Julia's Point of View.
"JOSEPH! ANO BA?" sigaw ko sakanya. Pano? Natutulog ako tapos inipit ang ilong ko kaya hindi ako nakahinga.
"HAHAHAHA." Tawa lang sya ng tawa. Inis na inis na ko sakanya ah, Bwisit!
"Tigilan mo na ako!" Sigaw ko sabay hampas at suntok sakanya.
"Ayoko na. Ayoko na. Sakit na!" Awat nya.
Napaupo nalang ako. Tinitigan ko ang mga kaklase kong nakatingin sa gawi namin. Inirapan ko nalang sila sa sobrang inis ko.
"Sorry na."
"Sorry mo,mukha mo!! " humalupkipkip ako inirapan sya.
"Ang taray neto eh!" Maktol nya.
Di ko na lang sya pinansin at hinayaan lamang sya.
~~~~~
"HEYY FELLAS! AFTER THE LONG WAIT NANDITO NA TAYO!! GET YOUR THINGS AND WE WILL GO DOWN TO CHECK OUR CABINS." Sigaw ni ItatNakakaexcite naman. Nandito na kami sa Beach Resort nila Carl. Labas palang ang ganda na.
"Juls, tara na." Aya sakin ni Bea kaya agad naman akong tumayo. Hanggang ngayon di ko parin pinapansin yung ugok kong katabi. Nakakabwisit kaya!
"Oyy." Alam kong ako ang tinatawag nya kasi kami nalang ang natitira. Agad na din kasing bumaba si Bea kasi naeexcite talaga sya.
Humarap ako. "Ano?"
"sorry na." Nakatungong sabi nya.
"Okay." Yun lang ang nasabi ko at agad na din akobg bumaba para makita ang resort. Ang ganda talaga!
"GUYS, MERONG 5 CABIN. CABIN ONE, AT CABIN TWO AY PARA SA LALAKI AT THE REST SA BABAE NA." Sigaw ni Carl.
Sabagay. Dapat, tabi tabi ang mga girls. Baka.. you know. Hindi naman mawawala sa lalaki ang pagiging pervert.
"Sa Cabin One, Si Carl,Niel,Tobey JE, Iseo, Ken, Gio at Nino!" Sigaw ni Jho.
"At sa Cabin 2 naman ay sina Joseph,Joshua,Russel, Lyle, at JD." -Itat.
"Cabin 3, Julia, Audrey, Bea, Lhorie at Zaira." -Carl.
"Cabin 4, Yanna, Joy, Jhoanna, Chesca, Ella at Mariz." -Itat.
"Sa Cabin 5 naman, ako,si Abby, Ven." -Itat.
"Okay na. Ilagay na natin yung gamit natin sa kwarto natin tsaka na mag-gala gala."
Tulad ng sabi nila, pumunta na kaming tatlo nila Audrey at Bea sa kwarto. Ang ganda nga eh, pwede na syang condo. Charr~
"Tulog muna ako." Sabi ni Audrey.
"Gala lang kami nila Lhors." Sabi naman ni Bea.
"Ikaw, Juls?"-Auds.
"Dyan lang ako sa labas, magpapahangin tsaka matutulog na din maya-maya." Sabi ko.
"Okayy!" Nakangiting sabi nilang dalawa.
Lumabas muna ako sa cabin namin at sakto naman na paglabas ko eh, nakita ko yung malawak na terrace. Wala syang railings, sa gilid lang at pagdating sa gitna, dun ang walang railings. Kaya umupo ako don syempre nakahawak sa railings, aba! baka liparin ang ng hangin.
Pilit kong isipin lahat ng memories naming lahat. Dapat nga nakikihalubilo ako sakanila, pero di ko feel. Gusto kong mag-isa muna.
Di mawala sa isip ko yung away namin ni Joseph. Nakakainis lang! Gusto ko na syabg kalimutan pero, ARGHH! Ayaw talaga.
Kailangan ko syang kalimutan. Kaylangan ko ng distraction. Tumayo na ako ng dahan-dahan at tumalikod na nang..
"AHHH!!"
Pagtalikod ko si Joseph ang nakaharap ko, kaya napa-urong ako. Muntikan na akong, mahulog. Buti nalang nahawakan ako ni Joseph. Kaso lang.. sa bewang nya ko nahawakan tapos ako sa magkabilang balikat nya. So parang.. you know.. magkayakap kami.
"Okay ka lang?" Hindi ako nakasagot. Nanghihina ang tuhod ko. Kinikilig ako na.. EWAN!
"Julia?" Tanong nya.
"Ha?"
"Okay ka lang?"
"Ah, Oo." Naghiwalay na kami tapos tumungo ako para pigilan yung ngiti ko.
"Sorry nagulat kita."
Dun ako napatingin.
"Okay lang. Nasambot mo naman ako."
Buti nalang nasambot mo ko physically. Pero yung puso ko, hindi mo sinambot nung nahulog sayo.
"Sorry din kanina." Nakatungo nyang sabi.
"JOSEPH,JULIA! BRUNCH NA TAYOP TARA SA PAVILION!" sigaw ni Niel.
"Oh, tara na. Tawag na tayo." Aya ko sakanya.
Pero hinawakan nya lang ako sa wrist ko. "Wala ka bang sagot?"
"May tinanong ka ba?" Tanong ko.
"pero nag-sorry ako kanina. Wala kang sagot don?"
Napa buntong-hininga nalang ako, kanina inis na inis ako sa presenya nitong lalaki to. Ngayon naman, AYJUSKO! wala eh, mahal mo.
"OKAY NA, Apology Accepted. Tara na nga! Gutom nako."
At sabay kaming pumunta sa pavilion nang nakaakbay sya saakin.
~~~~~~~
@Daavss Note:
Hey?! Kamusta naman tayo? HAHAHA. Hope you like this Update :* . Next, update! AudSel naaaaa!!! =)
BINABASA MO ANG
Trip to LOVE
RandomA section where everyone is in love. And they were Destined to know each other's feelings. They are going to have a Trip... To LOVE.