Chapter 6

1.7K 48 0
                                    

  "BUNTIS Ka ba? Sumagot ka!" Pasigaw na tanong ng kanyang Ina, sabay hablot sa kanyang braso nang hindi siya sumagot.

"Pinag-aaral ko kayong magkakapatid para gumanda ang buhay niyo.Hindi para lumandi at magpa-buntis nang wala sa panahon." Aniya nito at pigil ang emosyong saktan ang dalagita. "Sinong Ama niyan?" Pagdaka'y tanong nito.

Nanatiling walang imik ang dalagita dahil sa takot na baka sa madamay ang dinadala niya sa galit ng kanyang magulang.

"Sumagot ka! Sinong Ama niyan?" Ulit na tanong ng Ginang at pinaghahampas sa braso si Shanner.Nasasaktan man walang ibang ginawa ang dalagita kundi umiyak lang.Maya-maya nagsalita ulit ang Ginang.

"Simula ngayon, hindi ka na papasok ng eskwelahan at hindi ka pwedeng lumabas ng bahay, Naintindihan mo?!" May diing sambit nito.

"Pero Ma----"

"No but's Shanner! Mamili ka! Ipapalaglag mo ang bata or susunod ka sa mga sinasabi ko?" Matapos iyon ay tinalikuran siya ng kanyang Ina at may tinawagan.

Samantalang naiwan namang tila nauupos na kandilang napaupo sa sahig ang dalagita.She don't know what to do! Alam niyang may posibilidad na totohanin ng kanyang Ina ang pagbabanta nitong ipapalaglag ang bata sa sinapupunan niya, at iyon ang hindi niya mapapayagan.Mahal niya si Akie at mas lalong mahal niya ang magiging anak niya.Napaiyak siya sa isiping hindi na niya makikita ang binatilyo, ngunit ano nga ba'ng magagawa niya? Nakasalalay sa bawat hakbang niya ang buhay ng kanyang anak...nang kanilang magiging anak.

Hapon nang kumbinsihin niya ang kapatid na si Janina na tulongan siyang makalabas ng bahay.Nag-aalangan man, wala itong nagawa kundi ang samahan siya para makita at makausap si Akie sa huling pagkakataon.

SA BAHAY nina Lawrence, dumating na ang mag-asawang Kelvin at Janet.Hindi nila alam kung ano ang mararamdaman matapos makatanggap ng tawag at malaman ang totoong sitwasyon ng kanilang anak kaninang umaga.Hindi nila kayang isipin na sa edad nilang 38, they become a granny!

Ngunit katulad ng napag-usapan sa telepono, kailangan nilang gumawa ng desisyon...Para sa kanilang mga anak at para sa na rin sa magiging Apo nila.Masakit at mabigat sa loob dahil alam nila na tunay nga namang nagmamahalan ang dalawang kabataan kaya umabot sa kapusukan, ngunit hindi pa ito ang tamang panahon para dalawa.

Si Kelvin ang bumasag sa katahimikan nilang lahat.

"From now on, hindi ka na makikipag-usap or makikipagkita sa kanya." Wika niya sa mababang tono at tiningnan ang reaksiyon ng anak.

Naningkit ang mga mata nito at marahang pinokpok ang ibabaw ng lamesa.

"No, Dad! You can't do this to me! Ngayon pa na mas kailangan niya ako? No way dad!" Pasigaw nitong saad.

"Anak, makinig ka na lamang sa'min ng Daddy mo.Para din ito sa inyo at sa magiging anak niyo." Mahinahong sabat naman ni Janet.

"Para sa'min? Or para sainyo dahil takot at duwag kayong makantiyawan na ang unico hijo niyo maagang nagkaanak?" Sa halip ay wika ni Akie.

"Mga bata pa kayo at marami pang pwedeng mangyari.Ipagpatuloy mo ang pag-aaral mo at kung talagang kayo, magkikita at magkikita parin kayo sa tamang panahon." Aniya ni Yanne sa pamangkin.

"PUNYETA!" Si Akie kasabay ang pagsuntok sa may pader dahilan para magdugo ang kanyang kamao. "Tamang panahon ho ba?" mapang-uyam niyang tanong. "Ito ba yong dahil sa kakagawan ng mga magulang, may mga broken family at mga dalagang ina or mga batang walang ama dahil sa salitang yan?" Patuloy pa niya at pinukol ng matalim na tingin ang mga magulang.

"Sumusobra ka na Akie! Nakakalimutan mo yatang Magulang mo ang nasa harapan mo!" Si Lawrence na sinambilat sa balikat ang binatilyo.

"We send you to the Europe." Walang ligoy na sambit ni Kelvin dahilan para umalsa na naman ang galit ni Akie.

"No, I don't leave here! I want to stay with her and for our baby."

"Pero Ana----"

"Mom, Please! Idon't want to go anywhere.Never!" At mabilis na lumabas ng bahay.Pumunta siya sa kubo na ginawa ng tito Jurie niya during the wedding of his Tito Lawrence and Tita Yanne niya eight years ago.May kalumaan na pero nanatili itong matatag na nakatayo.Ang kubo ang nagsilbing sandalan at kanlungan niya everytime na napapagalitan siya noon ng mga magulang.

Napaiyak siya ng tuluyan nang maalala ang kasintahan."No! Hindi kita iiwan Shanner.Mahal kita, maging ang anak natin kaya hindi ako papayag na dalhin nila ako sa ibang bansa." Wika niya na tila ba nasa harapan lamang ang dalagita.Ilang saglit pa'y dinukot niya ang cellphone niya at nagulat dahil sa dami ng mga text ni Shanner.Nakasaad doon na magkita sila sa may tabing-dagat, kaya dali-dali siyang bumalik ng bahay at binalot ang nasugatang kamay saka sumakay sa kanyang motor.

"Saan ka pupunta?" Si Yanne na nasa bungad ng pintuan.

"She need me Tita." Sagot niya dito at pinaharurot nang matulin ang motor.

NAABUTAN niya ang dalagita na nakasalampak sa buhanginan.Nakatalikod ito sa kanya kaya ginulat niya ito at tinakpan ang mga mata gamit ang kanyang kamay.

"Akie?" Sambit nito sa pangalan niya at hinawakan ang kamay niya.

"Ang galing mo naman." Nakangiting tugon niya dito.

"Naman!" Pagyayabang ni Shanner.

"May problema ba?" Tanong niya nang makaupo sa tabi nito.Napansin niya kasi ang pamamaga ng mga mata nito na halatang galing sa pag-iyak.

"Wala naman.Namiss lang kita!" Aniya at pinilit na ngumiti sa katabi.

"Ako din, Miss na miss na kita pati si Baby," At marahan nitong hinaplos ang tiyan ng dalagita.

"Akie, Pa'no kung paghiwalayin tayo ng mga magulang natin?" Tanong ni Shanner at ibinaling ang tingin sa karagatan.

"Hindi mangyayari yon!" Si Akie na bagama't may pag-alinlangan sa binitiwang salita, nakuha paring bigkasin iyon sa katabi.

"Ang ganda ng alon oh!" Pag-iiba ng dalagita sa usapan."Halika, makipaglaro tayo sa kanila." At hinila niya ang binatilyong di naman nakahuma.

Lumusong sila sa tubig na hanggang tuhod ang lalim at naglakad-lakad habang magkahawak-kamay.They talked everything, about their future and about the baby.Maraming pangarap si Akie para sa mag-ina niya.He said to her na, ipagpapatuloy niya ang pag-aaral niya para sa kanilang kinabukasan, at para sa bubuuin nilang pamilya.Sa lahat ng narinig, hindi mapigilan ni Shanner ang mapaluha.Hindi niya alam kung matutupad ang mga pangarap na iyon ng binatilyo dahil sa gagawin niyang paglayo.

Nang mapagod ay umupo sila sa isang malaking bato na kanilang nadaanan.

"Akie?" Tawag niya dito pagkuwan.

"Bakit?" Nakangiting baling nito sa kanya.

"Pag namatay ka at binigyan ka ng pagkakataong maging bagay, Ano iyon?"

Natigilan si Akie sa tanong niya, maya-maya'y tumawa ito ng mahina.

"Ako?" Turo nito sa sarili. "Gusto ko na maging hangin para kahit mamatay man ako, hindi ka or kayo ni baby mawawala sa paningin ko." Wika nito at huminga ng malalim. "Lagi akong nasa paligid at di ko kayo iiwan, out of coverage nga lang pag underwater..." Pagak itong tumawa at nagpatuloy. "Gusto kong kapag namatay ako, maalala mo'ko...Hangga't may nalalanghap kang hangin, isipin mong nasa paligid lang ako at binabantayan ka."

Walang masabi si Shanner, tila ba tinarakan ng ilang kutsilyo ang dibdib niya dahil sa mga naririnig buhat sa binatilyo.Nag-umpisa na namang tumulo ang mga luha sa kanyang mga mata at kusang naglaglagan.

"Mahal kita.Mahal na mahal lalo na ngayong magkakaanak na tayo." Si Akie parin at pilit siya nitong iniharap para magtagpo ang kanilang mga mata.

"Ayaw kong maging hangin nalang.Ewan ko kung bakit mo naitanong yan, pero natatakot ako.Natatakot akong mawala ka, kayo ng anak natin.I love you Shanner! Sana kahit anong mangyari, huwag kang bibitiw.Kakayanin natin to diba?" Ang napapaluha naring si Akie.Hindi niya alam pero parang kinakabahan siya sa pagkakataong ito.

Nanatili lamang na nakatitig ang dalagita kay Akie.Dahil sa bugso ng damdamin ay niyakap niya ito ng mahigpit.Ganon din si Akie dito, tila ba nararamdaman nilang iyon na ang huli nilang pagkikita.Nagulantang sila dahil sa tunog ng cellphone ni Shanner.Mabilis niya itong dinukot mula sa bulsa at sinagot ang tawag ng kapatid.

"Ate, nasaan ka na? Bilisan mo pumunta kana dito sa may tindahan.Kailangan na nating makabalik ng bahay bago paman tayo maunahan nila Mama." Ang kinakabahang tinig ni Janina sa kabilang linya.

"Okay." Sagot niya at binaba na ang tawagan.

"Pa'no? Kailangan ko nang umuwi! Baka malaman nila Mama na lumabas ako ng bahay." Mahina niyang saad sa tahimik na si Akie.

"Mag-iingat ka!" Tanging nasambit nito.

Nagsimula nang maglakad ang dalagita palayo dito nang tawagin ito ni Akie.

"Shanner, Wait!" At tumakbo ito palapit sa kanya.May dinukot ito mula sa loob ng damit nito at inilabas ang kuwintas na may nakapalawit na singsing.Sa loob ng singsing ay nakaukit ang sarili nitong pangalan na, 'YANGZKIE'. Mabilis nitong hinubad ang kuwintas at agad itong isinuot sa leeg ng dalagita. "Huwag mong iwawala ang kuwintas maging ang singsing nito, Okie?" Naluluha na namang bigkas nito sa kanya. "Yan ang magpapa-alala kung ga'no ko kayo kamahal." Patuloy nito, saka tinulak ng bahagya si Shanner. "Sige na! Lakad na, bago pa kayo maabutan ng Mama niyo." Taboy nito sa dalagita habang umiiyak.

Mabigat ang mga paang naglakad palayo si Shanner habang umiiyak."Ganito ba? Sa ganito nalang ba magtatapos ang lahat?" Himutok ng kanyang isipan.
"Bakit pakiramdam niya pinagkakaitan sila ng pagkakataong maging masaya? May tama nga bang pagkakataon para sa pag-iibigan nila? Pagkakataon para maging malaya?" Hinagpis ng dalagita at patuloy na naglakad.

Natigilan siya nang may kumudlit na ala-ala mula sa kanyang kamusmusan.Kamuntik na silang maging broken family noon dahil sa ginagawang pananakit ng kanyang Ama sa kanilang Ina.Ninais din ng mga Lola't Lolo niya na paghiwalayin ang mga magulang nila, ngunit dahil sa iniisip ng kanilang Ina ang kapakanan nilang magkakapatid, mas ginusto nitong maging buo sila at magtiis sa ugali ng kanilang Ama.

Minsan nga, nakita niya itong umiiyak sa sulok ng kusina nila at tinanong kung bakit ito nagtitiis ng ganon.

"Anak, bata ka pa para maintindihan ako.Kapag naging Ina ka na, balang-araw maiintindihan at malalaman mo rin kung bakit ko ito ginagawa." Sagot sa kanya ng kanyang Ina.

Ngayon, habang hawak ang nasa isang buwan na niyang tiyan, bahagya siyang napangiti ng mapait.SAKRIPISYO! Ito ang nais ipaunawa ng kanyang Ina.Yung tipong kahit kalimutan mo ang taong nagpapasaya at nagbibigay ng totoong pagmamahal sayo, gagawin mo, alang-alang sa anak mo.Yung tipong kahit mawalan ka ng kaligayahan, basta mabuhay lang ang anak mo.Dahil sa realisasyon na iyon, marahan niyang nilingon ang binatilyong kumaway pa sa kanya...Dahil doon ay tuluyan na siyang napahagulhol.

KINABUKASAN, habang nagmumukmok sa kubo, biglang nakatanggap ng text si Akie mula sa kaibigang si Jonathan na nagsasabing; Napirmahan na ang application para sa paghinto sa pag-aaral ni Shanner, at wala na din ito sa kanilang bahay.Hindi rin ito makuntak ayon sa mga kaklase nito, kaya mabilis niyang tinakbo ang kinalalagyan ng motor at agad na pinasibad.

Pinuntahan niya ang bahay nila Shanner ngunit nakasarado ang malaki nitong gate at nakapad-lock pa.Nangangahulugan na wala ngang tao.Lumipas ang isang linggo, pabalik-balik sa naturang bahay ang binatilyo ngunit parati itong umuuwing bigo.

Isang hapon habang nasa bukid.Tahimik na nag-gagapas ng mga damo ang binatilyo nang marinig ang isang awitin mula sa radyo na dala-dala ng isang trabahante ng kanyang Tito Lawrence.

LUMAYO KA MAN SA AKIN

Lumayo ka man sa akin
At ako'y iyong limutin
Masakit man sa damdamin
Pilit pa ring titiisin...

Mga lumipas na ligaya
Ang kahapong may pag-asa
Mga pangarap na walang hanggang
Ay naglaho paglisan mo
Mahal ko...

Pagka't saan ka man naroroon
Pintig ng puso ko'y para sayo
Naghihirap man ang aking
Damdamin
Nagmamahal parin sa'yo giliw
Limutan man kita'y di ko magawa
Hindi parin ako-------"Binato ni Akie ng hawak na panggapas ang radyo.Nagulat man ang mga trabahante sa inasta nito ay nanatiling tikom ang mga bibig nito.Maya-maya ay pumunta sa silong ng isang puno ang binatilyo at binuksan ang cellphone.

May nabasa siyang text mula sa kaibigan ni Shanner na nagsasabing nakita nitong bukas ang bahay ng dalagita.Dahil doon ay mabilis siyang umuwi at nagbihis saka sumakay sa kanyang motor.

Malapit na siya sa kanilang campus nang tambangan siya ng tropa ni Albert.Ang anak ng brgy.captain na nakaaway niya dati.

"Umalis nga kayo sa daraanan ko." Baliwalang saad niya sa mga ito.

"At saan ka naman pupunta? Sa jowa mong bundat?" Nakangisi nitong tanong.

"Huwag na huwag mong babastusin ang Girlfriend ko!" Bulyaw niya dito.

"Girlfriend? Diba iniwan ka na niya?" Patuloy nito at dahan-dahang lumapit sa kanya. "Ipinalaglag niya ang batang nasa sinapupunan niya at sumama sa kanyang pamilya sa maynila para doon mag-aral!" Mahina ang pagkakasabi nito, ngunit tila bomba iyon sa kanyang pandinig.

"Bawiin mo ang sinabi mo!" Sigaw niya dito at kwinilyuhan ito.

Takot man dahil wala namang katotohanan ang kanyang sinabi, pinanindigan na ni Albert ang pagsisinungaling.

"Ba't ko babawiin eh totoo naman." lakas-loob parin nitong sagot.

Doon na nag-init ang ulo ni Akie, pinadapuan niya ito ng isang suntok na sinundan pa ng isa, dalawa hanggang sa hindi na niya mabilang.Hanggang sa pinagtulongan na rin siyang bugbugin ng iba pa nitong tropa.Suntok dito, sipa doon, hanggang sa maramdaman niyang namanhid ang kanyang mga tuhod dahil sa pagpalo ng isang lalaki dito gamit ang dos por dos na kahoy.Maga na din ang kanyang mga mata dahil sa suntok ng mga ito sa kanyang mukha.Natamaan din ng patalim ang kanyang likod.Marami mang nakakita, ni isa walang nagtangkang umawat or tumulong dito dahil sa takot na madamay sila.

Si Jennifer habang palabas ng campus, may nasalubong itong tumatakbo at tinatawag ang pangalan niya.

"Jennifer! Jennifer!" Humahangos pa ito nang makalapit sa kanya.

"Bakit?" Ewan niya ngunit bigla siyang kinabahan.

"Si Akie, binugbog ng grupo nila Alber-----"

Hindi na niya pinatapos sa pagsasalita ang kausap, agad niyang hinanap ang kaibigan at napaiyak siya sa kalunos-lunos nitong itsura.

"Akie! Akie! Gumising ka! Ako ito, si Jennifer.Ang kaibigan mo." Wika niya at niyugyog ito sa balikat.

Hirap man ay nakuha paring magsalita at idilat ni Akie ang mga mata sabay bigkas ng, "SHANNER" At tuluyan na itong nawalan ng ulirat.

A KISS TO REMEMBER (Book 2: She's A Laundry Girl)                    by: M.D.STahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon