KINABUKASAN ay nagsadya sa mga Pascua ang Pamilya ni Akie para personal na pag-usapan ang tungkol sa kasal ng dalawa.Tuwang-tuwa ang dalawang ina dahil sa wakas, magkakaroon na ng kaganapan ang pagiging mag-balae nila.Napagkasunduan din ng dalawang Pamilya na sa susunod na buwan na ganapin ang kasal habang hindi pa halata ang tiyan ni Shanner.Pansamantala, sa bahay nila Shanner tutuloy si Akie para masubaybayan ito at maalagaan.
Sa loob ng dalawang linggo na pananatili ni Akie sa bahay nila Shanner ay hindi ito nagkulang na iparamdam sa kanya na hindi siya nag-iisa sa pag-aalaga ng kanilang anak.Mas maging maalalahanin at maalaga ito sa mag-ina niya.Isang araw habang namamasyal sila sa may tabing-dagat ay nagkwentuhan ang dalawa.
"Ang sarap pala sa pakiramdam ng gigising ka sa umaga na kasama mo ang taong mahal mo." Simula ni Akie na nakangiti. "Yung babangon ka sa umaga na may ngiti sa labi dahil kapiling mo ang taong mahal mo at nagmamahal sayo...Pero alam mo kung alin ang mas nakakatuwa? Yung nasa tabi kita at nakikita kung paano mo alagaan ang anak natin." Aniya pa at masuyong hinawakan ang kamay ni Shanner. "Ep, Salamat sa pagbibigay mo sa'kin ng pagkakataon na makasama kayo ng anak natin...At sa magiging anak pa natin."
Humarap si Shanner dito at ikinulong sa kanyang mga palad ang mukha nito.
"Salamat din dahil sa pangalawang pagkakataon, pinasaya mo'ko.Hindi lang ako, maging ang anak natin.At mas nagpapasalamat ako sa magulang natin dahil tinuruan nila tayo kung pa'no maging matatag." Nakangiting tugon niya dito.
"Ayaw ko nang pangako, pero sasabihin ko parin na babawi at susulitin natin ang mga taon na nasayang sa'tin."
"So, pa'no? Simulan na natin?"
"Okay." Pagkawika niyon ay parang mga batang naglaro at naghabulan ang dalawa sa dalampasigan.
"Habulin mo'ko." Hamon ni Shanner.
"Anong premyo ko kapag naabutan kita?"
"Ahmmn...Tabi tayong matutulog mamayang gabi."
"Sigurado ka?"
"Oo."
"Pa'no kung hindi pumayag sila Nanay?" Tukoy ni Akie sa magulang ni Shanner.Kahit kasi sa iisang bubong sila ay hindi na muna pinayagan ng mga ito na magtabi ang dalawa.Saka nalang daw kapag kasal na sila.
"Akong bahala.Basta habulin mo'ko." Saad pa nito kaya naman walang sinayang na oras si Akie.Binilisan niya ang pagtakbo ngunit mas malakas tumakbo si buntis kaya nahirapan siyang habulin ito.Nang makita niyang bumagal ang pagtakbo nito, bumwelo siya at agad itong sinunggaban dahilan para matumba silang dalawa sa buhanginan.
"Ang daya mo." Reklamo nito.
"Hala! Pano naman ako naging madaya? Bagal mo kasi kaya kita naabutan." Tugon niya saka niyakap ito ng mahigpit.
"Oo na.Panalo kana." Aniya na nakanguso.
"Premyo ko mamaya ha? Kailangan bumawi ka sa ilang gabi na mag-isa ako sa kabilang silid." Pilyo nitong bulong sa may punong-tainga ni Shanner.
"Okay.Dapat malakas ka mamaya.Titiyakin kong hinding-hindi mo makakalimutan ang gagawin ko sayo." At nakakaloko pang ngumiti ang dalaga dito.
"Abah! Ang tapang...Okay, paghahandaan ko yan." Sagot naman ng binata.
Takip-silim na nang magpasya silang umuwi sa bahay nila Shanner.Kwentuhan ang buong pamilya tungkol sa mga nangyari.Makalipas ang isang oras ay kumain na sila ng hapunan at matapos iyon ay pumasok na ang lahat sa kani-kanilang kwarto.Si Shanner naman ay pasimpleng pumasok sa kwarto ni Akie at inilock ang pinto pagkapasok.
Magkayakap silang nahiga at parehong may ngiti sa labi nang makatulog.
Hating-gabi nang magising ang dalaga.
"Ep, Nagugutom ako.Gusto kong kumain." Wika ni Shanner sa katabi at niyugyog pa ito sa balikat.
"Hmmmnn..."
"Sabi ko nagugutom ako! Gusto kong kumain ng tortang talong!" Sigaw niya kaya napabalikwas ng bangon si Akie.
"Ano? At saan naman ako maghahagilap ng talong sa ganitong oras?" Salubong ang kilay na tanong nito.
"Ah basta! Gusto ko ng talong." Nakalabing wika pa nito.
Umiral ang pagkapilyo ng binata kaya sinabi niya ang naglalaro sa isipan niya.
"Ahmmnn...May alam akong talong.Talong na kahit hilaw masarap." Aniya dito na nakangisi pa.
Lumiwanag ang mukha ni Shanner sa narinig. "Nasaan? Iyan ba?" Anito na inginuso pa ang harapan niya saka mabilis na lumipat sa gawi niya.
Gustong bawiin ng binata ang sinabi ngunit huli na.Dinamba na siya nito at inilabas ang kanyang talong (Bwahahaha)
Makalipas ang ilang minuto...
"Masarap nga." Nakangiting bungad nito pag-angat ng mukha. "Isa pa nga." Akmang yuyuko ito ulit ngunit mabilis itong pinigilan ng binata.
"Ikaw ha...San mo natutunan yan?" Tanong niya dito.
"Huh? Wala! Ikaw eh, sabi mo kasi talong na kahit hilaw masarap.At alam kong iyan ang tinutukoy mo."
"Masarap ba talaga?" Nakangising tanong niya.
"Oo...Nakaka-----"
Hindi na nito natapos ang sasabihin dahil mabilis niyang hinila ang kumot at nagtalukbong sila habang nilalasap ang tamis ng talong este ang tamis ng pagmamahalan nila (Ahahaha)
Matapos ang pagsakay at pagmamaneho, kapwa pagod ngunit masaya silang nakatulog na magkayakap.
KINABUKASAN AY nagdesisyon na silang lumuwas ng maynila at tumuloy sa malaking bahay ng mga Ferrer.
Inayos nila ang lahat ng mga kailangan sa nalalapit nilang kasal.Pati na ang pamimigay sa mga imbitasyon ay sila mismo ang lumakad at nag-asikaso.Gaganapin ang kasal sa mismong malawak na bakuran ng mga Ferrer ayon narin sa kagustuhan ng dalaga.
Dalawang araw bago ang kasal ay nagdesisyon si Akie na balikan ang tabing-dagat kung saan niya nakilala ang matandang lalaki bago paman siya ma-aksidente.Niyaya niya rin ang apat niyang kaibigan para narin makilala ng mga ito ang taong tumulong sa kanya para mabuksan ang kanyang isipan sa mga bagay na may kinalaman sa kanyang pamilya.Gabi silang umalis sa kanilang bahay.
Nang marating ang lugar ay agad nilang pinuntahan ang pwesto kung saan niya ito nakita.Di naman siya nabigo dahil natanaw niya itong nakaupo sa isang malaking bato kaya nilapitan niya ito habang akay-akay ang kanyang mag-ina at nakasunod ang mga kaibigan.
"Tatang." Tawag niya dito kaya napalingon ang matanda.
"Nagbalik ka? Ibig sabihin nagtagumpay ka.Nagawa mo ang nararapat." Nakangiting saad nito saka tumingin sa katabi niya.
"Mapalad kayo kung ganon." Dagdag pa nito. "Iilan lamang sa mga problemadong tao ang nagawi dito at nakabalik na buo ang pamilya.Pagpalain nawa kayo ng panginoong maykapal." Patuloy nito saka bumaling sa binatang si Jonathan. "Ikaw..." Aniya na itinuro pa siya. "Balang-araw may matutuklasan ka na gigimbal sa pagkatao mo, ngunit sa huli ay magdudulot ng walang hanggang kaligayahan sayo."
"Ho?" Kunot-noong tanong ng binata.
"Nasa tabi mo lamang ang taong magiging daan para matuklasan ang bagay na iyon." Dagdag pa nito saka tumitig sa dalagang si Jennifer.
Pinagpawisan naman ang dalaga dahil sa tinuran ng matanda.Alam niyang may kinalaman sa anak niya ang sinasabi nito.Ngumiti na lamang siya dito at bahagyang lumayo.
Salubong naman ang mga kilay ni Jonathan dahil sa naririnig.Wala siyang maintindihan hanggang sa magpaalam na ang matanda blangko parin ang utak niya.
"Hoy! Para kang namatanda diyan." Natatawang iwinagayway pa ni Patrick ang kamay sa harapan nito.
"Huwag ka ngang mang-asar diyan.Naguluhan lang ako sa sinabi ng matanda."
"Bakit, may ginawa ka ba?"
"Iyon nga eh! Wala naman akong ginagawa or inililihim pero bakit ganon?"
"Baka naman may anak ka sa pagka-binata at iyon ang matutuklasan mo." Wika ni Patrick dito dahil alam na nang tropa ang tungkol sa batang si Jeanlie, maliban sa kausap.
"Gago! Ni wala naman ako nakakasiping, pa'no ako magkakaanak?"
"Abah, malay ko.Baka tulog ka nang may tumabi at mag-drive diyan sa manibela mo." At nakakaloko pang tumawa si Patrick saka pasimpleng tumingin kay Jennifer.Ini-umang naman ng dalaga ang kamao dito kaya nakangisi itong dumistansiya kay Jonathan.
Naghanap sila ng ma-pupwestuhan at gumawa ng bonfire.Nakatulog sa kandungan ni Akie ang anak dala narin siguro sa pagod.Nagkwentuhan sila at bumalik sa tuksuhan ang lahat.
"Naalala n'yo paba kung paanong natulala si Athan sa ganda ko noong una kaming magkita?" Tanong ni Rhuby sa mga ito.
"Naku! Tandang-tanda ko pa kung anong itsura niya." Wika ni Jennifer. "Ganito yon oh!" Aniya pa at ginaya nga ang itsura ni Athan.Tawanan ang lahat nang maalala iyon samantalang di naman mai-drawing ang pagmumukha ng binata.
"Tumigil nga kayo!" Saway nito.
"Uy! Apektado parin." Tudyo ni Shanner.
"Kaya nga.Move on na Athan." si Rhuby at saka tiningnan ang binata. "Mas magiging masaya ako kung makikita kitang masaya narin."
"Why? Do i look like a mesirable?"
"No." Panabay na tugon ng lima. "But you need to find someone who complete you as a man." Ani akie at saka kinindatan ang kaharap na si Jen.
"Hay naku.Eh sa wala pa, anong gagawin ko?"
"Malay mo si Jen pala ang katapat mo." Wika naman ni Patrick.
"Siya?" Ani Athan na itinuro pa ang dalaga. "No way! Di ko pinangarap magkaroon ng Jowa na sadista."
"Mas lalo namang ayaw ko sayo, noh!" Paingos na saad ng dalaga. "Lalo na't hindi ka marunong humalik."
"Aba't pano------"
"Secret." Mabilis na sagot ng dalaga at napangiti nang maalala ang ginawa niyang kalokohan sa binata.
Nagkatinginan naman ang apat at maya-maya pa'y humalakhak ang mga ito.
"Anong nakakatawa?" Naiinis na tanong ni Athan.
"Kakainin mo rin yang sinasabi mo." Ani Jennifer at ngumisi pa dito dahilan
para batuhin ito ng maliit na bato ng binata.
"In your dreams!"
"In my dreams, you're wet." Natatawang tugon pa ng dalaga.
"LOL." Tanging nasambit ng binata.
"Enough guys!" Wika ni Shanner nang huminto sa kakatawa. "Ganito nalang...balikan natin yung mga tanong sa slum-note."
"Like what?" Si Patrick at inakbayan si Jennifer na hindi naman tinutulan ng huli.
"Like...Who is your first kiss?" Ani Shanner.
"Wh----at?" Mulagat na tanong ng lima.
"Are you serious?" Si Rhuby.
"Para maiba naman." Tugon ni Shanner saka pasimpleng kinindatan si Akie.Naintindihan naman iyon ng huli kaya ito ang sumagot.
"Unahin nating tanungin si Athan.Who is your first kiss?" Tanong ni Akie dito.
Lahat ng tingin ay napako sa binatang si Athan.
"Ba't ganyan kayo makatingin? Para sa kaalaman niyo, Certified virgin ito, noh!" Madiing wika nito. "Kaya wala akong alam diyan!"
Naibuga ni Jennifer ang tubig na nasa bibig nito pagkarinig sa sinabi ng binata.Napahagalpak naman ng tawa ang apat sa sinabi ng binata.
"Sigurado kang virgin ka, Tol?" Ang ayaw magpaawat na si Patrick.
"Ulol!" Anas ng binata sabay bato dito ng suot na sombrero.
BINABASA MO ANG
A KISS TO REMEMBER (Book 2: She's A Laundry Girl) by: M.D.S
DragosteMay tamang edad nga ba pagdating sa pag-ibig? Kailangan nga bang madaliin ito at humantong sa kapusukan Or kailangan munang maghintay para sa tamang panahon? Meet, YANGZKIE FERRER. The highschool boy student na kilala bilang palikero at pilyo sa ka...