Chapter 15: Hidden.

24 1 0
                                        

Jhoanna's Point of View.

"Good Morning Guys!!" Bati ko sakanila. Pag-akyat ko kasi ng Pavilion, nandun na sila eh. Btw, Wednesday ngayon. Wala lang, share lang.

"Good Morning." Nakangiting bati nila.

Hinanap naman ng mga mata ko ang lalaking gusto kong hanapin. Grabe lang, may sariling buhay ang mata ko. Pero nadismaya ako ng hindi ko sya makita.

"Hinahanap mo ko?"

Pagkatingin ko sa likod ang lalaking gusto ko ngang makita ang nakita ko. Tapos, ang lapit pa ng mukha.

"A-ah. H-hindi ah." Hala,Jho? Bat ka nagsta-stammer?!

"Ah, nakita kasi kita na palinga linga kaya akala ko--UY, JHO? OKAY KA LANG?!"

"A-ah, T-tobey. W-washroom lang ako." Paalam ko tsaka tumakbo papunta sa banyo.

Nakakahiya yung kinilos ko!! Napansin nya na naging kabado ako pag nakikita sya. ShockS?! Naiilang ba ako? Eh, kung naiilang ako, bat ako naiilang? Gusto ko din ba sya? AHHH!! HELP MEE!!

"Uyy, Jho. Okay ka lang?"

Nagulantang naman ako pero okay lang si Chesca lang naman yung pumasok at kinakatok ang pintuan ng cubicle ko.

"Oo, Chess. Okay lang ako, wait. Lalabas na din ako."

Nag-ayos muna ako bago lumabas ng cubicle ko.

"Hayy nako Jho. Akala ko kung ano na nangyare!" -Ches.

"Wala namang nangyare. Bigla lang akong naihi nung nakausap ko si Tobey." -sagot ko.

"Naihe?!" Gulat na tanong nya.

"No, I mean naiihi. Ganun?!" Sagot ko.

"Ah! Tara na. Nandyan na yung pinadeliver nila Julia. Kain na tayo ng breakfast!" Aya ni Ches.

Pumunta na kami sa Pavilion at kumain ng kumain. Ang sasarap ng pinadeliver nila Ate Julia.

"Jho, oh. Juice!" Pagka-angat ko ng ulo ko. Nakita ko si Tobey na may dalang juice na binibigay Sakin.

"Ah, o-okay lang. W-wag na!" Wag kang mailang,!

"Kuhanin mo na. Tutal, wala ka na ding magagawa."

Wala na din ako nagawa kaya kinuha ko yung juice. At hindi lang don natatapos yon. Kumuha ng silya si Tobey at tumabi pa sya sakin. Mas lalo tuloy akong nailang. Pero at the same time, kinikilig at masaya na katabi ko sya. Oh, no? Does it mean na..

Erase.. erase.. hindi mo priority ang mga ganitong bagay Jhoanna. Pero ang saya lang sa feeling na umamin sya sakin na gusto nya ako. Nung mga oras na yun gusto ko ding sabihin na, gusto din kita. Di ko alam kung bakit.

"About kahapon, Jho.." pasimula ni Tobs.

"Umm, wait lang guys. Kuha lang akong water ko." Pag-excuse ni Chesca. Di ko alam kung ambon lang yon o something may tumulo kasi na tubig sa braso ko nung tumayo sya. Baka laway nya lang? Nukaya yun?

"Anong about kahapon?" Tanong ko. Naiilang na talaga kong sumubo, nakitingin kasi sya.

"Gusto ko lang malaman mo na, tuloy parin yung plano kong ligawan ka. Pero ayoking pilitin ka, Jho. Gusto ko paring makakuha ng sagot sayo." -Tobey.

Bat ganun? Nung mga sinabi nya yung mga salitang yun, parang biglang sumaya ang puso ko. Liligawan ka nya, Jhoanna!!

"A-ahh.."

"So, anong sagot mo?"

"Umm..."

Hindi ako makasagot. Kung oo, edi parang mawawala ako sa wisho ko. Aba! Sayang ang grade, pagnagkataon. Pero kung hindi, sayang naman. Aaminin ko na sa sarili ko na gusto ko. Hays, ang hirap naman!, Baekhyun, help meee!!

"Jho.."

Bumuntong hininga muna ako bago sumagot. "Tobey, hintayin mo ko. Hindi ko kayang sumagot agad. Pero wag kang pakampante. You should gain my trust first. Make me see that you are worthy. Worthy na sagutin ko as my suitor." Hindi ko alam kung saan ko nakuha yan, pero proud ako sa sarili ko sa mga sinabi ko.

"Yes! Salamat, Jhoanna. I'll make you see that I'm worthy. I promise you that. I will wait for you!" Nakangiti nyang sagot.

Hindi ko na ipagkakailang, may hidden feelings ako para sakanya. Alam kong hindi ako magsisisi sa bandang huli. Atleast, makikita ko kung seryoso sya o hindi. Nice One, Jho!

Hidden Feeling which means I like him too.

~~~~~~×

Heyyy!! *kaway-kaway* kamusta? Next po, SPCL CHPTR naaaa! Nae-excite ako eh. HAHAHA. Bestfriends kasi sila...

Wohoooooo!! Wanna know who they are?







#LhorNielSpclChptr
(Secret Admire)

@DAAVSS

Trip to LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon