Beatriz's POV
"Bea!" Nagising ako sa pamilyar na boses. "Buti gising ka na."
"Bakit?" Tanong ko.
"Kasi nandyan na yung bus na pinadala nung Papa ni Itat. Lilipat na tayo dun, tindi ng sira nung makina nito." Sabi nya.
Wala naman akong nagawa kaya tumayo na lang ako. Tina-try kong kunin yung bag ko, pero di ko abot.
"Ako na."
Sa isang iglap, nasa akin na yung bag ko. Di ko alam kung kikiligin ako o ano. Aba! Ikaw kaya, magkaroon ka ng kaibigan na cool, gwapo at gentleman. Ano?
"Salamat." Tanging sagot ko.
Sinuot ko na ang backpack ko at yung isa ko pang hand bag. Andami kong dala. Sa kanan ko, yung handbag. Sa kaliwa naman, tablet ko.
"Akin na yan Bea, hirap ka na eh."
Kinuha ni JD yung handbag kong ubod ng laki. SHOCKS lang ah. Ano bang nakain nitong umagahan at napaka gentleman nito? As far as I know, kabilang sya sa BAD BOYS ng room.
"Ah, salamat JD. Kaso parang nakakahiya na." Sabi ko.
"Wala yon, Bea." Nakangiti nyang sagot.
AMPOGI! Ayy. Juskoo! Thank you for this day.
Bumaba na kami sa sinakyan na bus at pumunta sa panibagong bus.
"Bea, dahan dahan. Oh, mauna ka na. Aalalayan kita."
Napatitig nalang ako sakanya. Nakakapanibago talaga. Ano bang nakain nya?
"HOY ANO BEA, JD?! TUTUNGANGA O PAPASOK?" Sigaw ni Itat.
"Sorry." Ako/JD
Pumasok na kami sa loob. Kami nalang pala ang naiiwan. Pero ang talagang nakakuha ng atensyon ko ay si Carl na pinapagpag ang upuan ni Chesca at ito namang si Chesca, piling na piling na para syang prinsesa.
"Bea?!" Nagising ako sa realidad ng sumigaw lahat ng kaklase ko, except kay Carl at Chess.
Agad naman akong pumunta sa upuan namin ni JD at hinarap ang bintana. Sa hindi inaasahang pagkakataon, tumulo ang luha ko. Kanina, masaya ako kasi napaka gentle ni JD pero ngayon ARGHH!!
Habang nagmomoment ako, bigla nalang may humila sakin paharap at niyakap ako. Tuluyan nakong nagulat nang marealize kong si JD yon.
"J-JD.."
"Shh. Nakita ko yon. Iiyak mo lang yan. Sabi ko naman sayo, tawagin mo lang ako pag may problema ka. Pasaway ka talaga."
Lalo naman akong napaiyak aa sinabi nya.
"Iiyak mo lang yan." -Jd.
JD's POV
Pagkatapos umiyak no Bea ay agad din syang nakatulog sa balikat ko.
Sinandal ko muna ang ulo ni Bea sa bintana dahil aayusin ko pa yung gamit ko.
"Tulog si Bata?" Napaangat ang tingin ko sa nagsalita. Di ko alam kung bakit biglang kumulo ang dugo ng makita sya. Sya lang naman ang dahilan kung bat naiyak si Bea kanina.
"Sa nakikita natin pareho, mukhang hindi." Sarkastiko ngunit cool kong sabi.
"Okayy." Sa tingin nya pa din ay nagloloko ako. "I came by to check her."
Napatingin naman ako sakanya. "Because she's one of my bestfriends."
"Did you love her?" I asked out of thr blue.
"I did." Tumungo sya at tumingin sa harap. "Sige, alis nako. Malapit na ata tayong umarangkada."
Tinapik nya ang balikat ko at tumango lang ako.
He broke Bea's heart. I told myself. Wait, what am I thingking? Iniling ko na lamang ang ulo ko at bumulong.
"I've never been inlove. Teach me how to, Bea." Bulong ko sa natutulog na Bea.

BINABASA MO ANG
Trip to LOVE
RandomA section where everyone is in love. And they were Destined to know each other's feelings. They are going to have a Trip... To LOVE.