THE WEDDING...
Lahat masaya sa gaganaping pag-iisang dibdib nina Akie at Shanner.Matapos ang maraming pagsubok na kanilang pinagdaanan, simbahan parin ang kanilang patutunguhan.
Nagmukhang paraiso ang malawak na hardin ng mga Ferrer dahil napapaligiran ito ng iba't-ibang klase ng bulaklak.Mas tawag pansin ang mga bulaklak ng bugambilia na siyang ginawang dikorasyon sa pathway kung saan nasa gitna ang pulang carpet na siyang dadaanan ng bride.
Hindi magkamayaw si Akie sa kinatatayuan na hindi nakaligtas sa katabing si Athan.
"Heto, Panyo." Wika nito sabay abot ng panyo rito.
"Anong gagawin ko diyan?" Kunot-noong tanong niya.
"Pamunas.Baka kasi bumaha ng luha dito mamaya." Saad nito na nakatawa.
"Loko mo! Pero salamat." Tinanggap niya ang panyo at ibinulsa.
"Walang anuman." At sabay silang napalingon dahil sa ingay.
"Wow! Ang ganda niya." Bulalas ng isang ginang.
"Oo nga.Ang swerte naman ni Akie." Susog naman ng katabi nito.
Napangiti ang dalawa sa narinig at parehong nakatutuk ang mga mata sa babaeng ngayon ay nakatayo may carpet.May hawak itong mikropono kaya ang lahat ay excited sa gagawin ng bride.
"Anong gagawin niya?" Nagtatakang tanong ni Akie sa katabi.
"Panuorin at pakinggan mo nalang." Tugon nito at kinindatan pa siya nito.
Muling ibinaling ni Akie ang paningin kay Shanner.Nagsimula itong maglakad at itinapat ang mikropono sa bibig kasabay niyon ay pumailalang ang backround music. "Oh my god, kakanta siya." Tanging nasambit ni Akie sa sarili.Napanganga siya nang magsimulang umawit ang dalaga.
FOREVERMORE (Side A)
-There are times when i just
want to look at your face
with the stars in the night
-There are times when i just
want to feel your embrace
in the cold night
I just can't believe that you
are mine now.
Nasa gitna na nang pathway ang dalaga at hindi mapuknat ang tingin dito ni Akie.Hindi niya mapigilang maiyak dahil tugmang-tugma sa nararamdaman nila ang bawat linyang nakapaloob sa kinakanta ni Shanner.
-You were just a dream
that i once knew
I never thought i would be
right for you
I just can't compare you
with anything in this world
you're all i need to be
with forevermore
Mas lalong napaiyak ang binata sa lyrics ng kanta.Mahinang tapik sa balikat ang ginawa ni Athan sa kaibigan.Ito narin ang dumukot sa panyo na nasa bulsa nito saka iniabot dito.
"Sabi ko sayo eh! Kailangan mo'to." Natatawang saad nito.Lumuluha paring kinuha iyon ni Akie at mabilis na pinunasan ang mga matang tigmak sa luha.
-All those years
i've longed to hold
you in my arms
I've been dreaming of you
-Even night i've been
watching all the stars
that fall down
wishing you will be mine now
I just can't believe that you
you are mine now
Kahit kumakanta ay tigmak din sa luha ang mga mata ng dalaga.Pinipilit niyang huwag maging garalgal ang boses niya.Nasa tapat na siya ni Akie at tinitigan niya ito ng mariin saka nagpatuloy sa pagkanta.
Ginagap naman ng binata ang kamay ng dalaga at sabay nilang kinanta ang chorus ng awitin.
-You were just a dream
that i once knew
I never thought i would
be right for you
I can't compare you
with anything in this world
you're all i need to be
with forevermore
Natapos ang kanta na halos lahat ng bisita ay kanya-kanyang punas ng luha.
Bukod sa awitin, damang-dama nila ang pagmamahalan ng dalawang tao na ngayo'y magkahawak-kamay na naglalakad patungo sa harap ng pari.
Nagsimula ang ceremony at natapos na may mga ngiti sa labi ang lahat.Dumiretso sila sa reception ng kasal kung saan may inihandang sorpresa ang mga kaibigan.Kumain muna sila at makalipas ang dalawang oras ay umakyat sa ginawang stage si Patrick.
"Ladies and Gentleman." Panimula nito. "Bago po humantong sa kasalan ang dalawang ito..." Aniya at itinuro ang bagong kasal." Marami po silang mga pinagdaanan na sumubok sa kanilang katatagan.Bilang isang tao, bilang isang ina at ama, higit sa lahat, kung pa'no nila tinupad ang mga pangarap nila kahit hindi nila kapiling ang bawat isa." Huminga muna ito ng malalim saka tumingin sa malaking screen na nasa harapan ng lahat.Pagkuwa'y bumaling ito kina Athan at Jen. "Samahan niyo po kaming balikan ang mga nangyari at pinagdaanan ng bagong kasal." Pagtatapos nito kasabay niyon ay namayani ang katahimikan sa paligid.
Magka-agapay na naglakad sina Athan at Jen patungo sa gilid ng screen at isinalang ang isang tape.
Bumukas ang screen kung saan makikita ang mga pinagsama-samang litrato ng dalawa na ginawa nina Athan at Jen.Sa umpisa ay masasayang larawan kasama ang buong tropa.
Nanatiling nakatutuk ang mga mata ng lahat dito maging ang bagong kasal.Hindi maiwasang magpakawala ng tawa ng mga nanonood dahil sa kakulitan ng magkakaibigan.
Ang sumunod na lumabas sa video ay mga larawan habang nagbubuntis si Shanner at nagpapagaling naman mula sa pagkalumpo si Akie.Kung sa naunang mga larawan, todo tawa ang lahat, ngayon naman kanya-kanyang punas sa mga mata ang lahat.
Napahagulgol naman si Shanner lalo na nang makita ang nasa video habang pinipilit na makatayo ni Akie mula sa wheelchair nito at ang katuwaan nito nang ganap itong makatayo without the help of Jen.
Ngayon niya lang ganap na naintindihan, they both suffered sa mga ginawa nilang desisyon noon.Yumakap siya ng mahigpit sa asawa, ganon din ito sa kanya.
Mula sa nakakaiyak, dumako ang video sa mga kalokohan ng batang si Akie habang lumalaki.Kitang-kita doon kung gaano ito ka-bibo at kung paano nito pinangangalandakan na namana nito ang pagiging gwapo sa kanyang ama.
Lumuluha man ay hindi parin maiwasang matawa ni Akie sa pinagsasabi ng kanilang little Akie.
Maya-maya pa'y lumapit sa kanila ang anak nila at umiiyak.Kinarga ito ni Akie at niyakap naman si Shanner.
"Are you happy, my handsome boy?" Tanong ni Shanner.
"Yeah, Mom.Thank you dahil buo na ang pamilya ko." Sagot nito at pinunasan ang mata gamit ang kamay nito.
"Hindi mo kailangang magpasalamat.Ako ang dapat magpasalamat dahil dumating kayo sa buhay ko." Naluluha paring saad ni Akie.
"I love you both." Anas nito at niyakap sila nito ng maliit nitong mga braso.Lahat ng taong naroon ay hilam sa luha dahil sa kanilang nasaksihan.
"Tama na ang iyakan." Si Rhuby na nasa likod nila. "Ito na ang susi...It's your time..." Aniya na bakas sa mukha ang kasiyahan.
"Naayos na ba ang lahat?" Tanong pa ni Akie.
"Yeah.Doncha worry, Tol.Maayos na maayos ang lahat pati ang master bedroom." Singit naman ni Patrick na nakangisi.
"Oo nga, Ako mismo ang nag-ayos nun." Pagbibida naman ni Jen na nasa tabi nito.
"Okay na din ang shop." Si Athan at saka bumaling kay Shanner. " Galingan mo pangangabayo mamaya, ha?" Nakakaloko nitong saad.
"Sira-ulo ka talaga, Sweety." Ang namumulang si Shanner.
"Tama na nga iyan." Saway ng kanilang mga magulang na nakalapit na din sa kanila. " Ang mabuti pa, dalhin mo na ang mag-ina mo sa sorpresa mo." Ani Kelvin at nginitian pa ang anak.
"Thank you, Dad and Mom." Tugon nito at niyakap ang magulang, maging ang magulang ni Shanner ay kanyang nilapitan at niyakap kasabay ang pasasalamat.
Matapos iyon ay agad niyang inakay ang kanyang mag-ina at sumakay sa kanyang kotse.
"Saan ba tayo pupunta?" Ang di nakatiis na tanong ni Shanner.
"Secret." Nakangiting tugon niya dito.
Ang kanilang anak ay tahimik lang na nakaupo sa likurang bahagi ng sasakyan.Alam niyang anuman ang sorpresa ng kanyang ama, panigurado ikatutuwa iyon ng kanyang ina.
Makalipas ang isang oras ay huminto ang kanilang sasakyan sa isang napakalaki at napagandang bahay.Ngunit napakunot-noo si Shanner dahil tila pamilyar sa kanya ito bagay na napasnin naman ni Akie.
"Tama ka sa iniisip mo, Ep.Nakapunta ka na dito nang gabing malasing ka."
"Ibig mong sab---"
"Yes.This is the house na pinangarap mong tirahan diba? Kasama ako at ang magiging mga anak natin.Nakikita niyo ba ang coffe shop na iyon?" Aniya pa at itinuro ang katabi nitong shop. "Tinupad ko ang mga pangarap natin, Ep." Patuloy nito sa garalgal na tinig.
Napaiyak si Shanner nang sundan niya ng tingin ang itinuro nito.Isa iyong malaking coffe shop na may nakasulat sa harapan.
"AKIESHA COFFE SHOP"
Iyon ang ang nabasa niya.Naluluha paring bumaba si Shanner at mabilis na nilapitan ang shop.Hinipo niya ang pintuan at dahan-dahang itinulak.Bumungad sa kanya ang kabuuan niyon.Pumasok siya at pagkuwa'y lumuluhang tinakbo ang kinaroroonan ng kanyang mag-ama.Sakto namang bumaba na ang mga ito at sumalubong sa dalawa ang isang napaka-higpit at napaka-init niyang yakap.
"Maraming salamat...I love you more, I love you both." Aniya dito.
"I love you forever." Umiiyak na tugon ni Akie.
"Ako din." Singit ng kanilang anak at tag-iisang halik sa pisngi ang iginawad nito sa kanila na may tunog. " I love you, Mom and Dad.Also for my coming baby sister or brother."
Ilang minuto pa ang lumipas at magkakahawak-kamay na pumasok ang tatlo sa loob ng bahay.
Ang bahay kung saan sila magsisimula ng panibagong buhay at magkasamang haharapin ang mga darating pang pagsubok sa kanilang pagmamahalan.
MATULING LUMIPAS ang mga buwan at ngayon ngay ay kasalukuyang nasa hospital si Shanner na kakatapos lang manganak sa kanilang pangalawang supling.Babae ito at pinangalanan nilang Shantal, sumunod sa pangalan ni Shanner.
Katulad nang ikasal sila, dinagsa na naman sila ng kanilang mga kaibigan kaya halos mapuno ang inuukopang silid ni Shanner.
"Inggit ka, Tol?" Tanong ni Patrick kay Athan habang kalong ang sanggol.
"Manahimik ka nga." Sita naman ng binata dito.
"Jen, bigyan mo na kasi ng pangalawang anak itong si Tol Athan nang maka-karga naman siya ng bata." Nakangisi pang saad ni Patrick.
"Tigilan niyo nga ako.May anak nga ako pero hindi ko naman alam kung saan at paano nabuo." Nakanguso nitong tugon na ikinatawa ng lahat.Dalawang buwan na ang dumaan simula nang malaman nito ang tungkol sa batang si Jeanlie.
"Ipaalala mo kasi, Jen." Natatawang banat naman ni Rhuby.
"Pa'no mo maalala eh mukha kang lantang gulay noon.Maliban nalang sa tayong-tayo mo na-----"
"Shut-up, will you?" Ang namumulang si Athan at tinakpan nito ng palad ang bibig ng natatawang si Jen.
Tawanan ang lahat sa inakto ng binata.Ngunit mas lalong lumakas ang tawanan nang magtanong si Shanner.
"Saan nga ba matatagpuan ang nunal ni Athan?"
"Present." Mabilis na sagot ni Jen nang makawala ang bibig nito mula sa palad ng binata." Eh di dun sa kuwa-----" Hindi na nito natapos ang sasabihin nang silyuhan ng napipikong si Athan ng isang halik ang kanyang bibig.
Nagpumiglas ang dalaga at nang makawala...
"Ano ba'yan? Hindi ka talaga marunong humalik.Dapat with feelings, parang ganito oh." Kasabay niyon ay hinawakan ng dalaga ang batok ng binata at dahan-dahang inilapit dito ang kanyang labi.Sa umpisa ay padampi-dampi lang ginawa ng dalaga hanggang sa kusang bumuka ang bibig ng binata at sumunod sa bawat galaw ng dalaga.
Nahimasmasan lang ang dalaga nang tumikhim ang nasa likuran nitong si Patrick.
"Masarap ba, Tol?" Si Akie na todo ang ngiti.
"Mga Gago!" Singhal ni Athan sa mga ito dahilan para umugong na naman ang tawanan sa kabuuan ng silid "At ikaw..." Turo nito kay Jen. "Huwag na huwag kang uuwi ng bahay." Aniya at nagmartsa palabas ng kwarto.
"Halaka, galit." Si Rhuby na patuloy parin ang pagtawa.
"Hindi yon galit, akong bahala." At mabilis na sinundan ang kakalabas lang na binata.
Ilang saglit pa ay bumalik ang mga ito ngunit nakabusangot ang mukha ng binata.Pakiramdam kasi nito lagi nalang siyang pinagkakaisahan ng tropa.
Maya-maya ay dumating ang batang si Akie at kasama ang yaya nito.Hiniram nito ang cellphone ni Patrick at iniabot sa kanyang yaya.
"Yaya, pwede po bang paki-kuhanan kami ng litrato?"
"Oo naman."
"Okay.Let's have a group hugs mga tito and tita, Mom and Dad." Animo matanda na saad nito.
Mabilis namang tumalima ang lahat at pumunta sa kama na hinihigaan ni Shanner.
"1, 2, 3...Smile." Aniya ng yaya at kanya-kanya silang ngiti sa harap ng camera.
~~~~~~~~~A KISS TO REMEMBER~~~~~~~~~~~~
![](https://img.wattpad.com/cover/62874420-288-k334469.jpg)
BINABASA MO ANG
A KISS TO REMEMBER (Book 2: She's A Laundry Girl) by: M.D.S
RomanceMay tamang edad nga ba pagdating sa pag-ibig? Kailangan nga bang madaliin ito at humantong sa kapusukan Or kailangan munang maghintay para sa tamang panahon? Meet, YANGZKIE FERRER. The highschool boy student na kilala bilang palikero at pilyo sa ka...