Chapter 10

1.5K 51 0
                                    

  NANG MAKARATING SA MANSIYON ay agad na dumiretso si Shanner sa kanyang kwarto.Naabutan niya ang kanyang anak na nag-aayos ng mga gamit para sa eskwelahan.Kitang-kita niya sa mukha nito ang kasiyahan habang isinisilid nito sa bag ang mga notebook.Pagkuwa'y lumapit ito sa may cabinet kung saan nakatago ang mga uniforme nito na ginamit noong nakaraang pasukan at kinuha ang isa.Sinipat nito iyon at humarap sa may salamin sabay bigkas ng, "Pwede pa'to." Ang katagang iyon ay hindi nakaligtas sa dalaga kaya marahan siyang naglakad palapit dito.

"Ayaw mo bang bumili ng bagong uniforme anak?"

"No, Mom! I think this is enough for me.Kahit naman po siguro luma or mukhang basahan ang suot ko, gwapo parin ho ako, diba ho?" Bibong sagot nito sabay kindat sa kanya.

"Oo, gwapo ka." Nakangiting tugon niya sabay yakap dito. " At mahal na mahal ka ni Mommy, tandaan mo yan."

"Mas mahal kita, Mom.Dahil kahit mahal mo ang Daddy Akie ko, mas ginusto mong lumayo at iwan siya para buhayin ako."

Natigilan siya pagka-banggit nito sa pangalan ng binata.Bumalik sa isipan niya ang mga binitiwan nitong salita.Dahil doon ay di niya maiwasang mapaiyak na naman.

"Mom? Is there something wrong?" Tanong nito at masuyo pang hinawakan ang kanyang mukha.

"Wala anak.Masaya lang ang Mommy." Garalgal ang boses na sagot niya dito.

"Alam ko pong hindi ka okay.Tungkol ho ba ito sa Daddy Akie ko?"

"Hindi anak." Tanggi niya.

"I know you Mom.At narinig ko po ang usapan niyo ni Grandma kaninang umaga."

"Anong narinig mo?" Kinakabahang tanong niya dito.

"Na nandito na sa pilipinas ang Daddy, pero may iba na pong pamilya."

"Hindi ka ba galit sa Mommy or sa Daddy?"

"I don't know Mom.But...maybe, just like you...May rason din po siya kung bakit nag-asawa siya ng iba." Sagot nito saka yumakap sa kanya. "I love you Mom.Anuman po ang mangyari, this handsome boy will love you forever."

Dahil sa narinig ay lalong hinigpitan ng dalaga ang yakap sa anak.

"Do you still love your Dad, nak?" Kanyang tanong nang kumawala ito mula sa yakap niya.

"Yes."

"Kahit may iba siyang pamilya?"

"Yes Mom.Alam ko po may dahilan ang lahat at balang-araw, matutupad din ang pangarap ko."

Hindi na niya kailangang itanong kung ano ang pangarap na iyon.Dahil simula nang magkaisip ito at tanging si Jonathan lang ang nakakasama, nagsimula itong mangarap na balang-araw makikita at makakasama din nito ang totoo nitong ama.Pangarap na mabuo ang kanilang pamilya.

"So, kumusta naman ang pag-enroll mo?" Pag-iiba niya sa usapan.

"Okay naman Mom.Maliban lang sa isang batang babae na maldita."

"Bakit ano bang ginawa niya sayo."

"Hinarangan niya ng paa niya ang daraanan ko, kaya natisod ako at nadapa." Sumbong nito na nakanguso pa.

"Hindi ka gumanti?"

"Hindi pa Mom."

"Hindi pa? Ibig sabihin may balak kan gumanti?" Maang niyang tanong.

"Don't worry po.I can handle it." Wika nito na animo'y hindi bata kung magsalita.

"Talaga lang ha? Maganda ba siya?" Curious niyang tanong ulit.

"Maganda po.Pero mas maganda kayo."

"Aisus! Nambola ka naman."

"Hindi po."

"Okay.I love you.Matulog ka na."

"Hindi ka pa po ba matutulog?"

"Maya nalang.Kausapin ko pa ang Daddy Jonathan mo."

"Okay.Goodnight po.I love you."

"I love you more handsome." Aniya dito at hinalikan ito sa pisngi bago tuluyang lumabas ng kwarto.

Nang makababa ay naabutan niya ang mag-asawang Ferrer at Jonathan sa may living room.

"Okay ka lang ba, iha?" Agad tanong ni Janet dahil nasabi na ng kanyang asawa ang naganap sa pagitan nito at sa kanilang anak.

"Medyo okay na ho.Huwag kayong mag-alala."

"Kaya mo bang pumasok sa trabaho bukas?" Si Jonathan.

"Okay lang.Kaya ko naman."

"Sigurado ka ba, iha?" Si Kelvin, dahil nag-aalala siya na baka kung anong gawin ng kanilang anak sa dalaga.

"Opo.Masasanay din ho ako at handa akong harapin ang galit niya, dahil sa mga maling paratang."

"Good." Panabay na sagot ng mga ito.

Maya-maya pa nagpaalam na ang mag-asawa at umakyat sa kwarto ng mga ito.Samantalang naiwan naman ang dalawa at nagkwentuhan tungkol sa mga nakaraan.Makalipas ang isang oras, magka-akbay silang pumanhik sa kani-kanilang kwarto at natulog.

SA MGA ORAS namang iyon, nanunuod ng tv ang mag-inang Jennifer at Jeanlie sa living room habang nasa isang sulok naman ang binatang si Akie at abala sa pagpirma ng mga papeles.

"Pest?" Tawag niya sa dalaga.

"Bakit?" Tanong nito at mabilis na lumapit sa kanya.

"Pwede bang paki-timpla ako ng kape?"

"Okay.Saglit lang." At mabilis na pumunta sa kusina.Di nagtagal ay may dala na itong isang tasa ng kape.

"Salamat." Kanyang wika dito at muling itinuon ang atensiyon sa ginagawa.

"Kumusta ang unang araw sa trabaho." Tanong nito.

"Okay naman.Kaya lang..." Nagdadalawang isip siya kung sasabihin ang nangyari.Ngunit sa huli, itinikom niya din ang kanyang bibig.

"Kaya lang ay ano?"

"Wala Pest." Sagot niya dito.

"Okay." At bumalik na ito sa tabi ng anak.

Nasundan na lamang niya ng tingin ang dalaga.Hindi niya alam kung bakit sa kauna-unahang pagkakataon, nagawa niyang maglihim dito.Jennifer is a good friend...Sinakripisyo nito ang pansarili nitong kaligayahan para samahan at damayan siya ng mga panahong hindi siya makalakad at tila walang silbi.And he love her so much lalo na nang makita niya kung paano ito naging mabuting ina sa anak nito.

Bumalik sa isip niya ang nangyari sa pagitan nila ni Shanner at Jonathan.Sa mga binitiwang salita ng mga ito, tila ba may mga nangyari or itinatago ang mga ito sa kanya.Idagdag pa ang huling sinabi ng kanyang ama na kailangan siya ang kusang tumuklas.Napailing siya at pinagpatuloy ang ginagawa.

"Alam mo Mom? May isang bata sa eskwelahan na pinuntahan natin ang kamukha ni Daddy." Tinig ng batang si Jeanlie kaya nag-angat ng tingin si Akie at tinalasan pa lalo ang pandinig.

"Talaga? Baka namalik-mata ka lang?" Si Jennifer na nakatutok parin ang mata sa pinapanuod.

"Hindi ko po alam.Baka nga ho." Aniya ng bata.

Muling itinuon ng binata sa binabasa ang mga mata nang hindi na muling nagsalita ang bata.Ngunit makalipas ang dalawang minuto...

"Pero Mom, kamukha niya talaga si Daddy...At saka..."

"At saka?"

"Magkapareho po sila ng pangalan at apelyido." Wika ng bata kaya muling napatingin sa mga ito ang binata.

"Pa'no mo naman nalaman? Nakita mo ba ang or narinig na sinambit ang pangalan niya?" Naninigurong tanong nito sa anak.

"Yes, Mom.Sigurado po ako! Isa pa ho, nakalagay kasi sa singsing na suot niya ang pangalang ' YANGZKIE'.Malakas na sambit ng bata na halos ikabingi ng binatang si Akie.

" Pa'no mo naman nakita?" Patuloy na usisa ni Jennifer sa anak.

"Actually po, ang singsing ay nakasabit sa isang kuwentas tapos nagandahan ako sa design kaya pinatid ko siya para mahawakan ang singsing.Tapos yon nga ho, nakita ko ang pangalan sa loob." Mahabang litanya ng bata.

Kumudlit sa ala-ala ng binata ang kuwentas at singsing na binigay niya kay Shanner nang huli silang magkita.

" NO.IT CAN'T BE." Hiyaw ng isipan niya.Ngunit bakit tila tumututol ang puso niya?  

A KISS TO REMEMBER (Book 2: She's A Laundry Girl)                    by: M.D.STahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon