MASAYANG namang-aalmusal ang mag-asawang Akie and Jennifer ng mga sandaling iyon.
"Handa ka na ba?" Tanong ni Jennifer sa binata.
"Oo." Bagama't may pag-aalinlangan sa isip ay nagawa parin niyang bigkasin.
"Pa'no kung----"
"No worry.I'm fine!" Maagap na sagot ng binata at marahang ngumiti.Hindi man lantarang sabihin, nahuhulaan na niya kung ano tumatakbo sa isip ng asawa.
"Okay."
"Nga pala, mamaya magpasama ka kay manang para ma-eenroll natin sa eskwelahan si Jeanlie." Aniya dito saka tinungga ang kapeng nasa harapan.
"Sige." Sagot nito pagkuwa'y tiningnan siya ng mariin. "Okay lang ba sayo na samahan kita sa opisina pagkatapos saka ko aasikasuhin ang pagpapa-enroll sa bata?"
"Sige.Mas maganda nga iyon."
"Okay." At mabilis na nilang tinapos ang pagkain saka nagbihis at magka-akbay na sumakay ng kotse.
BUHAT sa kinaroroonan ni Shanner ay kitang-kita niya kung paanong alalayan ng binatang si Akie ang kasama nitong si Jennifer simula pagbaba ng sasakyan hanggang sa pagpasok ng mga ito sa entrada ng kumpanya.Kinapa niya ang sariling damdamin, naroon parin ang pagmamahal niya para dito.Ngunit ang isipin at makitang may iba na ito, dobleng sakit ang hatid niyon sa kanya.Mas masakit sa ginawa niyang pagtalikod dito para lang matupad ang mga pangarap nito at ang mabuhay ang kanilang anak.Hindi niya namalayan, lumuluha na pala siya sa simpleng tanawin na iyon.
May awang humaplos sa puso ni Kelvin para sa dalaga na tahimik na nagmamasid dito.Kitang-kita niya ang sakit na bumalatay sa mukha nito nang makita ang mag-asawang Akie at Jennifer papasok ng kumpanya.Magka-ganon paman, alam nilang tama ang knilang desisyon na pagsamahin sa trabaho ang dalawa.Mahirap ngunit alam nilang sa pagkakataong ito, matutupad ang pinaka-aasam-asam na bagay ng kanilang apo, ang mabuo ang pamilya nito.
Muli niyang sinulyapan ang mag-asawa, pagkuwa'y marahang naglakad palapit sa dalagang tahimik na lumuluha.
"Huwag mong iyakan.Ipaglaban mo." Tinig na nagpalingon kay Shanner.Mabilis niyang pinahid ang mga luha saka pilit na ngumiti sa kanyang Papa kelvin.
"Akala ko ho, handa na'ko.Akala ko, kaya ko na makita siyang masaya sa iba.Hindi po pala, puro lang ako akala." Mahina niyang saad dito.
"Sshhh...It's okay iha...Ipakita mo lang sa kanya kunwari na hindi siya kawalan."
Nagtatakang napatitig si Shanner dito.
"What do you mean, Pa?"
"Want to play with them?"
"What kind of game po?"
"Just say , yes or no?"
"Pa?"
"Yes or No?"
Naguguluhan man ay sumagot na rin ang dalaga.
"Okay.Yes pa."
"Good." Wika nito saka inilahad ang kamay sa kanya. "Shall we?" Nakangiting tanong nito.
Agad namang inabot ng dalaga ang kamay nito saka sila magkasabay na naglakad para salubungin ang mag-asawa.
"Good morning Iho." Bungad na bati ng kanyang ama nang tuluyan silang magkasalubong sa hallway ng kanilang opisina.
"Good morning Dad." Sagot niya dito at agad na nakatutok ang kanyang mga mata sa dalagang katabi nito.
"By the way, Iho.Meet my secretary, Shanner Garcia." Wika ng kanyang ama na kapwa ikinagulat ng tatlo.
Si Shanner dahil hindi niya alam kung bakit ganon ang pakilala sa kanya ng Papa kelvin niya sa binata.Ngunit nang maalala ang sinabi nitong game, bahagya siyang napangiti na hindi nakaligtas sa binata.
"So, nakapag-asawa ka narin pala." Malamig pa sa yelong sagot ng nabiglang si Akie.
"Yeah.Actually, kilala niyo siya." Nakangiti paring wika niya.
"The who?" Ang excited namang tanong ni Jennifer, ngunit natigilan ito ng bahagyang pinisil ni Akie ang kamay niyang hawak nito.
"Jonathan.Jonathan Garcia ang pangalan ng asawa niya." Ang kanyang ama ang sumagot.
Nagulat at tila nabingi ang binata sa narinig.Hinding-hindi niya makakalimutan ang pangalan ng taong iyon.Ang taong itinuring kapatid at kaibigan.Ngunit ang malamang ito ang naging asawa ng babaeng minahal niya, para gusto niyang sumabog sa galit.Ngunit anuman ang kanyang nararamdaman, mas pinili niyang umakto na tila hindi apektado.
"Congrats for both of you." Wika niya sa dalaga saka hinapit sa beywang si Jennifer. " Meet my wife, Jennifer." Pakilala niya din sa kasama.
"Nice to see you again, Jen." Ani Shanner at hinalikan ito sa pisngi.
Nagulat man dahil tila wala lang sa dalaga ang nalaman, gumanti narin si Jennifer ng halik at yakap sa itinuring na din niyang kaibigan.
Ilang sandali pa ay inihayag na ni Kelvin na; dahil si Akie na ang tatayong new President ng Company, si Shanner din ang magiging secretary nito.Gusto mang magprotesta ng dalaga ngunit pasimple itong kinindatan ng matanda na tila ba sinasabing, " Sumang-ayon kana lang."
Nagsimula ang umaga ng dalawa na kumibot-dili.Tila ba may malaking pader na nakaharang sa pagitan nila ng mga sandaling iyon kahit na ilang distansiya lang naman ang pagitan ng kanilang mesa.
Oras nang uwian nang hindi makatiis si Akie.Kasalukuyang naglalakad ang dalaga papuntang parking area nang sumunod sa kanya ang binata at marahas na hinawakan ang kanyang kaliwang braso.
"Ang galing mo rin, ano?" Gigil niyang saad dito.
"Ano bang sinasabi mo?" Nagtatakang tanong ng dalaga.
"Ang lakas ng loob mong pumasok at magtrabaho dito sa kumpanya namin.Dapat nasa kulungan ka, dahil isa kang mamatay tao!" Malakas nitong sigaw at hinigpitan ang kapit sa kanyang braso.
"Ilang araw akong parang baliw sa kakaisip kung nasaan ka ng mga sandali iyon.Tapos malalaman ko lang na ipinalaglag mo ang anak ko? May ideya ka ba kung gaano kasakit sa'kin yon, ha? May ideya ka ba?" Galit parin nitong sigaw, samahan pa marahas nitong pagsuntok sa pader.
"Wala akong gina----"
"Anong nangyayari dito?" Si Kelvin na agad nilapitan ang dalaga.
"Kriminal ang babaeng yan! Pinatay niya ang anak ko.Dapat sa kanya mabulok sa bilangguan...Pinatay n'yang anak ko."Naiiyak na sigaw ng binata.
"Gago ka pala eh!" Ang kadarating lang na si Jonathan at agad pinadapuan ng isang suntok ang binatang hindi nakahuma.
"Wala kang karapatang pagsalitaan ng ganyan si Shanner, dahil wala kang alam.Wala kang alam kung ano mga sinakripisyo niya at pinagdaanan." Gigil paring patuloy ni Jonathan.
"Wow!" Nakangising wika ni Akie nang makabawi. "Bagay nga kayong magsama! Isang kriminal at isang ahas."
Isang malakas na sampal mula sa dalaga ang natanggap ng binata. "Wala kang alam kaya huwag na huwag mo'kong matatawag na kriminal." Umiiyak na saad ng dalaga saka mabilis na lumabas.Sumunod naman dito ang binatang si Jonathan.
"Tama sila Iho.Wala kang alam, kaya hindi mo dapat pinagsalitaan ng ganon si Shanner." Ani Kelvin.
"What do you mean, Dad?" Naguguluhang tanong ng binata.
"You'll be the one to know, iho." Iyon lang at mabilis nang sumunod sa dalawa ang kanyang ama.
Naiwang magulo at maraming tanong sa isipan ng binata ngunit napalitan iyon ng galit nang makita kung paano niyakap at hinalikan sa pisngi ni Jonathan ang dalaga.
"Fvck!" Anang sa isip ng binata at tiim-bagang na sumakay sa kanyang kotse at mabilis itong pinaharurot.
BINABASA MO ANG
A KISS TO REMEMBER (Book 2: She's A Laundry Girl) by: M.D.S
RomanceMay tamang edad nga ba pagdating sa pag-ibig? Kailangan nga bang madaliin ito at humantong sa kapusukan Or kailangan munang maghintay para sa tamang panahon? Meet, YANGZKIE FERRER. The highschool boy student na kilala bilang palikero at pilyo sa ka...