Chapter 8: The Promise! :)

340 11 2
                                    

Monique's POV

Nandito ako ngayon sa kwarto ngayon ni Ver. Binabantayan ko rin siya. Ayaw ko siyang iwan ngayon eh. Ang dami rin niyang sugat at pasa sa mukha. Nakita ko rin na minumulat ni Ver ang kanyang mga mata.

Oliver: Monique?

Me: Oliver! Gising kana pala. Teka, tatawagin ko lang sina Tita. Baka nagugutom kana? Wait lang, ipapaghanda kita ng pagkain.

Pinigilan ako ni Ver na umalis. Hinawakan niya ang kamay ko.

Oliver: Huwag ka umalis. Dito ka lang sa tabi ko. Ayoko mawala ka ulit sa akin.

Me: Pero -----

Oliver: Please?

Me: Sige na nga. Hindi ka ba nagugutom?

Oliver: Hindi pa eh. Monique, salamat pala. :)

Me: Para saan?

Oliver: Sa pag-aalaga mo sa akin.

Me: Wala yun. Bawi ko na rin yun sa pagliligtas sa akin kanina. Ok na ba pakiramdam mo?

Oliver: Oo naman. Basta nandito ka, Ok na ako.

Me: Um, about dun sa sinabi mo?

Oliver: Alin, yung BOYRFRIEND?

Me: Oo. 

Oliver: Bakit? Gusto mo?

Me: HIndi noh! Bakit mo sinabi yun sa kanila? Kaya ko naman ang sarili ko eh.

Oliver: WEH?! Eh bakit ka nagsisigaw ikaw doon?

Me: Eh, teka! HIndi mo pa sinasagot yung tanong ko.

Oliver: Ah! Yung BOYFRIEND? Sinabi ko iyon para iwasan ka nila. Para hindi ka na rin nila lapitan o saktan. 

Me: Ahhhhhh! Ok!

Tahimik kami hanggang sa.....

Tita Lizza: Monique, tumatawag mommy mo. Umuwi kana daw. Late na. Kami na bahala kay Oliver.

Me: Sige po, Tita. Uwi na po ako. Ver, pagaling ka. 

Oliver: Opo! Ingat ka.

Me: Kaw rin. :)

Sa bahay,

Mommy: SAAN KA NA NAMAN BANG GALING?!

Me: Nagpunta lang po ako kina Oliver. 

Mommy: Gabi na o. Ni hindi ka naman nagpapaalam. 

Me: Sorry po.

Mommy: Dahil sa hindi ka na naman nagpaalam, GROUNDED KA! No allowance, cellphone, gadgets, or going to malls. Understand?

Me: YOU'RE SO UNFAIR! I HATE YOU!

Tsaka ako pumasok sa kwarto. Nakakainis! Their so UNFAIR! Tsk! Kaya natulog nalang ako.

Oliver's POV

" Monique, wag mo ako iwan. HIndi ko kaya kapag iniwan mo ako. "

" Oliver, may iba akong mahal. "

Tapos bigla nalang ako nagising nag may umaalog sa akin.

Mommy: Anak, ok ka lang? Kanina ka pang binabangungot.

Me: Ok lang po ako, Ma. Panaginip lang po iyon. 

Mommy: Sige na! Bangon na at baka malate pa kayo.

Me: Opo, Ma.

Tsaka ako bumangon. Same routine pa rin. Tsaka ako dumiretso sa school. Nakita ko si Monique. Parang ang tahimik niya. Kaya tinabihan ko.

Me: Monique, salamat pala sa pag-alaga mo sa akin.

Monique: Wala yun.

Me: Treat kita mamayang awas.

Monique: Saan naman?

Me: Sa mall.

Monique: Bawal eh. Grounded ako. :(

Me: Bakit naman?

Monique: ...............

Me: Gawa ko ba? Sorry ha?

Monique: Ha?! Hindi mo kasalanan. Hindi naman ako nagpaalam eh.

Me: Hindi! Ako ang magpapaliwanag kay Tita.

Monique: Hindi. Ok lang.

Me: Sige! Ganito nalang. Hatid nalang kita sa inyo mamayang awasan.

Monique: Sige. Kaw bahala. :)

fast forward

Pauwi na kami ni Monique. As what I have said, magpapaliwanag ako kay Tita. Malapit na kami sa bahay, hanggang sa......

Monique: Ver, itigil mo yung kotse. Dito nalang ako. Salamat sa paghatid.

Me: Ha?! Eh hahatid na kita. Baka mamaya mabungo ka pa dyan. Diba nangako ako sayo na hindi kita papabayaan?

Monique: Pero----

Me: Hindi! Walang pero-pero. Ihahatid kita.

Nakadating kami sa kanila. Tsaka ko nakita si Tita.

Tita: Anak, nandyan kana pala. Kamusta school?

Monique: Ok lang po. Ma, akyat na po ako. Ver, salamat sa paghatid. Ingat ka. Bye. :)

Me: Sige. Kaw rin. Bye. :)

Nakapasok na si Monique sa bahay nila. Eto na yung chance.  XD

Tita: Ver, salamat sa paghatid kay Nicah. 

Me: Wala po yun. Tita, pwede po ba kita makausap?

Tita: Sige.

Me: Tita, kasalanan ko po kung bakit late po si Monique umuwi kagabi.

Tita: Bakit naman, Ver? 

Me: Kasi po inalagaan niya po ako. Nagkasakit kasi ako po. 

Tita: Ganun ba? O sige, kakausapin ko nalang ulit siya mamaya.

Me: Sige po,Tita. Mauna na po ako. Baka hinahanap na rin po ako sa amin eh.

Tita: Sige, Iho. Ingat ka.

Me: Sige po. Bye po. :)

Tsaka umuwi ako sa amin. Ipapangako ko sa sarili ko na poprotektahan ko si Monique. Hinding-hindi ko siya papabayaan masaktan.

( A/N: Hi, readers! Sorry po kung late update. Nagrereview po si Authie sa exam eh. Baka malate na naman po ng update. Sana magustuhan ninyo po itong update. Thanks. Just Comment, Vote, Be a Fan. Appreciate it. :))

The Story Of Us! (ft. CHiCSER)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon