"Ako ang dahilan kung bakit walang nagsasayaw sayo." Wika nito at marahang humarap sa kanya.
"Anong ibig mong sabihin?" maang na tanong ni Shanner.
"Change." Sigaw ulit ng emcee ngunit ininda lang ito ni Akie.Hindi niya rin pinansin ang mga katabi at lalong hindi niya pinakawalan si Shanner.Nanatili sila sa gitna.
"Kanina, walang nagyaya sayong sumayaw." Umpisa ni Akie.
Yumuko si Shanner.Hindi niya alam kung ipinamumukha ni Akie na pangit siya kaya walang may gustong isayaw siya.Bumitaw siya dito at inalis ang kamay sa balikat nito, ngunit maagap iyong ibinalik ni Akie.
"Kinausap ko lahat ng mga lalaki noong nakaraang linggo para wag kang isayaw, para ako lang ang magsasayaw sayo.Kanina, girls choice, nilapitan kita dahil gusto ko, ako ang kasayaw mo.Pero yumuko ka at umaktong tila walang pakialam.Kinabahan ako na baka may hinahanap ka na iba kaya umalis nalang ako." Patuloy ni akie.
Shanner don't know what to feel right now, pero nagtanong parin siya dito.
"That's why you asked me now to dance with you? Ano bang nagawa ko sayo? Minsan kahit wala akong ginagawa O sinasabi sayo, lagi kang nagsasalita ng,
NAKAKAINIS, naiirita ka ba sa pagmumukha ko ha?"
"Task!"palatak ni Akie. "Mahal kita, di mo ba nakikita? Nakakainis ka kasi tuwing nakikita kita, ang bilis ng tibok ng puso ko.Nakakainis ka kasi tuwing naririnig ko ang boses mo, nawawala ako sa sarili ko.Nakakainis ka kasi sa tuwing ngumingiti ka, natutulala ako.Nakakainis ka kasi palagi kitang nakikita, saan man ako magpunta.Nakakaasar ka eh! Hindi ko alam kung bakit? Kung pa'no?...You made me fall in love with you."
Hindi malaman ni Shanner kung ano ang sasabihin, kaya umiwas siya ng tingin dito.Nagulat na lamang siya nang makitang silang dalawa na lamang ang nasa gitna, pero may tumutugtog paring music.
Lahat nakatingin sa kanila, naghihiyawan, nagkakantyawan.Maging ang kanilang Adviser ay nakangiti, nag-thumbs up pa ito kay Akie.Inilinga niya ang paningin at nakita niya ang lokaret niyang kaibigan, habang kinukunan sila nito ng litrato.
"PDA kayo ha!" anas ng mga seniors nila sa kabilang lamesa.Nagtawanan ang lahat.
Ibinalik niya ang paningin kay Akie.Ginagawa na naman nito ang mannerism nito na guguluhin ang tuktuk ng buhok tapos...Sasabihing, "Nakaka---"
"Matagal na kitang gusto..." wika nito. "Pero wala akong lakas ng loob na sabihin iyon sayo.Shanner Pascua, liligawan kita.Hindi ko na itatanong kung gusto mo or hindi, basta liligawan kita."
Matapos ang huling katagang binitiwan ay iniikot niya si Shanner.Saktong pag-ikot nila, nandun na ang mga kaklase at kaibigang kinuntsaba niya.Nakapila ang mga ito at bawat isa may mga hawak na papel.
Nakasulat ang:
"I LOVE YOU SHANNER."
Parang gustong maglupasay sa tuwa ni Shanner nang mga sandaling iyon.Nahagip din ng paningin niya ang kaibigan ni Akie na si Patrick.Tumatakbo ito patungo sa kanila at may hawak-hawak na bulaklak.Kung hindi siya nagkakamali, bulaklak iyon ng bugambilia.Iniabot nito ang bulaklak kay Akie.Shit! She can't breathe.
"Ehem!" si Akie at ngumiti ito sa kanya.Iniabot nito sa kanya ang bulaklak. "Pasensiya na kung bulaklak muna ng bugambilia ang kaya kong ibigay sayo.Pinitas ko lamang iyan sa hardin ni Tita Yanne."
Walang masabi si Shanner kaya niyakap niya na lamang ito. "Baliw!" aniya dito at hindi mapigilang umiyak.Tears of joy? May ganun? Paki-explain? Hahahaha...
"Bakit ka umiiyak? Ayaw mo ba sa bulaklak? Gusto mo, palitan ko yan ng rose?" tinig ni Akie na may pag-aalala.
"Baliw ka talaga Akie!" sambit niya and she heard him chuckled.
"Mahal kita.Sana pagkatapos ng pagtatapat ko sayo, wag kang lalayo sa'kin." Wika nito.
"Si Akie ba'to?" naitanong niya sa sarili.Ewan niya pero parang may sariling isip ang katawan niya at niyakap niya ito.Marahil, dahil iyon din ang gusto niyang marinig mula dito.Matapos niya itong yakapin ay unti-unti niyang inilapit ang mukha dito, then the next thing she knew is...She's brushing her lips against his tender lips.Hindi niya maipaliwanag ang nararamdaman because it was her first kiss.But in this case, it's like she don't want to end it.The kiss felt so right and making her want more.She felt something in her stomach and her cheeks is so freakin' hot.
Akie smiled at her and give her a tighter hug, at muli nitong sinakop ang mga labi ng di nakahumang dalagita.
Nang makaupo ay hindi na umalis pa sa tabi ni Shanner ang binatilyo.Ayon dito, baka daw masingitan siya, kahit na imposible namang mangyari.Takot lang ng mga ito sa kanya.Hahaha! Siga ba? Nope.Sikat si Akie sa campus dahil narin sa ito ang kanilang pambato sa tuwing may ginaganap na paligsahan sa bawat paaralan.Magaling ito sa paglalaro ng basketball, at nag-championship narin ang team nito sa larong sepak-takraw.Kung sa talino naman, hindi rin ito magpapahuli dahil lagi siyang first honor since elementary.
Natapos ang gabing iyon na puno ng kasiyahan ang bawat isa.Lalo na kina Akie at Shanner.Salamat sa JS Prom dahil binigyang laya nito ang kanilang mga damdamin.
--------
Nang mga sumunod na araw, sinimulan ni Akie ang panliligaw kay Shanner.Madalas siyang mahuli sa pag-uwi dahil inihahatid pa niya si Shanner sa bahay ng mga ito.Naging palagay na ang loob nila sa isat-isa at mas marami nadin silang natutuklasan tungkol sa bawat isa.Makalipas ang dalawang buwan ay sinagot narin ito ng dalagita.Ayaw na niyang patagalin pa ang paghihirap ni Akie, dahil ramdam naman niya na seryoso ito.
Bawat araw at buwan na dumaraan sa kanila ay mas tumitibay ang kanilang relasyon at mas napatunayan nilang sa kabila ng kanilang murang edad, marunong na silang magmahal at manindigan.
Isang hapon, inihatid muli ni Akie ang dalagita.
"Kumusta ang maghapon sa school? tanong niya.
" Okie lang, medyo pagod dahil ang daming projects." sagot nito at bahagya pang iniunat ang mga braso.
Hinila ni Akie ang dalagita at inakbayan habang naglalakad.Namayani ang katahimikan sa kanila hanggang sa makarating sila malapit sa bahay nila Shanner.
"Did you smoke today?" tanong ng dalagita.
Inilagay ni Akie ang kamay sa tapat ng kanyang bibig at kunwari ay inamoy.
"No." tugon niya.
Mabilis siyang hinalikan ni Shanner sa labi.
"It seems to be true." wika nito pagdaka.
Napahawak na naman sa tuktuk ng kanyang buhok si Akie at alanganing ngumiti.
"Maybe, I need to go." Paalam niya kay Shanner at naglakad na pabalik.
"I love you." tinig ni Shanner kaya napalingon siya dito.
"I love you too." Sagot niya at nagpatuloy na sa paglalakad.
----------
HABANG nasa canteen Kinabukasan ay tampulan ang magkasintahan ng mga panunukso mula sa mga kaibigan.
"Pinatikim mo naba Shanner si Akie?" ang malisyosong si Patrick.
"Pinatikim ng ano?" si Shanner na napakunot-noo pa.
"Naku! Tigilan niyo nga si Ap." Sita ni Akie sa mga ito.
"Binyagan na kasi yan!" ang ayaw paawat na si Patrick.
Iniumang ni Jennifer ang kamay dito.
"Gusto mo bang ito ang buminyag diyan sa pagmumukha mo, ha?" Aniya kay Patrick.
Natahimik naman ang isa, ngunit ito palang si Jennifer ang gigisa sa dalawa.Hahahahaha! Peace yow.
"Shanner, wala pa ba?"
"Ang alin?" takang tanong nito.
"Nangyayari between you and Akie." Deretsong tanong ni Jennifer.
Napipilan ang dalagita at namula sabay tingin kay Akie na nakangiti.
"Wala pa Jennifer.At hindi ako pabor sa pre-marital sex, lalo pa't hindi pa kami tapos ng pag-aaral." At hinawakan nito ang kamay ni Akie. "Diba Ap, hindi mo naman ako pipilitin sa pagdating sa ganung bagay?"
"Oo, Irerespeto kita dahil mahal kita Ap.Hihintayin ko ang panahon at pagkakataon na pwede na nating gawin ang bagay na iyon."
Dahil sa narinig ay mabilis na hinalikan ni Shanner ang binatilyo sa pisngi nito, na tinugon naman nito ng halik sa kanyang noo.
Tahimik lamang na nakamasid ang tatlo sa mga ito at umuusal na sana, maging matibay ang mga ito sa pagharap sa mga darating na pagsubok sa kanilang relasyon, lalo na pagdating sa tukso.
Tumayo si Jonathan at balak niyang pumunta ng cr nang biglang may tumama sa kanyang ulo.Galit siyang lumingon at akmang susugod ngunit natigilan siya.
Napanganga siya sa nakita at pinagpawisan ng todo.
BINABASA MO ANG
A KISS TO REMEMBER (Book 2: She's A Laundry Girl) by: M.D.S
RomansaMay tamang edad nga ba pagdating sa pag-ibig? Kailangan nga bang madaliin ito at humantong sa kapusukan Or kailangan munang maghintay para sa tamang panahon? Meet, YANGZKIE FERRER. The highschool boy student na kilala bilang palikero at pilyo sa ka...