaya niyan bigla ka na namang umatungal diyan, tapos ako na naman sisihin mo pag nagka-sipon ka." Nanunuksong wika nito dahilan para mahampas ito ng dalaga.
"Ah ganon pala, hah?" Aniya nito at pinagkikiliti sa tagiliran ang binatang todo ilag kaya nalaglag ito sa kama.Bumunghalit ng tawa ang dalaga sa nangyari kaya nagising ang batang si Akie.
"Mom! Dad! What happened?" Tanong nito at kinusot-kusot pa ang mga mata.
"Nothing Baby! Your mom trying to flirt with me this morning." Tugon ng binata dito dahilan para batuhin ito ng unan ng dalaga.
"Ouch!" Kunwari'y daing ng binata.
"You two, silly!" Aniya ng bata." Get out of my room! I want to sleep again." Wika pa nito kaya nameywang si Jonathan sa harapan nito.
"Hey! Little boy Akie...Nakalimutan mo na bang kwarto ito ni Daddy? And you are the one who need to get out of here." Litanya nito kaya wala sa loob na inilibot ng bata ang kabuuan sa naturang silid.Maya-maya ay napangisi ito at dali-daling bumaba ng kama.
"Ops! Sorry Dad.I forgot na pinilit mo nga pala akong samahan ka dito kagabi kasi takot ka sa multo.Ang tanda mo na, pero dinaig mo pa'ko." Pambubuking nito sa binata at nakangisi paring nagmartsa papunta sa sarili nitong silid.
Tumawa si Shanner saka nagtanong sa natahimik na binata.
"Is that true?"
"What?"
"Na takot ka sa multo?"
"Sauce, nagloloko yang anak mo.Alam mo na, may pinagmanahan." Ang tinutukoy nito ay si Akie.
"Alam mo kasi Sweety, ang bata hindi marunong magsinungaling." Tugon ng dalaga dito na may pilyang ngiti saka naglakad na rin palabas ng pinto. "Pakisara itong pinto, baka pasukin ka ng mamaw!" Pahabol nitong sigaw bago tuluyang nawala sa kanyang paningin.Napakamot na lang sa ulo ang binatang aminado na napag-kaisahan na naman ng mag-ina.
Nang makarating sa kumpanyang pinapasukan ay agad siyang pumunta sa opisinang inuukopa niya at naupo sa swivel chair.Maya-maya tinawag lahat ng empleyado dahil may importante daw na i-aanunsiyo ang President ng nasabing kumpanya.
"Ladies and Gentlemen.Gusto ko lang ipaalam sainyo na darating na ang nag-iisa kong anak na siyang hahalili sa'kin sa pagka-presidente ng kumpanyang ito." Tinig ng lalaking walang iba kundi si Mister Kelvin Ferrer.Hindi na nagulat ang dalaga sa balita dahil bago paman siya pumasok, nabanggit na ng kanyang mama Janet ang pagbabalik Pilipinas ng binata at ng kaibigan nitong si Janet.Maliban doon, ay wala na itong nabanggit pa tungkol sa personal nitong buhay.Wala din siyang alam sa mga nangyari dito sa mga nakalipas na taon, tanging naikwento ng magulang nito ay kamuntikan na nitong pagkalumpo, dahilan para dalhin ito ng Europe at doon magpagaling.
Nakahanda man ay hindi niya parin maiwasang kabahan.Hindi niya alam kung ano ang magiging reaksiyon nito or sasabihin kapag nakita nito ang kanilang anak.Matanggap kaya nito ang batang si Akie? Isa sa mga katanungang naglalaro sa isipan niya.
Huminga siya ng malalim saka marahang naglakad pabalik sa kanyang opisina.
SAMANTALA, Kasalukuyan namang nasa loob ng eroplano ang mag-anak na sina Akie, Jennifer at ang batang babae na si Jeanlie.Nakahilig sa balikat ng binata ang dalaga habang nasa tabi nito ang bata.Marahil dahil sa pagod kaya nakatulog ang mga ito.Inayos ni Akie ang ulo ng dalaga sa pagkakasandig sa kanyang balikat.Habang tinitigan nito ang dalaga, hindi niya maiwasang mapangiti, dahil sa dalaga at sa pagdating ng anak nila, nagkaroon muli ng kulay ang buhay niya.Inaalala niya ang mga panahong laging nasa tabi niya ito kahit pa sa pinakamadilim na nangyari sa buhay niya.Akala niya noong araw na mabugbog siya, katapusan na nang mundo niya, pero mali siya.Dahil may isang Jennifer na handang tumulong, magmahal at mag-alaga sa kanya.Marahan niyang hinaplos ang makinis nitong pisngi at ginawaran ito ng isang masuyong halik sa noo.
Ilang oras pa at lumapag na ang sinasakyan nilang eroplano kaya agad niyang ginising ang mag-ina.
"Hey, Ladies! Wake-up! We're here." Ang nakangiti niyang wika sa mga ito na sabay namang nagmulat ng mga mata.
"Wow! So Amazing!" Bulalas ng bata nang makita mula sa bintana ang paligid sa labas.
"Excited baby?" Tanong ni Jennifer dito.
"Yes, Mom!" Can't wait to see my Granny's." Tuwang-tuwa na tugon nito.
"Okay, Let's go!" Yakag ng binata sa mga ito at hinawakan sa mga kamay ang dalawa saka masayang naglakad palabas ng eroplano.Medyo natagalan din sila sa paghihintay sa driver na sumundo sa kanila.Dumiretso sila sa bahay ng kanyang mga magulang kung saan nakatira ang mag-inang Shanner at Akie, pati narin ang binatang si Jonathan.
Nang makarating sa bahay ay naabutan nila ang kanyang magulang na naghihintay sa kanila sa may pinto.Kadarating lang din noon ni Kelvin galing sa Kanilang kumpanya at nagulat pa sila nang makitang kasama niya ang mag-ina.
"Mom.Meet my wife, Jennifer.And this is our little angel, her name is Jeanlie." Agad niyang pakilala sa mga ito.
"Hello po." Alanganing bati ng dalaga sa mag-asawa.Dalawang beses niya lang nakaharap ang mga magulang ng binata laya naiilang parin siya sa mga ito.
Bagama't nagulat sa narinig ay nakuha paring kumalma at mahinahong gumanti ng pagbati ang mag-asawa sa mga kasama ng anak.Pagkuwa'y niyaya na nila ang mga ito sa hapag-kainan.
Nang matapos ay agad nagpaalam ang binata.
"Mom, Dad.Hindi na ho, kami magtatagal.Kailangan pa kasi naming Ayusin at linisin ang bahay na titirhan namin."
"Bakit hindi nalang muna kayo tumigil dito kahit isang araw lang?" Anyaya ni Janet ngunit natigilan ito pagdaka nang maalalang nasa poder pala nila ang mag-inang Shanner at Akie.Bagay na hindi naman nakaligtas sa asawang si Kelvin.
"Naku, Anak! Sige na!" Taboy ni Kelvin sa anak. "Basta kapag may oras kayo, dalaw kayo sa'min, ha?" Nagtataka man sa inakto ng ama ay sumunod na lamang ang binata.Inalalayan na nito ang mag-ina pasakay ng kotse at pinaandar ito.
Nang makalabas sa malaking gate ang sasakyan siya namang pasok ng kotse kung saan lulan ang estudyanteng si Akie.Patakbo itong bumaba at lumapit sa mag-asawang nakatayo parin sa labas ng pintuan.
"Grandpa, Grandma!" Tawag nito at masaya naman itong sinalubong ng yakap ng mag-asawa.
"How's your school?" Tanong ni Kelvin at kinarga ang bata.
"Okay lang po Grandpa.Wait! Can you put me down?" Wika nito.
"Why?" Takang-tanong ni Kelvin.
"Kasi po, Malaki na po ako.At ayaw ko pong mahirapan ka sa pagkarga sa'kin." Seryosong sagot nito na ikinatawa ni Janet.
"Naku, Grandson! Malakas pa ang Grandpa mo." Sabat niya sa mag-lolo.
"Pa'no niyo po nalaman Grandma?"
"Kasi kaya ko pa siyang buhatin." Si Kelvin ang sumagot kasabay ang pagbuhat sa nagulat na si Janet.Nagkatawan sila at tuwang-tuwa naman ang bata na nagtatalon pa sabay sigaw ng, "Yehey! Malakas pa ang Grandpa ko."
Ang tagpong iyon naman ang naabutan ng kararating na dalaga.Agad siyang lumapit sa mga ito at nagmano sa mag-asawa.
"Maaga ka yata.May problema ba?" Nag-aalalang tanong ni Janet.
"Wala ho, Ma.Medyo masakit lang po ang ulo ko." Sagot niya dito at akmang hahalikan ang anak nang tumanggi ito.
"Mom! Mabaho ho ako.Amoy pawis pa po." Wika nito at patuloy na umilag sa inang pilit paring inilalapit ang nguso sa kanya.Tumigil lang ito nang hawakan ni Akie sa kamay ang ina saka nagwika.
"Habulin mo'ko Mom! Kapag naabutan mo'ko, may premyo ka."
"At ano namang premyo yon, Aber?" Nakapameywang na tanong ng dalaga sa anak.
"Secret po! Habulin niyo na po ako." Kasabay noo'y tinakbo nito ang hagdan paakyat at hinabol naman ito ng dalaga.Nang maabutan ay kanya itong kiniliti at dahil nasundot ng ina ang kiliti nito, humagikhik ito ng humagikhik sabay sabi ng, "Mom, tama na...Hindi na ako makahi---ng--nga." Ang pabuhol-buhol nitong salita na tila nanghihina.
Natigilan naman ang dalaga sa ginagawa at napalitan ng takot ang masayang mukha.Pero maya-maya lang ay bumunghalit ng tawa ang bata saka nagtatakbo papunta sa kwarto nito na agad namang hinabol ulit ng kiliti ng dalaga. "Nyeta! Lagi nalang siyang naiisahan ng kanyang anak." Anas niya sa sarili.
Masaya namang sinundan ng tingin ni Janet ang mag-inang nagkukulitan, pagkuwa'y umakbay sa kanya ang asawa.
"Hindi pa huli ang lahat.Darating din ang pagkakataon na mabubuo ang pamilya ng ating apo." Wika ni Kelvin.
"Sana nga." Tanging nasambit ni Janet dito.
![](https://img.wattpad.com/cover/62874420-288-k334469.jpg)
BINABASA MO ANG
A KISS TO REMEMBER (Book 2: She's A Laundry Girl) by: M.D.S
RomanceMay tamang edad nga ba pagdating sa pag-ibig? Kailangan nga bang madaliin ito at humantong sa kapusukan Or kailangan munang maghintay para sa tamang panahon? Meet, YANGZKIE FERRER. The highschool boy student na kilala bilang palikero at pilyo sa ka...