Chapter 19: Confuse

13 0 0
                                        

Alyanna.

Nagising ako ng sobrang sakit ng ulo ko. Nakita ko  nalang ang sarili ko na nakahiga sa isang kama. Teka! Hindi ko to room. Nasan ako? Nakaninong cabin ako?

"Gising ka na pala." Napatingin ako sa nagsalita. Nanlaki mata ko. Si Jot? Teka, bat sya nandito? WAIT. IBIG SABIHIN NASA ROOM NYA AKO?

"Aalis na ko." Inayos ko  sarili ko at nagmamadaling pumunta sa pinto.

"Wait.." Harang nya sakin. Kaya napadikit ako sakanya. "Let me talk to you first."

Naguluhan ako. Ano namang paguusapan namin?! "Talk saan?"

"Are you sick? Bat ka nahimatay?" Alalang tanong nya.

Ganun lang siguro talaga ako, may nervous breakdown ako. Everytime I'm nervous, nahihimatay ako.

"Wala. Hindi, natural na sakin." Tanging nasagot ko. "Sorrt for the disturbance. I'm going."

"Wait lang.." Sabi nya. "About Alyssa--"

"Anong meron ba? I remembered before I fell, you said sorry. Para saan ba?" At ayan, I spoke it.

Bumuntong hininga sya. "Its about Alyssa. I don't know why she's here but I saw you're not comfortable when she's around."

Napapansin nya. Nagulat ako syempre pero di ko pinahalata. "Why do you say so?"

"You're not speaking. But when she's not here, you speak alot." Sabi nya at maya mya ay umangat ang gilid ng labi nya. "Are you jealous or something?"

HALA? Jealous? Saan? Kahit gusto ko sya, wala akong karapatan na magselos sakanila ni Alyssa. Of course, its obvious na naiinggit ao but gusto  ko lang sya, at sila ni Alyssa ay attached. So, talo ako.

"Jealous? Of what?" Tanong ko at nag-angat ng kilay. "Bakit ba sya nandito? Kala ko ba bonding tayong magkakaklase?"

"I really don't know. But before we left, we quarreled about some issues." Sagot nya. "But don't worry, aalis din yun. I'll talk to her."

Napakunot ang noo ko. "Why are you so hard on her? She's your girlfriend." Bulyaw ko.

"Yeah yeah. Fine." Walang ganang sagot nya. "So, now. You're okay?"

Napatango ako. "Yep, thanks for your concern. I really appreciate it tho."

Ngumiti sya. "Pleasure to serve you Ms. Beauty and Brains."

Inirapan ko sya at hinawa sya sa daan.

"Ang lakas mo ah!" Asar nya.

"Pano't patpatin ka." Asar ko sakanya pabalik.

"Nope, sadyang mataba ka lang." Asar nya ulit. I'm sure namula ako don.

Hinampas ko sya sa likod ng sobrang lakas. Halos yung tumunog talaga, nagulat sya miski naman ako.

"Hala huyy! Sorry Jot!" Pagaalala ko sakanya.

Iniinda nya yung sakit kaya di nya ako pinansin.

"Huy Jot. Ikaw naman kasi nang-aasar ka pa. Sorry na!!" Sabi ko.

"Ang sakit eh, shet!" Bulyaw nya kaya naguilty ako. Ganon yata talaga kasakit. "Pati pagpalo, ang lakas. Ang laki mo talaga!" Asar nya. At nakangisi pa.

Pinalo ko ulit sya at nilayasan na yung cabin nila. Ang kapal ng mukha! Di kaya ako mataba. Okay sobrang babaw ko. Pero pikon ako. Hays!

"HUY! ALYANNA!" sigaw nya. Hindi ko sya pinansin at nagpatuloy lang. Wala akong pake sakanya. "Ang pikunin mo talaga." At mas lalo akong nairita sa sinabi nya. Nakakainis na ah. Sobra.

"Sorry na oh." Humarang sya sa harap ko kaya napatigil ako. May hawak hawak syang ice cream. "Habang nahimatay ka, bumili sila Julia at Lhorie ng ice cream kaya ayun, dinala ko na yung iyo sa ref para makain mo paggising mo." Paliwanag nya.

Napatingin ako dun sa ice cream at sakanya. Inirapan ko sya at kinuha yung ice cream.

"Basta pagkain talaga.." Bulong nya.

"ANO?" Bulyaw ko sakanya.

"Wala." Nakangiting sabi nya. Inirapan ko nalang sya. "Okay na tayo ah?"

Napatingin ako sakanya at gulat. "Ha? Sinong may sabi?"

"Ako, kakasabi ko nga lang eh." Sagot nya. Napakunot ang noo ko at inirapan sya. Kahit gusto ko to, naiinis din ako.

"Saan ka pupunta?" Tanong nya.

"Sa cabin." Sagot ko.

"Okay ka na ba talaga?"

"Oo, salamat." Sabi ko ng di sya tinitignan.

Nakarating ako sa cabin namin at hinarap sya. "Salamat Jot. Sorry sa pabigat ako."

Pero parang mali ata yung word na pabigat kasi aasarin nanaman ako nun.

"Wala yun, basta ikaw." Nakangiti nyang sabi. Wow ha? Di nya ako inasar. "Pumasok ka na at magpahinga."

"Sige. Ikaw din."

Tumango sya at ngumiti. Tumango na din ako at binuksan ang pinto, isasarado ko na sana nag pinigilan nya. Shocks! Muntik ko nang maipit.

"Maghintay ka lang Yanna, aamin din ako sayo." Misteryosong sabi nya sabay takbo. Iniwan akong tulala. So ano yon?

Maghihintay? Aamin? Anong aaminin nya?

"Ayokong magexpect pero, ano yun?" Bulong ko sa sarili ko.

"Hala?! YANNA, BALIW KA NA?" Gulat sakin ni Chesca. Muntikan na kong mauntog sa pintuan dahil sa kagagahan ni Chesca.

"Manggugulat ka ba talaga?!" Tanong ko.

"AY! Sorry na. Nakita kasi kitang kainkausap yung pinto kaya naisip kong baliw ka na." Nakangiti nyang sabi tas nakapeace sign. "Pupunta akong pavilion, kakain kami. Sama ka?"

"Hindi na muna. Papahinga ako." Sagot ko.

"Sige, dadalhan nalang kitang foods." Umalis na sya.

Pagkahiga na pagkahiga di ko mapigilan na isipin yung kanina. Sobrang gulo. Talaga. Aah.

Trip to LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon