Chapter 17: Past

22 0 0
                                    

Alyanna's Point of View.

"Yanna oh."

Napatingin nalang ako sa harap ko. Si Jot, inaalok ako ng coke.

"Salamat." Sabi ko sakanya ng nakangiti.

"Yes, Jot! 2 timer!"asar ng mga kaibigan nyang dumaan at napansin kami. Magkatabi na kasi kami ni Jot ngayon.

"Ito ka." At nagulat nalang ako ng itaas ni Jot ang middle fonger nya. Ang bad. :3

"Wag mo nalang intindihin yung mga yun." Biglang sabi nya.

I nodded as a sign na sumasang-ayon ako, alangan namang hindi diba? Pero medyo masakit din na ganun yung sinsabi nila. Parang ang napapasama ako? Diba?

"Jot, musta kayo ni Alissa?" Biglang tanong ko. naisip ko din kasi na parang ang saya ni Jot kay Alissa.

"Ha? Bakit mo naman natanong?" Halatang nagulat din sya.

"Wala lang. Masama ba?" Nagkunyaring natatawa ako to make the atmosphere around us even lighter. Baka kasi naiilang na sya deep inside kasi bigla ko nalang natanong yun.

"Hindi naman. Okay lang naman kami ni Ali, going strong." Nakangiti nyang sabi. "Ahh.."

Napatingin ako sakanya. "Ano yon?"

Ang cute nya lang tignan na kinakamot nya yung batok nya. Sa mga kaibigan nya sobrang siga nya pero di ko alam kung bakit nag-iba to ng mood pag kasama ako? Di'kaya Bipolar?

"No offense ah.." kinamot nya ulit yung batok nya. "Hindi ka ba nasasaktan?"

"Nasasaktan saan?" Tanong ko kahit alam kong dahil kay Alissa kaya nya yun natatanong.

"Wag na nga. Nevermind." Uminom ulit sya ng coke nya. "Mukhang hindi ka nanaman nasasaktan na.." bulong nya. Pero rinig na rinig ko. Di ko nalang pinansin yon. I don't know kung masasaktan pa ako. Oh, something. Basta ang alam ko May natitira parin akong feelings para sakanya.

"Kahit naman makikita mong masaya ako, na matapang ako. Nasasaktan pa din naman ako. Kasi tao ako." Bigla kong sabi. Nagulat ako sa sinabi ko, may sariling na bang buhay ang bibig ko?

Napatingin nalang sya sakin. And that time, nakatingin din ako sakanya. Halatang gulat sya. Di ko mapigilang lumuha. Ang sakit ng nangyare samin, sa past namin na ayoko nang balikan.

"I-im sorry." Sabi nya.

"Ha? Bat ka nagso-sorry?" Tanong ko.

"Kasi nasaktan kita." Maikling sagot nya.

"Jusko! Normal naman ang makasakit at masaktan, nuh? Wala na sakin yun. Past is past. Tsaka sanay na to." Turo ko sa dibdib ko, which is my heart.

"JOSHUA MIGUEL TAJAN!"

Nagulat kami sa sumigaw. Si Julia.

"Bak--ARRRAYYY!" Hindi na makapalag si Jot kasi hinila na ni Julia sa tenga si Jot.

"Napaka mo! May atraso ka pa saking ugok ka!" Nanggigaiting sabi ni Julia.

"Hindi ko na problema kung bakit nakita ko yu---ARAAY! ANO BA?" Sigaw ni Jot.

"Papaalala mo pa?! Walangya ka! Halika dito!!" Hinila na ng tuluyan ni Julia si Jot. "Yans, pahiram muna tong ugok na to ah."

Tumango nalang ako.

Nagpapasalamat na din ako kay Juls kasi, sumingit sya. Ang awkward na din ng atmosphere namin ni Jot.

Expect na unexpected, tumulo ang luha kong kanina ba nagbabadyang tumulo.

Trip to LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon