SUMIKLAB ANG GALIT niya para dito kaya nagmamadali siyang tumawid sa kalsada at hindi niya alintana ang paparating na mga sasakyan.Ang importante sa kanya ay ang makaganti sa taong dahilan ng pagkakawalay niya sa mag-ina niya ng mahabang panahon.
Ngunit hindi paman siya tuluyang nakakatawid ay nahagip na siya ng isang rumaragasang kotse.Tumama siya sa bumper nito at dahil sa lakas ng impact niyon ay tumilapon ang katawan niya sa kabilang kalsada.Dahil sa dami ng nakakita agad itong nagsilapit sa duguan at walang malay na binata.Sa di kalayuan naman ay nakatayo si Albert at kasalukuyang hinihintay ang kanyang asawa nang mapansin niya ang nagkukumpulang mga tao.Ewan niya pero tila may humihila sa mga paa niya patungo sa mga ito kaya binilisan niya ang mga hakbang niya.Namutla siya at nabigla nang mapagsino ang duguang nakahandusay sa kalsada.
"Akie! Akie, Gumising ka!" Yugyog niya dito.Ngunit nanatili itong nakapikit kaya walang pagdadalawang-isip na binuhat niya ito at isinakay sa kotse.Dinala niya ito sa pinakamalapit na hospital at tinawagan ang mga Ferrer para ipagbigay-alam sa mga ito ang nangyari sa binata.
Nagkakape naman ang mag-asawa nang patakbong lumapit sa kanila ang isa sa katulong na siyang nakasagot ng telepono.
"Maam, Sir.May tumawag ho dito at sinabing nasa hospital daw po si sir Akie." Tarantang pagbabalita nito.
"Huh? Saang hospital daw?" Taranta namang panabay na tanong ng mag-asawa.
Mabilis namang sinabi ng katulong ang pangalan ng hospital at agad na gumayak sina Janet.Tinawagan na rin nila si Shanner at Jonathan at sinabing sumunod sa hospital.
Wala ding inaksayang oras ang dalawa at halos paliparin ng binata ang sasakyan para makarating agad sa kinaroroonan ng kaibigan.Halos magkasunod lang na dumating ang mga ito sa naturang hospital.Kasalukuyan silang nasa front desk para ipagtanong ang kinaroroonan ng binatang si Akie nang masulyapan ni Jonathan si Albert di kalayuan sa pwesto nila.Pinuntahan niya at kinausap at kanyang napag-alamang ito ang nagdala sa kaibigan sa hospital.Agad niyang tinawag ang tatlo na agad namang tumalima.
"Anong nangyari?" Tanong ni Kelvin nang makalapit.
"Hindi ko po alam.Sa kabilang kalsada ho kasi nangyari ang aksidente." Sagot ni Albert.
Si Janet naman bagama't tahimik nagkaroon siya ng ideya kung pa'nong nangyari na si Albert ang nagligtas sa anak niya.Ganunpaman, nanatili siyang tahimik hanggang sa lumabas ang doctor na sumuri sa binata.
"Doc, kumusta ho ang anak namin?" Kinakabahang tanong ni Janet.
"Misis, Maayos naman ho ang resulta ng ginawa naming pagsusuri sa anak niyo.No fracture bones, no affected organs, pero comatause siya."
"Gaano ho katagal bago siya magising?" Sabad ni Shanner.
"Walang kasiguraduhan kung kailan siya magigising.Kausapin niyo lang minsan ang pasyente para mas mapadali ang recovery niya." Sagot ng doctor.
"Salamat ho, Doc." Ani Kelvin dito.
"Walang anuman, Mister." Tugon nito at naglakad na palayo sa kanila.
Nailipat na sa pribadong silid ang binata at nalaman na rin ni Jennifer ang nangyari dito kaya dali-dali itong nagpunta ng hospital.Tanging si Shanner at ang mag-asawa nalang ang naabutan niya dahil nauna nang umuwi si Jonathan para sunduin ang batang si Akie sa eskwelahan.
Kumustahan, at iyakan ang naganap sa pagitan ng tatlong babae, samantalang tahimik naman sa isang sulok si Kelvin.Makalipas ang kalahating oras, nagpasya nang umuwi ang tatlo ngunit nagsalita si Jennifer.
"Shanner, Can we talk?" Tanong nito kasabay ang pagpigil sa braso ng dalaga na akmang palabas na ng silid.
Tumingin si Shanner sa mag-asawa at tango ang isinagot ng mga ito kaya nagpaiwan siya kasama si Jennifer.
"He needs you." Pagdaka'y saad ni Jennifer.
"Huh?"
"Alam kong mahirap paniwalaan, pero ikaw ang pangunahing dahilan kung bakit ginusto ni Akie na bumalik ng pilipinas pagkatapos ng maraming taong pananatili sa ibang bansa." Saad nito na nakatingin kay Akie. "Ikaw din ang dahilan kung bakit nakalakad siyang muli at nagsumikap para matupad ang mga pangarap niyo." Patuloy nito na bahagyang pumiyok ang boses.
"Anong ibig mong sabihin?" Naguguluhang tanong niya.
"We're not married."
"Ibig mong sabihin----"
"Yeah, tama ka." Sansala nito sa kanya. " At first, ginusto niyang pasakitan ka, para maramdaman mo ang naranasan niya.Dahilan para ipagkalat niyang asawa niya ako para makita ka niyang nasasaktan.But later on, he realize na hindi sapat ang galit niya para mapagtakpan ang pagmamahal niya sayo."
"Hindi ko intensiyong saktan siya." Wika niya."Masyado ko siyang mahal kaya ginawa ko kung ano ang nararapat."
"And he loves you too.Wala ka man sa piling niya, tinupad niya ang ilan sa mga pangarap niyo."
Nagtatanong ang mga matang tinitigan niya ito.
"Ops! I zip my mouth na.Mas maige, siya nalang magsabi sayo tungkol sa bagay na iyon." Nakangiting saad nito.
"So, hindi talaga naging kayo?"
"Ano ka ba, We're just friends, Okay?"
"Eh kasi----"
"Don't tell me, tama ang hinala namin na nagseselos ka?"
"Ibig bang sabihin niyan, sinasadya niyo talagang maglambingan sa harap ko?"
"Eh ganon talaga.Nakiusap ang kumag, eh di pagbigyan."
"Akala ko talaga.Haisttttt!"
"Kayo ba ni Athan, kumusta naman?" Tanong nito.
"We're okay."
"Are the two of you-----"
"No.Just like the two of you..." Aniya na itinuro ang walang malay binata. " We're just pretending."
Napangiti si Jennifer sa sinabi ng kaharap bagay na hindi nakaligtas dito.
"Para saan ang ngiting iyan? Don't tell me----"
"Psssttt! Huwag kang maingay.Baka may makarinig."
Tumawa ang dalaga dahil sa inasal ng huli.Matagal na itong may crush sa kaibigan nilang si Athan at ng mga panahong iyon ay boyfriend na nito si Patrick.Crush na humantong sa pagkakagusto, pero dahil nga sa pagkaka-aksidente ni Akie, nawalan na siya ng balita dito maging kay Patrick.
"Kumusta na pala si Pat?" Tanong niya dito.
"Ayon, Okay naman.Balita ko nga, may natitipuhan kaso di makadiskarte." Pahayag nito na ikinagulat niya.
"Naghiwalay kayo?"
"Yes."
"Sa anong dahilan naman?"
Imbis na sagutin ang tanong niya ay iniba nito ang usapan.Makalipas ang ilang saglit ay nagpaalam narin ito.Naiwan siya at binantayan ang binata.Kinausap niya ito at kwenintuhan ng tungkol sa kanilang anak hanggang sa makatulog siyang hawak ang kamay ng binata.Kinagabihan ay dumating ang mga magulang binata kaya nagpasya muna siyang umuwi at kumuha ng ilang mga gamit.
Lumipas ang isang linggo hanggang sa maging dalawa...tatlo, hindi parin nagigising ang binata.Isang araw dahil sa nangungulit ang batang si Akie na gusto nitong makita ang ama ay napilitan si Shanner na isama ito.
"Dad! Wake up.Miss na kita! Gusto pa kitang makasama at makalaro.Please, Dad! Gumising ka na." Kausap nito sa ama na hindi parin nagigising.Tahimik lamang ang mga kasama nito at umuusal ng panalangin na sana sa lalo't madali ay magising na ang binatang matagal-tagal naring nararatay sa kama ng karamdaman.
"Matagal na rin sa coma si Akie." Ani Kelvin. " Pero sabi naman ng doctor, hindi tayo dapat mag-alala dahil panigurado namang magigising siya."
"Pakatatag lang tayo." Wika ni Athan na sinang-ayunan naman ng lahat.
Katulad ng mga nakaraang araw, naiwan na naman si Shanner para magbantay sa binata.Walang humpay na tinitigan ng dalaga ang binata.Pabulong na nagdarasal na sana magising na ang lalaking pinakamamahal.Sa hindi inaasahang pangyayari ay sunod-sunod na luha ang pumatak sa nakapikit na mga mata ni Akie.Nagulat ang dalaga kaya't nagmamadali siyang tumawag ng doctor.
"Mabuti ang pagluha niya." Wika ng doctor. "Nag-reresponds siya sa mga bagay na ginawa ninyo sa kanya.Ang isang tao kahit nasa coma ito, naririnig parin nito ang pinag-uusapan ninyo.Soon, asahan niyo na ang movements mula sa kanyang kamay or sa paa.If that happens, sandaling panahon nalang, magigising na ang pasyente."
"Salamat po, doc.I'm getting excited to see him wake-up." Patuloy niya at hinawakan ang kamay ng binata.
"Oh, siya.Maiwan na kita at may pupuntahan pa akong ibang pasyente." Paalam ng doctor.
"Sige ho."
Nang makalabas ang doctor ay agad niyang tinawagan si Athan.
"Maganda ang progress ni Akie." Bungad niya ng sagutin ng binata ang tawag. "Lumuha siya kani-kanina lang.Ang sabi ng doctor, malapit narin niyang maigalaw ang kanyang katawan and finally magigising na siya."
"Huh? Lumuha siya? Siguro tinakot mo na iiwanan mo siya pag hindi pa nagpakita ng progress, noh?" Nanunudyong wika nito.
"Grabe ka!" Singhal niya dito. "Pakisabi nalang kila Mama ang sinabi ko."
"Masusunod, Mahal kong kaibigan." Tugon nito at agad nawala sa kabilang linya.
Lumipas ang isang buwan, hindi parin nagigising ang binata.Kasabay niyon ay kinakitaan ng senyales ng pagdadalang-tao ng dalaga.Pinasuri ito ng mag-asawa at nakumpirma nga nilang buntis si Shanner.Higit kanino man, mas tuwang-tuwa ang binatang si Athan.Akalain mo iyon, ang bilis makabuo ng gago niyang kaibigan.Ang sabi ng doctor, delikado ang pagbubuntis ng dalaga katulad nung ipagbuntis ang panganay na si Akie kaya pinayuhang bawal itong mapagod at maging emosyonal.Dahil sa kalagayan ng binatang si Akie, nagdesisyon ang mag-asawang Ferrer na pauwiin muna ng bicol ang dalaga para maiwasan nitong magkaroon ng problema sa pinagbubuntis.
Ayaw man ay wala siyang nagawa kundi sumunod.After all, para din naman iyon sa kanila, para sa kanya, para sa mga bata at para sa ama ng kanyang mga anak.
Isang linggo matapos umuwi ng bicol ang dalaga, dumalas ang pagdalaw ng binatang si Athan sa hospital, hanggang isang araw...
"Hoy gago! Bumangon ka na diyan.Diba gusto mong bumawi sa pamilya mo? Ito na ang pagkakataon mo.Alam mo bang buntis si Shanner sa pangalawa ninyong anak? Ay malamang hindi mo alam kasi nga tulog ka." Parang tanga na kausap ni Athan sa kaibigan na nakaratay parin sa kama.
"Bilib ako sayo, Tol.Ang galing mo! Akalain mo iyon, nakabuo ka kaagad." Wika pa niya at umupo sa tabi ng kama nito. "Gumising ka na please! Kailangan ka nila.Kailangan ka ng mag-iina mo.Sige ka, pag hindi ka pa bumangon diyan aariin ko ulit na anak ang anak mo.Ano, hindi ka pa didilat? Gusto mo sapakin kita?" Patuloy ng binata kahit nagmumukha na itong tanga sa harapan ng kaibigan.
Sa hindi malamang dahilan, kusang gumalaw ang mga kamay ni Akie.Kasabay niyon ay may tumulong luha sa mga mata nitong nakapikit parin.
"Natakot ka, noh?" Tudyo ng binata nang makita ang itsura ng kaibigan. "Takot ka nang masapak." Aniya pa na sa pagkakataong iyon ay nakangisi na.
Makalipas ang dalawang oras ay unti-unting dumilat ang mga mata ni Akie.Nilinga niya ang paligid at tanging nakita niya ay si Jonathan, nakadukmo ito sa kanyang kama at tulog.Gusto niyang uminum, tila ba uhaw na uhaw siya dahil sa mahabang paglalakbay.
"Tol." Tawag niya dito.
"Hmmmnn."
"I need some water."
"Tumayo ka, diba hindi ka naman na lumpo!" Mabilis nitong sagot na akala ay nananaginip lang na kinakausap siya ni Akie.
"Please! I need water."
"Sinabi nang----"
Nanlaki ang mga mata nito nang pag-angat nito ng paningin ay matunghayan ang gising na kaibigan.
"Tol, gising ka na? Totoo ba ito?" At sinipat pa ang mukha ng kaibigan.
"Gusto ko ng tubig, please!"
Ngunit hindi ito pinakinggan ng binata, sa halip ay nagmamadali nitong dinukot ang cellphone at tuwang-tuwa na tinawagan ang mga magulang nito.Habang kausap nito si Janet ay may tumama sa ulo niyang isang roll ng tisue.
"Ano ba? Kita mo nang may-----"
"I need water." Paos nitong wika.
Oo nga pala, kanina pa humihingi ng tubig ang kaibigan.Dahil doon ay inilang hakbang niya lang ang kinalalagyan ng tubig at inabutan ito ng isang baso na may lamang tubig.
SAMANTALA.
Tatlong linggo na si Shanner sa bicol at wala siyang balita kung nagising na ang binata or hindi pa.Sa tuwing kinukumusta niya ito, laging sagot ng magulang nito, ay magpahinga siya at alagaan ang sarili.Kaya naman nililibang niya ang kanyang sarili, madalas siyang tumambay sa may tabing-dagat.Sa lugar kung saan unang nabuo ang panganay nilang anak.Sa lugar na kung saan naging saksi ang mga alon sa pagdadalamhati ng kanyang puso nang magpasya siyang lumayo.At dito rin sa lugar na ito ibinuhos niya ang pangungulila sa kanyang mag-ama.
Isang hapon, kasalukuyan siyang nasa tabi ng dagat at tuwang-tuwa na namumulot ng maliliit na bato sa may baybayin.
"Lagi mo nalang ba'kong tatakasan sa tuwing nagbubuntis ka sa anak natin?" Baritonong boses mula sa kanyang likuran.
Mabilis na lumingon ang dalaga at nanlaki ang mga mata sa nakita.Si Akie, nakangiti sa kanya at matikas na matikas sa suot nitong Long sleeve polo shirt na kulay asul at maong na pantalon.Sa tatlong linggo na hindi niya ito nakita, parang lalo itong naging gwapo sa paningin niya.
"Wala ba'kong welcome hug diyan?" Patuloy na tanong ng binata ngunit nanatili lang na nakatitig sa kanya ang dalaga kaya pinanghinaan siya ng loob at akmang tatalikod nang may tumamang bato sa kanyang likod.
"At saan ka pupunta? Sinabi ko bang umalis ka?" Tanong nito nang makabawi sa pagkabigla.
"Eh, ba't mo ako binato?" Tanong niya at inilang-hakbang ang pagitan nila.
"Gago ka kasi!" Aniya na pumiyok ang boses.
"Ayaw mo kasi akong pansinin." Tugon niya at niyakap ito ng mahigpit.
"Masaya lang ako na makita kang nandito at-------"
Isang maalab na halik sa labi ang iginawad ng binata dito na mainit namang tinugon ng isa.Halik na puno ng pananabik at pagmamahal.
BINABASA MO ANG
A KISS TO REMEMBER (Book 2: She's A Laundry Girl) by: M.D.S
RomanceMay tamang edad nga ba pagdating sa pag-ibig? Kailangan nga bang madaliin ito at humantong sa kapusukan Or kailangan munang maghintay para sa tamang panahon? Meet, YANGZKIE FERRER. The highschool boy student na kilala bilang palikero at pilyo sa ka...