Chapter 11

1.6K 50 2
                                    

  LUMIPAS ANG ISANG LINGGO na kumibo't-dili ang dalawa.At sa loob ng mga araw na iyon, nagkakasakitan ang dalawa ng lingid sa kaalaman ng bawat isa.Katulad na lamang ngayon, nasa canteen sila para kumain ng dumating si Jennifer at agad itong umupo sa tabi ng binata.

Mula sa kinaroroonan ay kitang-kita ni Shanner kung paanong magsubuan at maglambingan ang dalawa.Dinig na dinig pa niya kung paano tumawa ang binata at nasasaktan siya na makitang masaya ito sa piling ng iba.Mga tawa at ngiting ni minsan hindi niya nakita kapag sila ang magkasama sa loob ng opisina.Masakit! Mas doble ang sakit na nararamdaman niya ngayon keysa noong iwanan niya ito at lumayo.Para siyang sinasaksak ng libo-libo dahil sa sakit.Nang hindi makayanan ang nakikita ay nakayukong tinungo niya ang restroom at doon ay pinakawalan ang mga luhang kanina pa gustong tumulo.Umiyak siya ng umiyak hanggang sa mapaupo siya sa gilid ng pader at humagulhol ng tuluyan.

"Bakit? Bakit ganito ang nangyayari? Bakit parati nalang akong nasasaktan?" Himutok niya at pinagsusuntok ang sarili. "Bakit kung kailan nasa tamang panahon na kami, saka naman naging mali ang sitwasyon...Bakit?" Patuloy niya habang umiiyak parin.

Ang lupit ng kapalaran.Sampung taon! Sampung taon siyang nangulila at nagdusa dahil sa pagkawalay niya sa binata.At ngayon, muli silang pinag-tagpo...Para ano? Para muling masaktan? Sobra-sobra na ang sakit na naranasan niya.Bakit ba hindi sila magkaroon ng pagkakataong maging maligaya?

"Ang damot niyo! Ang damo-damot niyo!" Aniya at tumingala pa. "Ganito ba talaga kapag nagmahal? Kailangan munang masaktan, bago maging masaya?" Patuloy niya na kulang nalang ay maglupasay.

Nang mapagod sa kakaiyak ay tumayo siya at pinilit ayusin ang sarili.

SAMANTALA sa canteen parin.

"Bakit mo ba ito ginagawa?" Tanong ni Jennifer.

"Ang alin?"

"Ang pagkukunwaring mag-asawa at may namamagitan sa'tin."

"You told me, tutulongan mo'ko."

"Yes.Pero hindi sa ganitong paraan.Nasasaktan mo na siya!" Malakas na wika ng dalaga.Buti silang dalawa nalang ang naiwan sa canteen ng mga sandaling iyon.

"At ako? Tingin mo ba hindi ako nasasaktan? Sa tingin mo ba okay lang ako na makita siyang masaya kay Athan?"

"Yon na nga eh! Nasasaktan ka, Nasasaktan mo rin siya.Sa tingin mo ba, tama itong ginagawa mo?"

"I don't know." Mahinang sagot niya. "Ang alam ko lang, sobrang sakit ng nararamdaman ko sa tuwing nakikita ko silang magkasama." Aniya at nakita ni Jennifer na yumugyog ang mga balikat nito.

"Bakit? Bakit tila pinaglalaruan kami ng kapalaran, Pest?" Naiiyak niyang tanong dito.

"May dahilan ang lahat ng ito, Pest." Tugon ng dalaga at masuyong hinagod ang likod ng kaibigan. "Every bad situation will have something positive.Even a dead clock shows correct time twice a day.Stay positive in life.God knows what is best for you, for the both of you." Patuloy nito at niyakap ang binata. "Sige lang, umiyak ka lang...Andito lang ang balikat ko...Alam kong kailangan mo ito."

Pinakawalan nga ng binata ang luhang kanina pa nagbabantang tumulo.Umiyak siya ng umiyak sa balikat ng kanyang kaibigan.

Hinayaan lamang na ilabas ng dalaga ang nararamdaman ng binata.Ramdam niya kung gaano ito nasasaktan.Saksi din siya sa mga hirap at sakit na dinanas nito simula nang ma-aksidente ito at iwan ni Shanner.

Naging bugnutin at naging sadista ito sa sarili noon.Madalas nakikita niya itong umiiyak at tulala na nakatingin sa kawalan.Hindi rin ito makausap ng matino.Hanggang isang araw... Nakita niya itong maaliwalas ang aura ng mukha at nagpatulong sa kanya sa paghahanap ng therapist.Simula noon ay naging desidido itong makalakad muli at nang magtagumpay ay pinagpatuloy nito ang pag-aaral.Nagkaroon ulit ng sigla ang buhay nito at mas lalo iyong nadagdagan nang malamang nagdadalang-tao siya at todo alaga ito sa kanya lalo na nang isinilang na niya ang kanyang anak.Itinuon nito ang atensiyon sa kanilang mag-ina kapag wala itong pasok sa eskwelahan.

Minsan nga tinanong niya ito kung sino ang inspirasyon nito sa lahat.

"The love of my life." Sagot ng binata sa kanya noon. "Gusto kong tuparin ang mga pangarap na binuo namin, ang makatapos ng pag-aaral, makapag-trabaho, at ang makapag-patayo ng sariling bahay...Bahay kung saan kami titira at magsisikap na bumuong muli ng isang masaya at simpleng pamilya.May nawala man, alam kong hindi kami pagdadamutan ng maykapal at bibigyan niya ulit kami ng mga munting anghel."

Mga katagang s'yang dahilan kung bakit pinili nitong bumalik ng pilipinas...Para hanapin at balikang muli ang babaeng inspirasyon nito sa pagbuo at pagtupad ng mga pangarap nito.

Ngunit sa mga nakikita niya ngayon, alam niyang tila naglaho ang hangarin nitong makasamang muli ng kaibigan si Shanner.Pag-aari na ito ng kaibigan nitong si Jonathan.Alam din niyang kaya ito nagagalit sa dalaga ay dahil sa katotohanang mahal na mahal parin ito ng binata.

Bumalik ang diwa ni Jennifer sa kasalukuyan nang kumawala mula sa pagkakayakap sa kanya ang binata.

"I need to go." Wika nito at mabilis na pinunasan ang mga mata gamit ang daliri.

"Are you okay now?"

"Yeah.I'm fine.Magkita nalang tayo sa bahay." Tugon nito at tumayo na.

"Okay."

Mabilis itong naglakad palabas ng canteen.Napailing na lamang ang naiwang dalaga.Matapos ang ilang saglit ay lumabas na din siya ng gusali at sumakay sa kanyang kotse para sunduin mula sa eskwelahan ang anak.

Sumapit ang gabi, oras na nang uwian.Sinundo ni Jonathan si Shanner at kasalukuyan silang naglalakad patungo sa parking area.

"Umiyak ka na naman ba?" Tanong ng binata nang mapansin ang namumulang mga mata ng dalaga.

"Hindi napuwing lang ako." Kaila ng dalaga.

"Huwag mo nang itanggi pa.Ano bang nangyari?"

"Nagpunta si Jennifer dito kanina.At katulad ng dati, ang sweet na naman nila."

"Kaya umiyak ka naman?"

"Bakit ba? Sa masakit eh!" Tila maiiyak na namang bulyaw nito sa binata.

Hinawakan ng binata ang kamay ng dalaga saka niyakap ito.

"Huwag kang magulo.Gaganti tayo!" Bulong nito sa dalaga.

Naguluhan man ay agad naintindihan ng dalaga ang nais nito nang masulyapan na papunta sa gawi nila si Akie.

"I love you, Sweety." Wika ni Jonathan.

"I love you more, Sweety ko." Sagot ng dalaga na hindi nakaligtas sa dumaang binata.

Nakita ni Jonathan ang pagkuyom ng mga kamao ng nakatalikod na kaibigan.Pasimple siyang ngumiti. "Confirmed!" Anas nito sa sarili.

Samantalang inis namang binuksan ni Akie ang kanyang sasakyan at nang makapasok ay pabalyang isinara ang pinto.Pinagsusuntok niya ang manibela at umiyak.Mula sa kanyang kinaroroonan, tanaw niya ang dalawang nagtatawanan parin at magkahawak-kamay pa.Dahil sa hindi na niya makayanan ang nakikita ay mabilis niyang pinaharurot ang sasakyan habang lumuluha dahil sa kabiguan.Kabiguang muling ma-angkin ang babaeng pinangarap niyang iharap sa altar para bumuong muli ng isang pamilya.

Hatid-tanaw ng dalawa ang papalayong sasakyan nito hanggang sa tuluyan na itong maglaho sa kanilang paningin.

DALAWANG ORAS NANG nasa lansangan ang binatang si Akie at patuloy pa ring nagmamaneho.Walang kasiguraduhan kung saan siya patungo.Isa lang ang alam niya, ang makawala sa sakit na kanyang nararamdaman.Itinabi niya ang sasakyan sa may tabing-dagat na kanyang nadaanan.Pinagmasdan niya ang mga alon na humahalik sa buhangin di kalayuan sa pwesto niya.Makalipas ang ilang minutong pagmamasid ay bumaba siya mula sa kotse at naglakad-lakad.

May nadaanan siyang isang pamilya na masayang nagkakantahan sa paligid ng bonfire.Mas lalong nadagdagan ang sakit na kanyang nararamdaman dahil sa nakita.

"Bakit? Bakit hindi ko makamit ang kaligayahang inaasam ko?" Sigaw niya kasabay niyon ay pumulot siya ng maliit na bato at itinapon sa dagat. "Bakit ngayon pa? Kung kailan tanggap ko nang may dahilan kung bakit nawala ang ang anak namin." Patuloy niya at lumuluhang napaluhod sa lupa. "Bakit kung kailan nasa tamang edad na kami, saka naman naging hindi pwede! Bakit?...Bakit?!" Puno ng hinanakit nitong sambit.

Nanatili siya sa gano'ng ayos hanggang sa magpasya siyang linasin ang lugar.Habang naglalakad pabalik sa kinaroroonan ng sasakyan ay may nadaanan siyang isang lata kaya sinipa niya iyon, ngunit isang matanda ang kamuntik nang matamaan kaya agad siyang lumapit dito.

"Tatang, Okay lang ho ba kayo?"

"Okay lang ako iho.Ikaw ba, Ayos lang?"

"Po? Okay naman ho ako."

"May mga taong hinahayaan ang kanilang mga sarili na masaktan dahil sa isang bagay or pangyayari na hindi malinaw kung ano ba ang totoo.May mga tao ding nasasaktan dahil sa takot.Mas inuuna nila ang takot keysa sa harapin ang problema...Isa ka ba sa mga taong ito, iho?"

"Ano ho'ng ibig niyong sabihin?" Nalilitong tanong ng binata.

"Balikan mo at suriin ang mga pangyayari kung kailan ka nagsimulang masaktan...Nang sa ganon ay masagot ang lahat ng mga katanungang naglalaro sa isipan mo...Mga katanungang ayaw mong isatinig dahil nauunahan ka ng takot na iyong nararamdaman."

"Umuwi ka na.Muli kayong pinagtagpo para itama ang isang kamalian." Wika pa nito at ginagap ang mga kamay ng naguguluhang binata. "Hindi pa huli ang lahat...May pagkakataon ka pa para ipakita ang pagmamahal mo sa kanila...Pagmamahal sa babaeng nilalaman ng puso mo at pag-aaruga sa isang paslit na sabik sa kalinga ng isang ama."

"Sa Kanila? Paslit?" Nagugulumihang tanong ng binata.

"Sundin mo nalang ang sinasabi ko iho.At kapag nagtagumpay ka, bumalik ka dito kasama ang mag-ina mo." Iyon lang at tumalikod na ang matanda.Sinundan ito ng tingin ng binata hanggang pumasok ito sa isang munting bahay.

Magulo ang utak na sumakay sa sasakyan ang binata at pinaandar iyon.Hanggang sa sumagi sa isip niya ang binitiwang salita ng kanyang ama.Dahil doo'y isang pasya ang kanyang nabuo at mas lalong binilisan ang pagpapatakbo ng kanyang kotse para makausap ang mga magulang.

Hanggang sa...

*BOOOOGHS*

Tunog ng tumamang bumper ng sasakyan mula sa likurang bahagi ng kotse niya.Agad niyang inihinto ang sasakyan at bumaba , sakto namang bumaba din ang nagmamaneho ng kotseng bumangga sa kanya.

Isa iyong babae...Isang napakagandang babae!

Tila natuka ng ahas ang binata nang mapagsino ang kaharap...  

A KISS TO REMEMBER (Book 2: She's A Laundry Girl)                    by: M.D.STahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon