Chapter 5

1.8K 47 0
                                    

  NANLULUMONG napaupo sa gilid ng kanyang kama ang dalagita matapos makita ang resulta ng ginawa niyang pregnancy test.Tatlong linggo na nakaraan simula nang may mangyari sa kanila ni Akie at di parin siya dinaratnan ng kanyang monthly period kaya nagpasya siyang mag PT.

Maya-maya pa'y nagbihis na siya para pumasok sa eskwelahan at balak niya ring kausapin si Akie.

Nang marating ang campus ay agad niyang hinanap ang binatilyo at agad naman niya itong nakita kasama ng mga kaibigan nito.Hiniram niya saglit ito at hinila sa may kubo na nasa likod lang din ng classroom nila.

"Ap, Mahal mo'ko diba?" Tanong niya dito nang makaupo sila.

"Yes.Bakit mo naitanong?" Si Akie na nakakunot-noo.

"What if i was pregnant?"

"Huh?" Mulagat na anas nito.

"Actually, i think im pregnant."

"How'd you get pregnant?" Tanong pa nito.

"Ginawa natin yon diba? That time on your birthday." Aniya dito at pinukol ito ng matalim na tingin.

"Right." Sagot nito at yumuko.

"But you still love me, right?"

"Yes." Mabilis nitong sagot ngunit lukot ang mukha na agad napansin ni Shanner.

"What's that look on your face?"

"What look?"

Sa halip na sagutin ito, nagtanong siya ulit.

"Akie, Gaano mo'ko kamahal?"

"As much as the skies and earth."

"Totoo?"

"Oo.Pero...Anong gagawin natin?"

"Silly.Kailangan nating gumawa ng desisyon." Sagot niya dito at hinipo ang maliit na tiyan. "If we have it, you'll become a dad.If we don't, the baby will...die"

"Sigurado ka na bang buntis ka?" Naninigurong tanong ulit ni Akie.

"What? Yan lang ba ang sasabihin mo? You stupid!" Galit na sigaw ni Shanner at iniwan ang di man lang nakahumang si Akie.

Breaktime nang maisipan ni Shanner na silipin ang binatilyo sa classroom nito, ngunit wala ito doon, laglag ang mga balikat na pumunta ng canteen ang dalagita.Samantalang si Akie naman, tahimik na lumuluha sa loob ng banyo.Naguguluhan siya at hindi niya alam ang gagawin.Nang mahimasmasan ay bumalik siya sa kanilang classroom para kunin ang mga gamit at tahimik siyang lumabas ng campus.

Oras ng uwian nang abangan ni Shanner si Akie sa may gate.Ngunit hanggang sa mgsara ito, ni anino nito ay hindi niya nakita.Naiiyak na naglakad siya pauwi sa kanilang bahay.Agad siyang nagkulong sa kanyang kwarto ng makauwi at dinayal ang numero ng binatilyo, ngunit nagriring lang ito.Pahinamad na naupo siya sa silyang naroon at pinakawalan ang mga luhang kanina pa nagbabadyang tumulo.Nakatulogan na lamang niya ang pag-iyak.

Isang linggo na nakaraan simula nang huli silang magkausap ni Akie.Hindi parin niya ito makontak at hindi maabutan sa tuwing tatangkain niyang abangan ito.Sabi ng mga kaibigan nito, minsan daw maaga itong umuwi.Hindi niya alam kung nagsasabi ang mga ito ng totoo, isa lang ang alam niya, sinasadya siyang iwasan ng binatilyo.

Isang hapon habang labasan, nakasabay niya si Jennifer sa may gate, pinilit niya itong sabihin kung nasaan si Akie.Hindi naman ito nakatanggi at agad sinabi ang kinaroroonan ng binatilyo.Agad niyang binaybay ang kakahuyan at huminto sa may treehouse.Nakita niya sa loob si Akie na nakaupo at nakatingin sa kawalan.Dahan-dahan siyang umakyat sa may hagdan at nang tuluyang makaakyat, agad siyang nagsalita.

"Anong nangyayari sayo? Don't you have anything to say to me!?" Pigil ang emosyong wika niya dito. "Pinagtataguan mo ba'ko?" patuloy niyang tanong.

"What?" Yuko ang ulong tanong nito na ikinainis lalo ng dalagita.

"Why you!" Wika ng dalagita at pinagsusuntok sa dibdib ang di naman umilag na si Akie.Hinayaan niya lang ito sa ginagawa hanggang sa huminto ito at umiiyak na umupo sa katabi niya.Yun ang kinuha niyang pagkakataon para makapagsalita.

"Actually, I wasn't trying to avoid you.I was just trying to decide what to do."

Huminto sa pag-iyak si Shanner at mabilis na pinahid ang mga luha saka tumingin sa kanya.

"Okay.Let's just do this." Wika nito.

"What?" Kunot-noong tanong niya.

"We'll arms wrestle.Kapag ikaw ang nanalo, we'll do what you want.If i win, i'll make all the decisions.Got that?"

Wala sa loob na napatango si Akie.Mabilis namang pumuwesto sa may lamesa ang dalagita at sumunod dito si Akie at agad nilang inumpisahan ang laro.Bawat isa ay ayaw magpatalo hanggang sa magsalita si Shanner.

"Can you live without me? Can you live without seeing me?" Naiiyak niyang tanong dito.Nang hindi ito sumagot, lalo siyang napahagulhol.

"Akie, I can't live without you." Patuloy pa niya. "Kapag hindi kita nakita, hindi ako kakain, hindi rin matutulog...Iiyak lang ako araw-araw and go kill myself where no one is around." Aniya pa at hinuli ito ng tingin.Nanatiling blangko ang mukha nito ngunit sa gilid ng mga mata nito, may mga luhang nagbabanta nang tumulo.

"Wala ka bang sasabihin?" Usisa pa niya dito ngunit walang sagot kaya humulagpos na ang tinitimpi niyang galit para dito. "You stupid!" Patuloy pa niya kasabay ang pagpokpok sa ibabaw ng lamesa gamit ang isang kamay. "Problema nating dalawa ito...At hindi mo iyon matatakasan! Wag kang maging duwag, Pareho tayong may responsibilidad dito!" Sigaw niya at napahagulhol na naman siya ng iyak.Sa nakikita niya kay Akie ngayon, parang wala itong paninindigan na lalong ikinasasama ng kanyang loob.

Bagama't hindi nagsasalita, hilam naman sa luha ang mga mata ni Akie.Awang-awa siya sa dalagita at parang gusto na niyang murahin ang sarili dahil sa kagaguhan at karuwagan niya.Dahil doo'y unti-unti niyang itinaob ang sariling kamay sa lamesa na nangangahulugan ng pagkatalo.

Mabilis namang tumayo si Shanner at mabilis na naglakad patungo sa may hagdan ngunit bago tuluyang bumaba, nag-iwan siya ng salita sa tahimik na si Akie.

"From now on, you sit next to me wherever you go! Naintindihan mo?"

Tango lang ang isinagot ng binatilyo, matapos iyon ay mabilis na niya itong iniwan.

Nang mga sumunod na araw napag-usapan nilang pumunta sa doctor para alamin ang kondisyon ng pagbubuntis ng dalagita.May ipinakitang larawan ang doctor sa kanila, kasabay ang pagpapaliwanag nito hinggil sa nakikita nila.

"The heartbeat of the embryo is getting faster and the movement of it becomes desperate." Wika ng doctor sa kanila. "It seems to know the instrument is inserted to kill it." Patuloy pa ng doctor habang tahimik namang nakikinig ang magkasintahan sa sinasabi ng nito.

"When the suction begins, the body starts to be torn off.It is unable to recognize the figure anymore.The remaining is not just the fragnent of the body parts.Once was a living human now turned into pieces, this vulnerable unborn life could been your child or mine." Pagtatapos ng doctor.

Walang maapuhap na salita ang dalawa hanggang sa makalabas sila ng opisina ng doctor at humantong sila sa isang kubo, di kalayuan sa campus.

"I didn't even think about what i want to become..." Panimula ni Akie. "Thinking about what happened to you...it scared me...I wanted to get away from where you were." At huminga muna ng malalim bago nagpatuloy. "But seeing and knowing about that, I regretted thinking about something cruel." He don't want to cry, but he did.Pinunasan ni Shanner ang luha sa mga mata ni Akie bago nagsalita.

"Obcourse i wasn't cool about it too from the beginning..." Aniya dito. "Gusto ko ring takasan ang problemang ito.But just recently, my body started to change.So i started thinking a lot about the baby and feel for it." At tinitigan sa mata ang lumuluha pa ring si Akie. "It's really amazing and suddenly, i have so many questions.Thinking about all these things...I think, i'm begins to know a little of what it's like to become a mom." Patuloy niya na may ngiti sa labi at hinaplos ang kanyang tiyan.

"Anyway, natutuwa akong malaman that you think the same as i do." Dagdag pa niya.

"Then i'll try to become a good man from now on." Wika ni Akie na nakapagkit sa mga labi nito ang isang matamis na ngiti at niyakap si Shanner.

"Thank you." Panabay nilang wika at ngkatawanan sila.

NANG MGA SUMUNOD na araw, kapansin-pansin ang mga pagbabago ng dalawang nilalang na excited at todo alaga sa munti nilang anghel, na kahit hindi paman nailalabas, tuwang-tuwa na ang mga future ninong and ninang nito.Nailihim nila ang pagbubuntis ng dalagita sa campus maging sa pamilya ni Shanner dahil narin sa dobleng pag-iingat nito.Maging ang mag-asawang Lawrence at Yanne ay walang kaalam-alam na ang kanilang pamangkin ay
magiging isa nang ulirang ama sa kabila ng mura nitong edad.

Ngunit ang mga pagbabagong ito ay unti-unting napapansin ni Lawrence.Isang araw habang sabay-sabay silang nag-aalmusal, mabilis na tinapos ng binatilyo ang pagkain at kumuha ng basket para paglagyan ng mga prutas.

"Napapadalas yata ang pagdadala mo ng prutas sa eskwelahan niyo? Anong meron?" Tanong ni Lawrence sa binatilyong abala sa paglalagay ng prutas sa basket.

Ngunit imbes na sagutin ang tanong, iba ang sinabi ni Akie.

"Tito, pwede po bang paki-dagdagan ang allowance ko this week? Madami po kasing project." Alibi ni Akie at mabilis na isinara ang ref nang matapos.

Napakunot-noo naman si Lawrence at balak pa sanang mag-usisa ngunit pinigilan ito ni Yanne, saka nagwika. "Bigyan mo na." Aniya dito at wala namang nagawa ang lalaki kundi abutan ng pera ang binatilyo.Matapos iabot ang pera ay mabilis nang lumabas ng kusina si Akie.Nang malapit na siya sa may pinto saka siya lumingon at malakas na nagwika ng, "Salamat tito at tita." At mabilis na sumakay sa kanyang motor.

Ang perang binigay ni Lawrence ay lihim na ibinili ni Akie ng mga vitamins para kay Shanner at para sa pinagbubuntis nito.Bawat araw na dumaraan, mas nagiging matatag at matapang sila na harapin ang kinabukasan ng magkasama.Saksi sa kanilang tunay at wagas na pagmamahalan ang mga kaibigan.Ngunit bilang isang nagmamahal, hindi parin talaga maiiwasan ang magselos.

Ang dating mabait at laging umiiwas sa gulo na si Akie, ngayon naging basagulero na.Laging nasasangkot sa gulo na ang pinagmulan ay dahil sa selos.May makita lang itong kausap na lalaki si Shanner kahit nagtatanong lang, agad na nitong niyaya ng suntukan na hindi naman inuurongan ng mga ito.Laging laman ng principal office or di kaya'y nasa baranggay hall dahil sa mga reklamo ng kapwa estudyante nito at mga taga-labas na naka-away niya.Nahinto na rin siya sa pag-aaral dahil sa mga pagbabanta na pagganti ng ilang nakasagupa niya.Matindi doon ay anak ng baranggay captain ang isa sa nagbabanta sa kanyang babalikan siya nito at lulumpuhin para daw magtanda siya.Sa lahat ng iyon, labis ang nadaramang galit ng mag-asawang Kelvin at Janet sa kanilang anak, lalo pa't napag-alaman nilang babae ang dahilan kung bakit naging sakit ng ulo sa eskwelahan maging sa mag-asawang Lawrence at Yanne ang kanyang nag-iisang anak.Dahil doon ay nagpasya silang umuwi ng bicol para sunduin ang anak.

Hirap man sa sitwasyon ay pinipilit pa rin na maging matatag ni Shanner dahil alam niyang hindi magtatagal, kakalat sa eskwelahan nila ang balitang pagbubuntis niya.Ngunit mas lalo ang kaba niyang nararamdaman dahil hindi niya alam kung ano ang pwedeng gawin ng magulang niya sa kanya oras na malaman ng mga ito ang kalagayan niya.

Hanggang sa ang takot na kanyang nararamdaman ay tumindi.Dahil sabi nga ng karamihan, walang lihim na hindi nabubunyag.

Isang umaga habang nagtitimpla ng gatas ang dalagita;

"Anong ibig sabihin nito? At para saan ang mga ito?" Galit at magkasunod na tanong ng kanyang Ina mula kanyang likuran kaya pumihit siya paharap dito.Ganon nalang ang panlalaki ng kanyang mga mata nang makita kung ano ang hawak nito.  

A KISS TO REMEMBER (Book 2: She's A Laundry Girl)                    by: M.D.STahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon