Chapter 2

2.6K 59 1
                                    

  KINABUKASAN, habang nasa canteen ng eskwelahan ang magkapatid na Shanner at Janina.

"Sige na kasi ate, mag-sign kana kasi dito." Ani Janina sa ate niya at iniabot dito ang Slum-note.

"Tsk! Tigilan mo nga ako Janina.Ano bang mapapala ko diyan pag sinagutan ko ang mga yan?" tanong ni Shanner na abala sa pagbabasa ng libro.

"Well, kapag nag-sign ka dito mabibili mo ang gown na gusto mong bilhin para sa Prom natin.Diba kulang ang budget mo?" nakangiting tanong pa nito.

"At papano ko naman mabibili yon, eh kulang nga pera ko, aber?" salubong ang kilay niyang tanong.

"Dadagdagan ko ang pera mo."

"Sigurado ka?"

"Oo naman ate, so pa'no? Sasagutan mo naba to?" aniya nito at itinaas pa ang Slum-note.

"Fine, whatever!" at muling itinuon sa binabasa ang atensiyon.

"Okay ate, sagutan mo ha!" at mabilis nitong inilapag sa harapan niya ang nasabing Slum-note saka nagmamadaling lumabas ng canteen.

Isang oras pa ang lumipas nang magdesisyon siyang bumalik na sa classroom nila, kaya agad niyang dinampot ang mga gamit niya at may pagmamadaling naglakad.

SAMANTALANG papasok naman sa canteen ang grupo nina Akie.Abala siya sa pagbutingting ng cellphone niya kaya hindi niya napansing may makakasalubong siya.

*BOOOOOOGSH!

Nagkabanggaan ang dalawa, parehong naparalisa ang mga katawan nang mapatitig sa bawat isa.

Pakiramdam ni Akie, nag slowmo ang buong paligid.Lahat nawalan ng kulay at medyo naging malabo, hanggang sa silang dalawa nalang ang natira.Yung maiingay na estudyante biglang nawalan ng tunog.Lumamig ang pakiramdam niya, nanlambot ang tuhod at tila bumigat ang kanyang mga paa.Sobrang lakas ng tibok ng puso niya, at tila ba, silang dalawa lang ang tao sa mundo.Napaisip tuloy siya, "Ito ba yung tinatawag na love at first sight?" tanong na hindi niya alam kung papano sasagutin dahil bago sa kanya ang ganung pakiramdam.

Oo, nga't nabansagan siyang palikero dahil sa dami ng nagkakagusto sa kanya sa campus, ngunit iba ngayon.Hindi niya maintindihan ang kanyang sarili.

Si Jennifer naman ay napapangiti nalang na nakamasid sa kaibigan.Mukhang tinamaan ito ni Kupido, kaya bigla niyang inapakan ang paa nito dahilan para matauhan ito. "Istorbo ka talaga kahit kailan pest." ang bulong ni Akie dito.Tawa lang ang isinagot dito ni Jennifer.

"Ay talong na malaki!" gulat na wika ni Shanner dahil sa pitik ng mga daliri ni Akie, dahilan para bumalik siya sa realidad.Natulala kasi siya at hindi makapaniwalang nasa harapan niya ang kanyang crush.Matagal na siyang may paghanga kay Akie, dangan nga lang at ni minsan hindi sila nagkakausap.

"Whaaaaat?!" kunot-noong tanong ni Akie.

"Malaki daw talong mo Tol," panabay na ulit nina Patrick at Jonathan sa sinabi ng dalagita, dahilan para magtawanan ang ibang estudyante.

Namula naman si Shanner at nakayukong nagsalita.

"Ah----eh-----wala.Sabi ko, sorry!" at mabilis na itong naglakad patungo sa knilang classroom.

Nahabol na lamang ng tingin ni Akie ito at nagpatuloy sa pagpasok sa canteen.Ngunit bago paman makalayo, nahagip ng kanyang paningin ang isang Notebook.Pinulot niya ito at binuklat, napailing siya nang makitang isa iyong Slum-note. "Mga babae nga naman." aniya at tumabi sa mga kaibigan na prenteng nakaupo.

"Tol, pano bayan? Mukhang may magbibinyag na diyan ah." ani Patrick at inginuso ang babang bahagi ng katawan niya.

"Ulol! Pabibinyagan ko lang to sa future girlfriend ko." Aniya dito at di napigilang mapangiti nang maalala ang mukha ng nakabangga niya.

"Inlababo ang peg?" nakangiting tanong ni Jennifer, dahilan para pamulahan ng mukha si Akie.

"Hindi ah!" tanggi niya.

"Tinamaan ni kupido," tukso nina Jonathan at Patrick.

"Magsitigil nga kayo! Pagsasampalin ko kayo eh." Pabaklang wika ni Akie kaya napuno ng tawanan ang loob ng canteen.

Oras nang uwian.Inabangan nina Akie ang dalagita sa may gate para sana ibalik ang gamit nito.Ngunit nagsilabas na ang lahat, di parin nila ito nakita kaya nagpasya nalang silang umuwe at bukas nalang hahanapin ang dalagita.

Si Shanner naman kasalukuyan nang naglalakad pauwe sa bahay nila.Dumaan siya sa shortcuts na daanan nang makita niya si Akie na tila may hinihintay sa gate.Kinakabahan parin kasi siya gawa nang pagkakalapit ng kanilang mga katawan kanina.Para siyang nagda-day dreaming nang mga sandaling iyon.

Nang makarating sa bahay ay agad siyang nagpahinga.

--------

Kinabukasan nagmamadali si Shanner sa pagpasok sa campus nila dahil sa mahuhuli na siya.Sa kakatakbo niya, may naapakan siyang sapatos.Agad siyang nag-sorry at deretso sa pagtakbo.Maya-maya, siya naman ang naapakan nito, dahilan para muntikan na siyang matapilok.Tumingin siya dito at nagulat dahil si crush, nasa harapan niya at alanganing nakangiti.

"Sorry ha." Hinging paunmanhin ni Akie.

"Gumaganti kalang ata eh!" aniya Shanner na yumuko dahil sa kabang nararamdaman.

"Hindi.Sorry ulit ha." Si Akie na matamang tiningnan ang dalagita.May gusto pa sana siyang sabihin ngunit, tila naumid na ang dila niya.Kaya nagpasya nalang siyang maglakad palayo dito.

Si Shanner naman nag-angat nang paningin nang maramdamang naglakad na ang binatilyo palayo sa kanya.Ngunit bago ito mawala sa paningin niya, narinig niyang nagsalita ito ng, "Nakakainis naman!"

Napamaang siya at napataas ang kilay.Sino ang nakakainis? Siya ba? Nang walang makuhang sagot dahil wala naman talagang sasagot, nagpasya na siyang maglakad ulit.

ILANG ARAW PA ang lumipas at nagkasalubong na naman ang dalawa.Sa lakas ng impact ay nabitawan ni Shanner ang mga librong hawak niya.Mabilis niya itong pinulot at tumayo.

"Uy! Ikaw na naman?" ang nakangiting binatilyo.

"Sorry." Ang nahihiyang si Shanner.Napayuko siya, ang gwapo kasi eh!

Tumitig si Akie sa kanya, kaya pakiramdam ni Shanner maiihi na siya sa sobrang kilig.

"Nagkabungguan na naman tayo." Ang wika ni Akie kaya nagtaas ng tingin ang dalagita.

"Sorry talaga.Napaka-clumsy ko."

"Naniniwala ka ba sa, MEANT TO BE?" tanong na ikinagulat ni Shanner.

Natawa siya sabay sagot ng, "Lol.Walang ganun."

Simula nang mangyari ang insidenteng iyon, sa tuwing nagkikita ang dalawa, ang tawag ni Akie kay Shanner ay, "Meant to be."

Sa tuwing tinatawag siya nito ng ganun, hindi niya mapigilang mapangiti sa kilig na para bang tumatalon ang puso niya.

Nalaman nadin ni Akie ang pangalan niya nang araw na ibinalik nito ang Slum-note sa kanya.Nagkakabatian nadin sila minsan, pero mas madalas, ilag sa isat-isa dahil narin sa parehong nararamdaman na kaba tuwing nagtatama ang kanilang mga mata.Umusbong ang pagmamahalan sa pagitan nila ng lingid sa kaalaman ng bawat isa.

---------

GABI NG PROM.

Alas-otso palang ay pumunta na sila ng campus.Naglipana ang mga estudyante sa bawat sulok ng paligid.Bago sila makapasok sa entrance ay pinabunot sila sa may fish bowl na ewan kung para saan yon.#2 ang nakalagay sa papel na hawak nina Jennifer at Akie, samantalang #6 naman kila Jonathan at Patrick.

Pagpasok nila ay nakita nila ang buong paligid.Puno ito ng ibat-ibang kulay na dekorasyon at ang mga lamesa naman ay puting-puti.Nasa isang sulok ang mga pagkain, at sa isa pang bahagi ay mga nag-uumpukang mga estudyante.

Inilinga ni Akie ang paningin sa pagbabakasakaling makita ang babaeng laman ng kanyang puso ngunit hindi niya ito makita.

Sa kabilang bahagi naman, malikot ang mga mata ni Shanner sa kakahanap sa kanyang padangat na si Akie.

"Okay.Ladies and Gentlemen.Escuse me? Can i have your attention, please?" Tumahimik ang lahat nang marinig ang tinig ng kanilang School director.

"Kung nagtataka kayo tungkol sa number na binunot niyo, thats your table number.For example, youre in, #1.You'll seat in the table #1.Look at the back of paper, may isa pang number at yan ang uupuan niyo.Don't worry, You'll never get confused with that.So goodluck!"

Lumipas ang ilang minuto, nakaupo na ang lahat.Halo-halo ang mga babae at lalaki.

"So girls! Heto na ang inyong time.Gimme Gimme Gimme...Time to shine bright like a diamond! Girls Choice.Here it comes..." Aniya ng kanilang adviser.Girls choice na, ibig sabihin sila ang pipili ng isasayaw nila.Lahat nagsitayuan maliban sa kanya.Nanatili parin siyang nakaupo at hinahanap si Akie.

"Bakit ka mag-isa?" tinig ng isang lalaki mula sa likuran niya.Hindi siya nag-abalang lumingon.

"Wala kang paki!" pabalang niyang sagot dito.

Nagtaka siya nang walang makuhang sagot dito at nagulat nang biglang dumaan sa harapan niya ang lalaki.Mula sa likod niya, ay dumaan ito sa bandang kaliwa niya.Napanganga siya nang makilala ito.Nilapitan siya ng padangat niya! Hahahaha.Ang saya-saya na sana, kaso sinungitan niya.Parang gusto niyang sampalin ang sarili sa kagagahan.Narinig na naman niya itong nagsalita ng, "Nakakainis talaga!"

Sa sobrang pag-iisip, hindi niya namalayan ang paglapit ng kaibigang si Aira.

"Hoy! Bat---"

"Ay Baboy!" gulat niyang wika.

"I'm not that fat! Grabe ka naman.Bakit hindi ka sumayaw?"

"Whew! Ayoko nga.Ako, kukuha ng kasayaw? Never!"

"Anong nakain mo? Nasobrahan kaba sa rugby?"

"Ay hindi! Katol, katol ang tinira ko!" pabalang niyang sagot dito.

"Baliw!" ani Aira at umupo sa tabi niya.

Kumain muna sila at pagkatapos saka isusunod ang Men's choice.Lahat nagkekwentuhan, nagkakasayahan.

"Gather up! Gather up! Way too fast boys! Isayaw niyo na ang mga gusto niyong isayaw.Minsan lamang ito! Pair up! Men's choice." Ang kanilang school director.

Halos lahat na nagsipagtayo.Naiwanan na naman siya.Parang gusto niyang umiyak.Gusto niyang magmaktol at umuwi.Wala man lang nagyaya sa kanyang sumayaw.Traydor pa mga mata niya! Ayaw tumigil sa pagluha.Ilang sandali pa'y mabilis niyang pinahid ang mga luha nang may magsalita sa tabi niya.

"Can we dance?" nakangiting si Akie.

Kumabog ang dibdib ni Shanner at yumuko siya.Tumayo naman ang binatilyo saka inilahad ang kamay dito.

Nagtaas ng paningin ang dalagita at kahit kinakabahan ay inabot niya ang kamay dito.

"Change." Sigaw ng Emcee, eh wala pa ngang tatlong minuto silang nagsasayaw, change agad?

Agad namang ipinasa ng katabi nila ang partner nito kay Akie.Aalisin na sana ni Shanner ang kamay sa balikat nito ngunit pinigilan siya nito.Hindi siya binitiwan ni Akie at hindi rin nito kinuha ang ipinasa ng katabi nila.Naguluhan si Shanner, hindi siya nito binitiwan.

"Haist.Nakakainis talaga!" wika ni Akie at umiwas ng tingin kay Shanner.Tingin ng dalagita ay namumula ito.

"Uhmmm...Akie?" tawag niya dito.

Hindi ito tumingin sa kanya, ngunit nagpatuloy siya sa pagsasalita.

"Salamat at isinayaw mo ako.Salamat kasi...May nagsayaw rin sa akin at ikaw yon.Okay lang kung isinayaw mo'ko dahil sa awa na wala man lang gustong magsayaw sa akin.Salamat ha!"

Hindi niya napigilan ang luhang kumawala sa mga mata niya.Yun lang naman kasi hiling niya.Ang may magsayaw sa kanya sa Prom.

"Ako ang dahilan kung bakit walang nagsasayaw sayo." wika nito at marahang tumingin sa kanya.

A KISS TO REMEMBER (Book 2: She's A Laundry Girl)                    by: M.D.STahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon