Chapter 11: Friends :)

31 1 0
                                    

Alyanna's Point of View.

Habang nasa byahe kami, di ko mapigilang mapangiti sa nangyari kanina. Syempre, magkaibigan na kami ni Joshua.

"Mmmmm." Naramdaman kong gumalaw ang ulo na nasa lap ko. "A-alyanna?"

Ngumiti naman ako. "Sarap ng tulog ah."

"Sorry, napasandal ako sa lap mo. Di ko sinasadya." Sagot nya habang nakamot sa batok nya.

Sheeeeeet of Paper! Ampogi :/

"Yanna!"

"Ha?" Sigaw ko.

"Tulala ka, kinakausap kita di ka naman sumasagot. Nakatulala ka lang." Sagot nya.

"Ah, sorry. Lumilipad lang ang isipan ko." Nagpeace sign pa ako sakanya.

Nakakapanibago lang na nag-uusap na kami. Kalimitan kasi nagkaka-iwasan kami. Inaasar kasi kami ng mga kaklase ko.

"So... friends?"

Nagulat nalang ako nang ilahad nya ang kamay nya, na para bang hinihintay ang kamay ko na makipagkamayan sakanya.

"Ano?"

"Kung pedeng magkaibigan na tayo? Tutal, nagkatabi na din tayo dito at nakatulog na din naman ako sa lap mo kaya dapat magkaibigan na tayo." Nakangiti nyang sabi.

Nakakapanibago lang na iba ang turing nya. Bad boy sya, at Varsity player sya. Iba ang turing nya akin ngayon.

"Friends?" Nakangiti nyang tanong. Hindi ko pa nalalahad ang kamay ko nang magsalita sya. "Masamang pinaghihintay ang pogi."

"Kapal mo ah." At inilahad ko ang aking kamay sa kamay nya.

"Baliw ka na?"

Nagulat naman ako nang biglang ang lapit ng mukha ni Jot sakin.

"H-ha?" Tanong ko.

Bahagya nya namang inilayo ang mukha nya sakin kaya nakahinga ako ng maluwag.

"Para ka kasing baliw na nangiti mag-isa, kala ko kung ano na nangyare." Sabi nya.

"Hahaha. May naalala lang ako na nakakatawa kaya napangiti ako." Palusot ko.

"Ano ba yon?" Pangungulit nya sakin.

"Gan---" Hindi ko na natapos abg sasabihin ko kasi biglang may nagring. Hindi naman yon yung ringtone ko panigurado ako kay Jot yun.

Nang iangat nya ang cellphone nya nakita ko ang nakasulat na labis na nagpalungkot sakin..

Alyssa Calling...

"Wait lang, Yanna. Matawag sya."

Labis naman akong nalungkot nang marealize na sumingit yung Alyssang yun samin ni Jot. Pero wala naman akong karapatang magselos dahil HINDI KAMI. (Capital na lahat para damang-dama ko)

"Yann--OKAY KA LANG?" Nagulantang ako sa sigaw ni Joy.

Nandon na pala si Jot sa CR, para makausap ng tahimik si Alyssa.

"Joy, ang ingay mo eh. Oo! Okay lang ako!" Sagot ko.

"Nakabusangot kasi ang mukha mo. Aba! Once in a blue moon ko lang makita yon!" Natatawang sabi nya.

"Ewan ko sayo!" Natatawa na din naman ako. Oo, lagi akong masaya. Kahit na 'pinaasa' ako dati ni Jot. Pinilit kong maging masaya and well, I succeeded. I have my friends with me.

"Yan--Joy, alis! Dun ka na sa JE mo! Yieee!" Pang-aasar ni Jot kay Joy.

"Ewan ko sayo!" Tuluyan nang tumayo si Joy at napailing nalang ako.

"Yanna, idlip lang ako ha?" Tumango nalamang ako bilang sagot.

Nagulat nalang ako ng isandal nya ang ulo nya sa balikat ko.

Oo, siguro sakanya wala lang to. Pero sakin, ang laking impact. Gusto kong sumigaw sa sobrang kilig kaso tanging kagat labi lang ang nagagawa ko.

Friends. Only friends.

Trip to LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon