ALAS-KWATRO pa lamang ng madaling-araw ay bumangon na ang binatilyong si Akie para maghanda sa pagpasok niya sa iskwelahan.Ayaw niyang maistorbo ang tita Yanne niya, kaya siya na ang kusang nagluto ng almusal at baon niya.Matapos makapagluto ay agad na siyang kumain at nagluto.Nagbibihis na siya nang kumatok sa kwarto niya ang tiyahin.
"Akie, gising na." Tinig nito mula sa labas.
"Gising na po ako tita, nagbibihis lang po ako," kanyang sagot dito.
"Okay, akala ko kasi di ka pa bumangon.Baka ma-late ka na naman sa School."
"Sige po tita, lalabas na po ako." Mabilis na niyang tinapos ang pagbibihis at lumabas ng silid bitbit ang mga gamit.
"Ahmmm...Tita, baka po alas-sais na'ko makauwi mamaya." wika niya dito ng tuluyang makalapit.
"Oh, bakit? May gagawin ka bang iba, after ng klase mo?" takang tanong nito.
"Opo Tita.Nagppraktis po kasi kami ng sayaw para sa nalalapit na J.S prom sa School."
"Ah, ganun ba? O sige, ako nalang bahala magsabi sa Tito mo." mabilis na sagot ni Yanne sa kanya.
"Sige po, Salamat Tita." Matapos itong humalik sa pisngi ng tiyahin ay mabilis na itong lumabas ng bahay.
Naiwan namang nakangiti si Yanne. "Ang bilis talaga ng panahon," kanyang nawika sa sarili.Parang kailan lang, nagmamaawa pa itong nagpaalam sa mga magulang dahil gusto nitong magpa-iwan sa bicol.Ngayon, nasa third year highschool na at isang taon nalang, magtatapos na ito.Sa kanila tumira si Akie matapos ang kanilang kasal, at sa bicol din nito ginustong makapagtapos ng pag-aaral.Ayaw man ng magulang ay napilitan ang mga ito dahil narin sa pamimilit ng bata.Sa tuwing sumasapit ang pasko at bagong taon, lumuluwas sila ng maynila, minsan nama, ang mga ito ang umuuwi ng bicol.
Makalipas ang kinse-minutos, narinig niyang may tumatawag sa pamangkin kaya umikot siya sa gawi ng kusina nila.Nabungaran niya kanyang pamangkin
na anak ng pinsan niya.
"Oh, Jennifer, andito ka pala.Akala ko magkasabay kayong umalis ni Akie?"
"Po? Eh ang sabi niya kahapon, nadaanan ko siya dito." kunot-noong sagot nito.
"Ganun ba? Ang mabuti pa'y habulin mo nalang.Baka dumaan kila Patrick." Ang tinutukoy niya ay isa sa mga barkada ng pamangkin.
"Sige po, mauna na po ako," magalang na paalam ng dalagita.
Tumango na lamang si Yanne bilang sagot dito.
Nagpupuyos naman sa inis ang dalagita nang makalayo sa bahay ng tiyahin at sinipa pa ang may kalakihang bato na kanyang nadaanan.Ngunit dahil sa naka-tsenilas lang siya, dumaplis ang isang daliri ng paa niya at dumugo.
Dahil dun, mas lalong nadagdagan ang inis na kanyang nararamdaman sa kanyang best-friend na walang iba kundi si Akie. "Makikita ng mokong na yon," gigil na wika nito sa sarili at pinunasan ang paa na may dugo saka nagpatuloy sa paglalakad patungo sa iskwelahan.
SAMANTALA, masayang naghaharutan ang grupo nina Akie habang naglalakad patungo sa iskwelahan nila.
"Tol, ano na score ninyo ni Lani?" tanong ni Jonathan, isa sa kanyang mga kaibigan.
"Wala Tol, alam niyo namang hanggang kaibigan lang ang maaari kong ibigay sa kanya." Kanyang sagot na ikinalingon ni Patrick.
"Ibig sabihin, wala talagang pag-asa sayo ang babaeng yon?" tanong nito.
"We're just friends mga Tol, kaya kung may balak manligaw sa kanya ang isa sainyo, malaya niyong magagawa." Baliwalang sagot niya sa mga ito at binilisan ang mga hakbang.
Actually, maganda at seksi si Lani.Matalino din ito sa klase nila, ngunit lantaran ang pagpapakita nito ng motibo sa kanya.Isang katangian na pinakaayaw niya sa isang babae kung kaya't ang paghangang naramdaman niya dito ay unti-unting nawawala.
"Tol, ba't nga pala hindi mo kasabay si Jennifer?" tanong ni Patrick na hindi naman lingid sa kaalaman ni Akie, ay may gusto ito sa bestfriend niya.
Pagkarinig sa pangalan ng kaibigan ay napahinto sa paglalakad ang binatilyo at mabilis na pumihit pabalik sa pinanggalingan.
"Saan ka pupunta?" panabay na tanong ng dalawa.
"Babalikan ko si Jennifer." Mabilis niyang sagot at halos takbuhin ang kalsada para lang makabalik sa baryo nila.
Maang namang nagkatinginan ang dalawa at ilang sandali pa'y hinabol nila ang kaibigan.
SA MAY SAPA kung saan ito ang nagsisilbing pagitan ng school nila at ng kanilang baranggay, dun nagkasalubong ang magkaibigan.
Agad napansin ni Akie ang dumudugong paa ni Jennifer.
"Anong nangyari diyan?" maang niyang tanong.
"Wala to, natalisod lang."
"Halika na, sakay ka sa likod ko.Buhatin nalang kita para di ka mahirapan." Alok ni Akie dito.
"Ang OA mo talaga pest." sagot nito at nagpatiuna nang naglakad.
"Ako OA? Ikaw nga KJ." Ganti niya dito.
Napataas ang mga kilay nito sa narinig. "Ah ganun ha? Tingnan nga natin kung sino ang Kj sa'ting dalawa." At mabilis siya nitong sinakyan sa likod at kiniliti sa tagiliran.
Kamuntik na siyang mahulog sa may tubig dahil sa ginawa nito.Ilang sandali pa'y puro halakhak ng dalawa ang maririnig sa paligid.Hindi nila namalayan ang oras dahil busy sila sa harutan.Unang nakabawi ang binatilyo kaya hinila niya ang kamay ng kaibigan at nagsimulang baktasin ang daan patungo sa iskwelahan.
Nasalubong nila ang dalawa niyang kaibigan at kapwa nakakunot-noo itong nakatingin sa magkahawak nilang mga kamay ng kaibigan.
Di naman maiwasang matawa ni Jennifer nang makita ang itsura ni Patrick kaya tinudyo niya ito.
"Selos ka ba?" Kanyang tanong at umakbay pa kay Akie.
"Ba't naman ako magseselos? Ano ba kita?" nakabusangot ang mukhang tugon nito.
Natigilan naman ang dalagita dahil sa naging sagot nito.Kaya bigla nitong binitiwan ang kamay ng kaibigan at nauna nang naglakad. "Ang torpe mo talaga! nakakainis kana!" bulyaw niya dito bago tuluyang tumakbo palayo sa tatlong napanganga sa narinig.
Unang nakabawi si Jonathan kaya walang pakundangan nitong binatukan ang katabing si Patrick na tulala parin.
"Ano bang problema mo't bigla kana lang nambabatok?" ani Patrick na marahang hinipo ang ulo.
"Pa'no para kang namaligno diyan." Nakangising tugon nito.
Bago pa magkaasaran ang dalawa, sumingit na si Akie.
"Tara na nga, at baka mahuli na naman tayo." Yakag niya sa mga ito at napapangiting naglakad.Sa wakas, magkakaroon na yata ng buhay ang lovelife
ng kanyang mga kaibigan. "Eh pa'no ka naman? Wala ka bang balak pumag-ibig?" Ang malanding tanong ng isip niya.Napapailing na ipinagpatuloy niya ang paglalakad, kasabay ang dalawang nag-iiringan parin dahil sa pagbatok ni Jonathan kay Patrick.
----------
Nakarating sa iskwelahan na naiinis parin ang dalagitang si Jennifer dahil sa inasta ni Patrick.Kanyang naisip na, baka nga talagang wala itong gusto sa kanya. "Ang tanga mo, para isiping may gusto din siya sa'yo" usal ng isipan niya. "Pakiramdaman mo muna siya bago ka sumuko," sulsol naman ng puso niya.Napasabunot ang dalagita sa sariling buhok dahil palagi nalang nagtatalo ang isip at puso niya pagdating kay Patrick.
Nagpatuloy siya sa paglalakad sa loob ng campus.Tamang kakapasok niya palang sa kanilang classroom nang tumunog ang bell, hudyat na magsisimula na ang FLAG CEREMONY nila.Tumingin siya sa hanay ng mga kalalakihan at napailing siya nang makitang bakante ang pwesto ng tatlo niyang kaibigan.
Matapos ang Flag ceremony ay balak niyang hintayin ang tatlo, ngunit bago paman siya makalayo, narinig na niya ang tinig ng Adviser nila.
"Miss Gomez, Nasaan na naman ba ang mga kaibigan mo?"
"Ahm...Baka po parating na," alanganing sagot niya.
"Abangan mo sila at pumunta kayo sa Principal office." Pagkawika nito'y tuloy-tuloy na itong pumasok sa Classroom nila.
Napapadyak nalang sa sobrang inis ang dalagita.Panigurado, absent na naman siya sa unang klase nila.Kasalanan na naman ng tatlo niyang sira-ulo na kaibigan.
Matiyaga siyang naghintay sa mga ito sa may bungad ng gate.Di nagtagal, dumating ang tatlo at nakatikim mula sa kanya ng tag-iisang batok ang mga ito at mabilis na hinila papunta sa principal office.
Bilang parusa, ay pinatakbo ang mga ito ng principal sa buong campus ng mahigit isang oras.
Hingal na hingal na lumapit sa kanya ang dalawa at humingi ng tubig, mula sa hawak niyang termo.Habang si Akie naman ay tila enjoy pa sa ginagawa.Napatitig siya dito, saktong tumingin din ito sa kanya at kumaway sabay kumendeng-kendeng na nakausli ang wetpu.
"Baliw ka parin talaga!" sigaw niya dito, dahilan para mapatingin dito ang dalawang binatilyo.Nagtama ang paningin nina Jennifer at Patrick ngunit mabilis ding nagbaba ng paningin ang mga ito, na hindi naman nakaligtas sa mapanuring si Jonathan. "Ha'y naku! Pag-ibig nga naman," palatak nito pagkuwan at nagpatuloy muli sa pagtakbo.
KINAHAPUNAN, Oras ng praktis nila para sa J.S PROM.Nagmamadali silang lumabas at pumunta kung saan nila ang ginagawa ang pagsasayaw.
Mahigpit ang dance instructor nila kaya dapat pulido ang galaw ng bawat isa, dahil kung hindi, asahan mo nang may matatanggap kang palo sa paa mo, gamit ang stick nito.( Isang uri ng pamalo na gawa sa kawayan)
Nasa kalagitnaan na sila ng pagsasayaw nang biglang sumigaw ang partner ni Akie na kasalukuyang nasa unahang bahagi niya.
"Ang bastos mo talaga!" malakas na wika nito at inapakan pa ang paa niya.
"Ako bastos? Baka ikaw!" nakangising sagot niya dito.
Mabilis namang pumunta sa gawi nila ang D.I at nagtanong.
"Anong kaguluhan ito?"
"Si Akie po kasi, naramdaman kong tumayo yung KU---KU---WAN niya." Pautal-utal na sagot ni Lani.
Bumaling ang baklang D.I kay Akie at pinasadahan ng tingin ang harapan niya.Confirm, naka-umbok ito.
"Get down!" malakas na sigaw nito sabay pitik sa harapan niya gamit ang stick na hawak nito, kaya paluhod na napaupo ang binatilyo.
"Who told you to get down? I order your dick to get down!" malakas paring sigaw nito kaya lumapit sa pwesto nila ang iba pang estudyante.
"Pa'no ho yan? Mukhang ayaw sumunod ng alaga ko sa instruction niyo?" pilosopong sagot ni Akie dito.
"Ah, Buset ka talagang bata ka! Matutuyuan ako ng dugo sayo." anas nito at padabog na lumayo sa kanila.
"Naku! Baka hindi lang dugo mawala sayo.Baka pati laman mo, maubos!" pahabol ni Jonathan dito, ngunit hindi na ito lumingon pa.
"Anong kadramahan na naman yan, Tol?" Ani Patrick.
Tumayo si Akie at binulongan ang mga kaibigan.Maya-maya pa'y binuhat nila ito at nagsisigaw.
"Whoooooaaahhhh! Ang galing mo talaga.Dahil diyan, maaga tayong makakauwi." panabay na sigaw ng dalawa, ngunit biglang nagsi-tahimik nang batukan sila ni Jennifer.
"Ouch," chorused ng tatlo.
"Manahimik nga kayo! Iingay eh.Kita niyong nagpa-praktis ang tao." singhal ni Jennifer sa mga ito.
"Fine, tatahimik na.Pero bago yon, may gagawin muna ako." wika ni Akie at nilapitan si Lani.
"Gusto mo bang binyagan ito?" nakangising tanong niya dito sabay turo sa harapan.
"Litmaku ka talaga! Puro ka kamanyakan!" sagot nito at akmang tatalikuran siya, ngunit bago paman ito makalayo, hinapit niya ito sa bewang.
"Ikaw naman kasi, gusto mo lang naman yata na maka-tsansing, pinag-sigawan m pa.Pwede mo namang binyagan itong alaga ko na tayong dalawa lang, yung walang audience." Bulong niya sa tainga nito kaya natigilan ang dalagita at hindi makapagsalita.
"Better luck next time baby!" malandi pa niyang dagdag bago ito pinakawalan.
Naiiling namang pinagmasdan ni Jennifer ang nakatulala paring si Lani.Knowing her bestfriend, alam niyang may kapilyuhan na naman itong sinabi sa ka-klase nila kaya ganun nalang ang reaksyon nito.
Ilang sandali pa,ay nagsi-uwian na ang mga estudyante.At tulad ng nakasanayan, maingay na naman ang kalsada dahil sa malalakas na tawanan at harutan ng apat na magkakaibigan.
BINABASA MO ANG
A KISS TO REMEMBER (Book 2: She's A Laundry Girl) by: M.D.S
RomansaMay tamang edad nga ba pagdating sa pag-ibig? Kailangan nga bang madaliin ito at humantong sa kapusukan Or kailangan munang maghintay para sa tamang panahon? Meet, YANGZKIE FERRER. The highschool boy student na kilala bilang palikero at pilyo sa ka...