Chapter 9: Comforter.

36 0 0
                                    

Another Update. :*

Chesca's POV

"Time may pass us by, but you're still stuck on my mind. And that moment I we stared that night,I thought it was right. But maybe I was wrong all along.

I stand unto something that never really matters, stuck on that starting line. I'm still silently,quietly, hoping you'll end up with me."

Hayys. Ang ganda talaga ng kanta ni Darren Espanto. Nakakarelax at the same time, natatamaan ka sa bawat words na nababanggit.

Naramdaman ko nalang na may tumutusok sa balikat ko. Nang tignan ko, si Carl pala na kanina pa ko tinatawag. Kaya tinanggal ko yung earphones ko para marinig sya.

"Bakit?" Tanong ko.

"Wala nang tao sa Changing Room. Diba sabi mo pag wala nang tao, sabihin ko sayo." Paliwanag nya. Yes, nasa mood siguro si Carl kaya ang bait nya.

"Ah, sige. Salamat!" Kinuha ko ang damit ko at pumunta sa Changing Room.

Nagpalit ako nang jegings and t-shirt na mahaba. Nag-ayos ako ng mukha, which is naghilamos at nagpolbo. (Baka pilosopohin nyo ko eh. Wag ganun.) at nagsuklay.

Lumabas ako ng Changing Room nang..

"Chesca."

Yes, si Tobey ang nakasabay kong lumabas. Sya galing sa CR ako, syempre sa Changing Room.
(REMEMBER: Magkatabi ang Changing Room at Comfort Room)
"Tobey, ikaw pala."

Sheez. Nangangatog yung tuhod ko. Masaya ako at the same time nasasaktan din.

"Nagpalit ka?" Tanong nya.

Tanga lang? Gusto kong sabihin 'Alangan. Ano bang ginagawa mo pag nasa Changing Room ka, edi magbihis. Alangan namang, tumae.' Pero syempre, hanggang isip lang yan. Baka magalit pa sakin. Kay Jho lang ako pilosopo.

"Ah, Oo." Tangi kong sagot. Sinarado ko na yung pinto nung Room at hinarap sya. "Sige, tulog nako. Goodnight!" Naglakad na ako nang..

"Chess.." Napatigil ako. Ayokong tumulo ang luha ko, ibig sabihin lang non, talo ako. Remeber, I'm a great pretender.

Humarap ako. "Bakit, may kailangan ka?" Wala na din namang masyadong gising. Napansin ko si Julia at Joseph na natutulog. Ang sweet nga eh.

"Wag mong isipin na pinaaasa kita ah. Minahal kita, hindi lang talaga nag-work yung non-label thing natin." -sya.

"Juskoo. Past na natin yon, Tobey. Past is Past. Let's just forget about it. Wala na din naman tayong magagawa, nangyari na ang nangyari." Nakangiti kong sabi, syempre Fake.

"Tama ka nga. Nakikita ko namang naka-move on ka na. And ako den, naka-move on na. I'm glad na hindi tayo nasasaktan sa mga nangyayari. We're destined to be... friends."

Konti nalang talaga, tutulo na luha ko. Ganun nalang ba yon? Akala nya, hindi ako nasasaktan sa mga nakikita ko na laging magkasama si Tobey at Jho. Sobra sobra, piling ko nga tinutusok ang puso ko, pag nakikita sila. Hindi lang pala si Jho ang manhid,pati sya.

"Yeah." Tanging sagot ko.

"Sige, tulog na tayo. Good night!" Niyakap nya ako at nagpatuloy na sa paglalakad samantalang ako, nakatayo at tumutulo ang luha. Hindi ako ganito nung hindi ko pa nakikilala si Tobey.

Pinunasan ko na ang mga luha ko at pumunta na sa upuan namin ni Carl.

"Oy, Chess, tagal mo."-Carl.

"Hahahaha. Sorry na!" Pag si Carl talaga, bigla nalang ako napapangiti.

"Umupo ka na, bilis." Tinapik tapik nya pa yung upuan ko. Ako naman tong sumunod. "Ito bag.." at bigla nyang nilapag ang bag nyang parang unan sa sobrang lambot. "Pasandal ah. Di ako makatulog pag hindi sumasandal."

"Eh, ako? Pano ako?" Tinuro turo ko pa ang sarili ko para effort.

"Sandal ka sa bintana. Wag kang mag-alala, di ako malikot." Kumindat pa sya sakin at tuluyan nang sumandal sa lap kong may bag.

Habang tinitignan ko sya, napaisip Ako..

"Carl.."

"Oh?"

"Kanta tayo."

"Sige, anong kanta?"

"Wait lang, isip lang ako."

"Alam ko na." sabi nya.

"Ano?"

"Twinkle Twinkle Little Star--ARAY!"

"HAHAHAHAHA!" Napatawa ako nang hindi kalakasan dahil sa reaksyon ni Carl, pano sinapok ko sya sa noo. Pula eh, Haha.

"Deh, Seryoso." Sabi ko.

"Ano ba kase?" Tanong nya.

"Secret Love Song."

"Sige. 1.. 2.. 3.."

"Why can't you hold me in the street, why cannot kiss you on the dancefloor.

I wish that we can be like that, Why can't we be like that. Cause, I'm yours."

"Ang senti masyado." Komento nya.

"Eh, ano?"

"One call away. I'll be there to save the day, superman got nothing on me..

Cause I'm only One Call Away."

"Yes, galing ah." Komento ko.

"Pero seryoso, kapag may problema ka, nandito lang ako." Sabi nya sabay kindat at ngiti.

Kinurot ko naman ang ilong nya ng di naman masyadong masakit. "Tulog na nga tayo."
Tumawa kami parehas at nagpahinga na. Ako, nakaupo. At si Carl nakahiga sa lap kong may bag at nakaearphones.

Salamat Carl. Bulong ko sakanya habang nakatingin sa kanya na nakapikit ang mata.

Trip to LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon