Audrey's POV
7:30 na. Inaantok ako pero hindi ko magawang matulog. Wala si Russel, nasa CR kasi sya. Kaya tumayo ako at tumingin sa mga kaklase ko. Ang sweet lang talaga nila Julia at Joseph. Si Julia nakasandal yung ulo sa balikat ni Joseph, at ito namang si Joseph nakapatong ang ulo sa ulo ni Juli. Sweet lang, sana ganyan din kami.
Nang mapansin kong bumukas yung pinto ng CR, umupo na ako. Aba! Alam kong si Russel yon.
Kinuha ko nalang yung jacket ni Russel at nagkunwaring tulog. Hays!
"Tulog na pala si Audrey." Alam ko kung kanino yon, kay Russel.
Nakapikit parin ako hanggang ngayon, gusto kong imulat ang mata ko pero, ayaw talaga.
"Auds, ang akward natin." Sabi nya. Like duh? Oo, super akward. "Pero, masaya ako at katabi kita. Promise, kakausapin kita. Pero di ko yata kaya, natotorpe ako."
Shocks?! Isang Russel John Jobog, Torpe?
"Alam mo Auds, masaya ako ng malaman na gusto mo ko. Alam mo dapat aamin talaga ako sayo, pero natorpe ako. Di ko alam, sayo lang talaga ako natorpe. Nakakahiya man, pero yun ang totoo. Ganun kasi sa pag-ibig. Akala mo kung sinong sikat, yun pala torpe." Ramdam ko ang kamay nya sa buhok, hinihimas nya ba ang buhok ko? Shocks! Hindi na talaga ako magsh-shampoo. pero wait lang, does it mean na..
"I don't know Auds. But I know I like you. Kahit, mataray ka, maganda ka parin para sakin. Alam kong hindi mo ko naririnig, peri atleast nasabi ko sayo nararamdaman ko, tulog ka nga lang."
Gusto kong matawa sa sinabi nya, para syang baliw. "Good night Auds. Paggising ko bukas, ikaw agad ang makikita ko. I love you!"
Nagulat nalang ako sa sinabi nya, 'I Love You'? Akala ko 'gusto' nya lang ako hindi 'mahal'. At ang mas ikinagulat ko, ay yung maramdaman ko ang labi ni Russel sa noo ko. Gusto kong sumigaw sa kilig. Gusto ko syang halikan ng todong todo.
"Good night Auds,dream of Me. Bwisit! Nakakabakla! Buti nalang,tulog ka."
Nang hindi na sya umiimik, dinilat ko ng unti ang mata ko at nakita kong nakatungong natutulog na sya. Agad ko namang ibinulong ang gusto kong sabihin.
"Good Night, Russ. Mahal din kita."
Yanna's POV
Gabi na, pero di parin ako nakakatulog. Magpupuyat nanaman ako nito, kainis!
Tinignan ko ang katabi kong si Joshua, tulog na tulog na sya. Gwapo parin sya, sya parin naman si Jot na nagustuhan ko.
Habang nagpapatunog ako, nilagay ko ang bag kong parang unan para masandalan ko pag inaantok nako. Pero hindi ko pa talaga kayang matulog.
Habang nakasandal ako sa upuan ko, biglang bumigat ang bag ko. Nang imulat ko ang mata ko, nakita kong si Jot ay nakasandal sa bag ko. Which is nasa lap ko.
Ewan ko kung natatawa ako dahil ang gulo nya matulog o dahil kinikilig lang talaga ko. Grabe lang!
Tulog na tulog nanaman sya kaya wala na rin aking magagawa kung gigisingin ko pa sya.
Hinayaan ko nalang sya makatulog. Kinikilig na rin lang din namab ako eh.
Alam kong wala na, wala nang pag-asang mabalik ang nakaraan. Kahit ngayon lang, maranasan ko ulit lumigaya sa piling nya. Kahit ngayong gabi nalang.
BINABASA MO ANG
Trip to LOVE
RandomA section where everyone is in love. And they were Destined to know each other's feelings. They are going to have a Trip... To LOVE.