Chapter 20: Closure. (VenYle)

25 1 5
                                        

Lyle

Nandito kami ngayon sa pavilion kasamaang tropa ko pati yung tropa nila Julia at tropa nila Ven at Chesca.

Habang kumakain ako, pinagmamasdan ko lang si Ven. Kaumakain din sya, di ako nagsasawa sakanya pero pag iniisip ko kung pano sya makitungo sakin ay di ko maisip na gusto ko nang itigil.

"Guys! Swimming na tayo!" Aya ni Julia.

Nandito nga naman kami para nagsaya, hindi para magdrama. Tsaka ko nalang kakausapin si Ven pag kami nalang dalawa.

Nagsitanguan kami at nagbihisan, magsiswimming din si Ven. Pero ni sulyap o tingin wala akong nakuha sakanya. Palagi nalang ako ang nageeffort.

Nanonood lang ako habang ang aking paa ay nakababa sa tubig. Nang marinig ko na nagbabangayan sila Joseph at Julia.

"Lulunurin talaga kita, tigilan mo ko!" Bulyaw ni Julia. Nahihirapan huminga kasi di nya na kaya yung tubig. "Akin na kasi yan Joseph!" Sabi nya.

"Parang panali lang eh. Peram muna!" Sigaw din naman ni Seph.

"Ayoko nga kasi!" Naiinis na sabi na ni Juli.

"Ito na nga. Kawawa ka, di mo na abot yung tubig." Lumapit si Seph kay Juli at binigay yung panali.

"AYIEEEEEE!" sigaw ko.

Tumingin sakin si Juli, si Seph napangisi lang.

"NAAAY! EPAAAAL!" Sigaw sakin ni Juli.

Medyo na offend ako pero okay lang. Dinaan ko nalang sa biro yung offend ko. "Giiii! Ganyan ka naman. Gii lang!" Pagkukunwari kong pagtatampo.

"Huy Joke lang!" Natatawang sabi ni Juli. "Huy Lyle, joke lang yon!"

"Deeh wala!" Tumayo ako at naglakad paalis. Naririnig ko na inaasar si Juli sa sinabi nya. Hindi ko na natignan si Ven kasi alam kong wala naman syang pake.

Nakarating ako sa isang pool na tago at walang katao tao. Duon ko binasa ang sarili ko.

Lumunod ako ng saglit at pagkakita ko nandun na si Julia, nagkunwaring nagtatampi ako kaya umalis na  ko sa pool at naglakad ulit dun sa pool namin.

"Lyle!" Sigaw ni Juli. Alam kong natakbo sya kaya napatakbo na din ako. Buti pa si Juli ganito sya, yung parang sa relasyon, pinapakita ni Julia na hindi lang dapat lalaki ang nageeffort pati dapat babaae.

"Lyle kasi tigil na!" Iritadong sigaw ni Julia. "Sorry  na-- AWWW!"

Napatingin ako kay Julia, at nakitang dumudugo yung tuhod nya.

"Okay ka lang?" Tanong ko sakanya.

Tumingin sya sakin. "Ikaw kasi, ang pabebe eh. Hinahabol na, tumatakbo pa."

Natawa ako. "Sino bang may sabi na habulin mo ko?"

Nagtaas sya ng kilay. "Ayoko kasi nang nagagalit ka sakin."

Sana. Sana ganitong babae nalang ang minahal ko..

Di ko namalayan na natulala na ko kay Julia.

"HUY!" Sigaw nya.

"Oo na sige. Halika na sa baba. Okay ka lang ba?" Tanong ko hindi ko na pinapansin ang iniisip ko.

"Yep. Okay na tayo ah?" Nakangiti nyang tanong.

"Oo na."

"Deh, napipilitan ka."

"Oo na nga eh!"

"Napipilitan ka lang."

Ngumiti ako. "Bati na tayo."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 11, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Trip to LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon