Chapter 15

1.9K 54 1
                                    

  ISANG MAALAB NA HALIK sa labi ang iginawad ng binata dito na mainit namang tinugon ng dalaga.Halik na puno ng pananabik at pagmamahal.

Makalipas ang ilang sandali ay kusang bumitaw si Akie at inakay ang dalaga patungo sa may isang malaking bato at naupo sila roon.

"Patawarin mo'ko." Panimula niya dito. "Nilamon ng galit ang puso ko sa loob ng maraming taon dahil sa mga maling akala.Nagtanim ako ng sama ng loob sayo dahil sa biglaan mong paglayo without telling anything.Nang magising ako na mag-isa sa bahay after rhuby's party, doon ko na-realize na hindi naman pala nawala yung pagmamahal ko sayo." Huminto ito at sumagap ng hangin bago muling nagsalita. "Mahal na mahal parin kita, Ap." Aniya pa na hindi mapigilang maging emosyonal. "Can you please, give me another chance to prove my love for you?" Napapaluhang tanong niya at tiningnan ito sa mata.

"Hindi lang ikaw ang may kasalanan, Ap...ako man ay may pagkakamali dahil sa pag-iwan ko sayo.Patawarin mo din ako dahil naging selfish ako." Mahinang wika nito. "Sa mga nakalipas na taon, hindi ka nawala sa isip at puso ko.Mahal na mahal din kita, Ap..." Amin nito. "Lumaki man ang anak natin na wala ka sa tabi niya, he loves you and----"

"Sshh..." Tinakpan ni Akie ang bibig ng dalaga gamit ang kanyang hintuturo. "I know, naikwento na sa akin ng anak natin ang lahat." Nakangiting saad niya dito.

"Huh?"

"The truth is...Kasama ko sila dito."

"Huh? Ah---eh...nasaan sila? Bakit ikaw lang ang nandito?"

"Busy sila eh!" Nangingiting tugon ng binata.

"Busy saan?" Kunot-noong tanong nito.

"Secret."

Binatukan siya nito at tinulak dahilan para mahulog siya sa kinauupuan.

"Ouch." Daing niya nang lumagapak ang puwet niya sa lupa.Mabilis namang tumayo ang dalaga at dinaluhan ang binata ngunit hinila siya nito kaya ang siste, napaupo siya sa kandungan nito.

"Payakap nga." Saad ni Akie at mabilis siya nitong niyakap patalikod.Isiniksik din nito ang baba sa bandang balikat ng dalaga.

"Alam mo bang lagi kong inaasam ito? Ang makasama at mayakap ka ng ganito." Bulong nito sa kanya kasabay ang paghaplos sa may kaliitan pa niyang tiyan.

Nakikiliti naman ang dalaga sa ginagawa nito.Hindi sa paghaplos nito sa tiyan niya kundi ang pagbulong nito sa kanya.Damang-dama niya ang init ng hininga nito lalo pa't sinisimulan na nitong kagat-kagatin ang punong-tainga niya.

"Naku, Ap...tigilan mo nga yang ginagawa mo...nakikiliti ako." Sita niya dito at marahang tumayo.

"Asus! Gustong-gusto mo naman."

"Talaga lang ha!" At nameywang pa dito.

"Biro lang..." Bawi ng binata at tumayo narin saka inakbayan ang dalaga. "Halika na, naghihintay na silang lahat sa atin."

"Lahat?"

"Haistttt...Huwag nang maraming tanong.Basta halika na." At nagpatiuna na itong nglakad.

Nagtataka namang sumunod ang dalaga dito.

MAKALIPAS ANG TATLONG ORAS, narating nila ang campus kung saan sila nag-aral ng highschool.Gabi na noon kaya nagtataka ang dalaga kung bakit sila naroon at hindi sa kanilang bahay.

"Anong ginagawa natin dito?" Tanong niya dahil napakadilim ng lugar maski isang ilaw sa poste wala.

"Bakit, natatakot ka ba?"

"Hindi ah!" Tanggi niya ngunit nakasiksik naman ang katawan niya dito.

"Hindi daw, pero ang kapit mo sa'kin daig mo pa ang tuko."

"Ay ewan ko sayo!" Naiinis niyang tugon dito at nagpatiuna nang naglakad papasok ng campus.Dahil nga sa madilim ay pakapa-kapa siyang naglakad hanggang sa hilahin siya ni Akie sa pinakagitnang bahagi ng looban kung saan ginanap ang kanilang JS PROM sampung taon na nakaraan.

"Natatandaan mo pa ba kung ano ang naganap sa pwestong kinatatayuan natin?" Tanong ng binata.

"Yeah.Dito ginanap ang JS PROM natin."

"Bukod doon, ano pang natatandaan mo?"

"Wala! Wala akong natatandaan."

"Sus, kunwari kapa.Diba dito---"

"Oo na.Dito naganap ang first kiss natin." Amin ng dalaga

"Sabi na eh!...Kunwari kapang walang natandaan, eh diba nga may remembrance ka pa ng gabing iyon?" Nakangising pambubuking ng binata.
"Huwag kang mahiya.Ang totoo niyan masaya ako dahil itinago mo ang mga bagay na may kaugnayan sa akin, sa atin.I love you, Ap."

"I love you too."

Nagyakap sila ng mahigpit at ilang sandali pa'y kumawala si Akie sa pagkakayakap sa kanya.

"Dito ka lang ha.Huwag kang aalis."

"Teka, saan ka pupunta?" Tanong ni Shanner ngunit nawala na ito.Naghintay siya dito,di nagtagal nakarinig siya ng mga yabag palapit sa kanya.Pinilit siya ng mga itong hubaran at bihisan.Nang matapos ay naglaho ang mga ito sa paligid.Nakaramdam ng takot ang dalaga dahil hindi parin bumabalik si Akie.

Makalipas ang ilang sagli't nakarinig si Shanner ng malakas na pagsipol, kasabay ang pagbaha ng liwanag sa paligid.Nilibot niya ang paningin at laking gulat niya nang makita ang mga taong mahahalaga sa kanya.

Nandoon ang mga magulang niya at magulang ni Akie.Naroon din ang mga kaibigan nila at malalapit na kamag-anak.Noon niya lang din nakita ang suot niyang above the knee white dress.

Inilibot pa niya ang paningin ngunit bigo siyang makita ang kanyang mag-ama at ang kaibigang si Athan.Hahakbang na sana siya palapit sa kanyang magulang nang pumailanlang ang isang awitin na si Albert mismo ang kumakanta.Nagulat ang dalaga ngunit ngumiti at kumindat sa kanya ang lalaki kaya nanatili siya sa gitna ng bulwagan.

*MARRY YOU*

-It's a beautiful night
we're looking for something
dumb to do
Hey baby, i think
i wanna marry you.

-Is it the look in your eyes?
Or is it this dancing juice?
who cares baby, i think
i wanna marry you.

Kasabay niyon ay nahagip ng kanyang paningin ang mga kaibigan na nakalinya at sumasabay sa galaw ang mga katawan sa kanta ni Albert.May tangan ang mga itong tag-iisang piraso ng bulaklak na rose.

Isa-isa itong naglakad palapit sa kanya habang sumasayaw at ini-aabot sa kanya ang bulaklak.

We'll i know this little chapel
on the boulevard we can go
no one will know
o come on girl.

Ang sumunod na lumapit sa kanya ay sina Athan at Jennifer na kapwa nakangiti sa kanya.Iniabot ng mga ito ang bulaklak at humalik sa kanyang pisngi.Matapos iyon ay umupo ang dalawa sa gitna ng kanyang magulang at nila Rhuby.Ibinalik niya ang paningin sa pinanggalingan ng mga ito at napaiyak siya sa sobrang kaligayahan nang makita ang nakangiting si Akie.Nakatayo ito roon habang nasa likod nito ang mga kamay.Katulad niya ay nakabihis din ito ng pormal attire.

-Who cares if we're trashed?
got a pocket full of cash
we can blow
shot of patron
and it's on girl.

Mas lumakas ang pag-iyak niya nang magsimulang maglakad ang binata palapit sa kanya.Nasa likod parin nito ang mga kamay habang sumasabay sa pagkanta kay Albert at sumasayaw.

-Don't say no, no, no, no, no
just say yeah, yeah, yeah, yeah, yeah
and we'll go, go, go, go, go
if you're ready like i'm ready

Nasa tapat na niya ang binata ngunit patuloy parin ito sa pagkanta.

-Oh! I'll go get a ring
let the choir bells sing
like ooohhhh
so whatya wanna do?
let's just run girl

-It's a beautiful night
we're looking for something
dumb to do
Hey baby, i think
i wanna marry you.

Matapos iyon ay tumabi ang binata sa dalaga at inilabas ang mga kamay buhat sa likod tangan ang mga bulaklak at mabilis niya itong iniabot dito.Luhaan man ay hindi mapigilang matawa ng dalaga dahil sa klase ng bulaklak na ibinigay ng binata.

"Ito parin?" Tanong nito at sinipat ang hawak na bulaklak.Napakamot naman sa ulo ang binata bagama't nakangiti dahil tandang-tanda pa ng dalaga ang unang pagkakataon na binigyan niya ito ng ganung bulaklak.

"Magandang gabi po sa lahat." Agaw pansin ni Shanner sa mga taong naroon. "Gusto ko lang pong malaman ng lahat na...dito mismo sa kinatatayuan ko nagsimula ang lahat ng sa amin ni Akie.Dito kami nagka-alaman ng nararamdaman at dito rin po naganap ang una naming halik." Itinaas nito ang hawak na bulaklak saka nagpatuloy. "Naalala ko pa noong unang pagkakataon na binigyan niya ko ng ganitong bulaklak.Pinitas niya lang daw iyon sa bahay na nadaanan niya." Pagkekwento ng dalaga na ikinatawa ng lahat.

"Sorry." Natatawang wika ng binata.

"Hindi mo kailangang mag-sorry.Gusto kong malaman mo na masaya ako dahil sa ginawa mo at pagbibigay ng bulaklak.Nakaw man or hindi, hindi na iyon mahalaga." Nakangiting sagot ng dalaga.

"Huwag kang mag-alala, Ineng." Tinig ng isang babae. "Hindi niya yan ninakaw.Sa katunayan nga, binayaran niya ko para pitasin ang lahat ng bulaklak sa halaman ko."

"Huh?" Nagtatanong ang mga matang bumaling siya sa binata.

Bilang sagot ay sumipol ito ng malakas sa bandang stage at wala pang sigundo ay bumukas ang mga ilaw na naroon.Namangha ang dalaga sa nakita lalo na nang tumambad sa kanya ang ibat-ibang kulay ng bulaklak na bugambilia.May nakita din siyang isang banner sa harap ng stage kaya naglakad siya papunta roon kasabay ang binata.

"WILL YOU MARRY ME, SHANNER PASCUA?"

Iyon ang nabasa ng dalaga na nakasulat sa banner.Mas lumawak ang kanyang ngiti nang makita ang larawang naroon.

Larawan nilang dalawa iyon na mag-kahinang ang mga labi.Kuha ang larawan noong gabi ng JS PROM nila na mismong kaibigan niya ang kumuha.Ang larawang pinakatago-tago niya at idikit pa sa kanyang diary.

Napaiyak siya nang mabasa ang nakasulat sa ibaba ng larawan.

"A KISS TO REMEMBER HOW MUCH I LOVE YOU."

Bugso ng damdamin ay niyakap niya ang binata at kapwa may luha ang kanilang mga mata ng sandaling iyon.

"Yes nayan." Sigaw ng mga taong naroon.Kabilang na ang kanilang mga kaibigan at mga magulang.

"Tol, ibigay mo nang singsing para sumagot na si Sweety." Ang di nakatiis na sabad ni Athan. "Ang bilis mong gumawa ng bab-----"

Binatukan ito ni Jennifer. "Aray naman! Bakit ka ba nambabatok?" Sita nito sa kaibigan.

"At itinanong pa talaga? Alam ko kung ano na namang kabulastugan nasa isip mo, kaya umayos ka."

"Fine." Nakasimangot nitong saad.

Napapailing naman si Rhuby sa dalawa.Ngayon alam na niya kung bakit kahit nagmamahalan sila noon ni Jonathan, gumawa ng paraan ang kapalaran para paghiwalayin sila dahil sa isang dahilan...at iyon ay dahil sa may ibang nakalaan para sa kanila.Ang sa kanya ay natagpuan na niya at kapiling na niya.Habang si Jonathan naman ay nakalaan para kay Jennifer.Sa isiping iyon ay napangiti ang dalaga at humilig sa balikat ng asawa.

Lumuhod si Akie sa harapan ng umiiyak paring dalaga at kinuha ang singsing sa bulaklak na hawak nito.

"Masyado nang mahaba ang panahong nasayang sa ating dalawa.Ayaw ko nang maghintay ng panibagong pagkakataon para itanong ito sayo." Aniya dito at masuyong tinitigan ang dalaga. "Will you marry me? Can i be your husband?" Patuloy niya at itinaas ang hawak na singsing.

Luminga sa paligid ang dalaga.Lahat ay naka-thumbs up kabilang na ang kanilang anak na ngiting-ngiti sa kanila.

Ibinalik niya ang tingin sa binata at pinatayo ito.

"Yes! You'll be my husband and i'll be your wife for the rest of my life." Tuwang-tuwa na tugon niya dito kasabay ang pagyakap dito ng mahigpit.

"Yes!" Malakas na sambit ng binatang si Athan na may kasama pang suntok sa hangin. "Ihanda na ang mahabang lamesa." Dagdag nito kaya umugong ang tawanan sa gawi nila.

"Di ka naman masyadong excited sa lagay nayan?" Tanong ni Jennifer.

"Pakialam mo ba?" Masungit na tugon nito.

"Hay naku! Ang sungit mo kaya wala kang jowa." Pambubuska ng dalaga.

"Bakit ikaw meron ba? Bawasan mo ang pagiging sadista mo para naman may magkamali sayo." Ganti nito.

"Tse!" Aniya ng dalaga at naglakad patungo sa kinaroroonan nina Shanner at Akie.

"Congratulation sa inyong dalawa." Bati niya sa mga ito.

"Salamat, Jen." Panabay na wika ng dalawa.

"Asan si Athan?" Tanong ni Shanner.

"Nandoon."

"Saan nga?"

"Basta." At naglakad na ito palayo sa kanila.

Nagkatinginan ang dalawa at napangiti lalo na nang masulyapan nila ang binatang si Jonathan na nakasimangot.

"Love is coming for Athan at Jen." Sabay na wika ng dalawa at nag-apiran.
Matapos iyon ay magkahawak-kamay silang nglakad patungo sa kinaroroonan ng kanilang anak at sinalubong sila nito ng mahigpit na yakap.

A KISS TO REMEMBER (Book 2: She's A Laundry Girl)                    by: M.D.STahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon