Chapter 16: (Secret Admire)

52 0 1
                                    

Lhorie's Point of View.

Nandito kami ngayon ng buong tropa sa terrace kung saan malapit sa cabin nila Juls.

"Oyy. Audrey, Bea. Samahan nyo ko sa Souvenir Shop bibilhan ko sila Kuya at Tatz ng pasalubong." Aya ni Julia.

"Oy. Sama din ako!" Singit ni Zai.
"Oh, Tara! Ikaw, Lhors?" Tanong ni Bea.

"Hindi na muna. Sarap ng hangin dito! Tsaka, nakabili na din ako ng nga pasalubong kahapon. Hintayin ko nalang kayo dito." Sagot ko.

"Osige. Kayong tatlong pugo, sasama?" Tanong naman ni Juls sa tatlong lalaki.

"Di na." Sagot nila.

"Okayy. Alis na kami!" -audrey.

Naiwan kami dito sa terrace at damang dama ko ang hangin. Ang sarap nga ng ihip eh tsaka ganda ng view.

"Oy. Ihi lang kami ni Carl. Dito muna kayo, Niel, Lhorie. Babalik din kami." Paalam ni Tobs.

Tumingin naman ako sa likod at nakitang nakaupo din si Niel na nagrerelax.

"Himala! Di ka kasama dun sa dalawa." Kantyaw ko sakanya.

"Nakakatamad. Sarap ng ihip ng hangin dito eh." Sagot nya.

Parehas pala kami ng naiisip, kaya hindi kami sumama.

"Eh? Anong lasa?" Tanong ko. Para lang pagaanin yung atmosphere namin. Para walang awkwardness. Minsan kasi, inaasar kami nila Zaira. Bakit? Simple lang. Kasi, I fell inlove with my bestfriend.

"O, lasang gatas." Tumawa nalang kami kasi iba yung naiisip namin na meaning na sinabi ni Niel. Napaka libog, talaga!

Tumingin nalang ulit ako sa harap. Bale, nasa likod ko si Niel. Ipikit ko ang mata ko at nagrelax.

"Oyy, Lhorie."

Bahagyang iminulat ko ang mata ko at tumingin kay Niel. "Why?"

"Selfie tayo." Tapos nilabas nya yung tablet nya.

Totoo ba to? Feeling ko, sasabog ang puso ko sa saya. Yung gusto ko niyaya akong makipagselfie kasama sya! Miracle!!

"Okayy!!"

"Tumayo ka dyan!"

"Ha? Kelangan?"

"Oo, hindi ka hagip!"

No choice naman ako kaya tumayo na ko. Hinila nya din ako pero dahan dahan lang. Kinilig nga ako eh. HAHA.

"Maliit lang Camera ko. Kaya dapat magkalapit tayo."

Nagulat nalang ako nang higitin nya ako. Magkayakap na nga kami eh. Pero hawak hawak nya parin yung tab. Lord, help me. Kinikilig ako!!

"1..

2..

3..

Smile."

"Ayan! Ang ganda mo, bestfriend."

Humaba naman ang hair ko hanggang Venus. Grabe ha! Best day ko to. Pramis!. Kaya lang, ang sakit! Bestfriend lang naman ako para sakanya.

"OYY! Mga bestfriends!" napatingin kami sa gilid nang makita sila Julia at Tobey na papunta na sa direksyon namin.

"Oy. Julia! Halika, Selfie tayo!" Yaya ni Niel.

"Si Julia lang?" Tanong ni Audrey.

"Oo, mamaya. Tayong lahat. Tara Juls!" Hinawakan naman ni Niel yung wrist ni Julia.

"Teka lang, Dane! Di ako prepared. Hahaha!" -Julia.

"Arte mo talaga!"

And with that nagselfie sila na parang magjowa. Nakakaselos nga eh. Napapansin ko din na l
aging magkasama si Julia at Niel. Biglang kumirot at parang tinusok ng bonggang bongga ang puso ko.

Kaya lang pala ako niyaya ni Niel kasi bestfriend nya ako. Wala nang iba pang rason. Yun lang, Bestfriends.

"Tara! Lahat tayo!" Sigaw ni Niel.
Nagsipwestuhan kami at sa minamalas nga naman. Nasa tabi ako ni Julia. Napaakbay sya sakin at sa kabila naman nya si Niel at nagselfie nga kaming lahat.

Madaming nagsasabi na bagay sila. Oo, isa nako don. Pero hindi ba pwedeng more than bestfriends nalang ang tingin sakin ni Niel? Sabi din sakin ni Julia, bagay kami. Hanggang ngayon, pinanghahawakan ko yon.

"Ang ganda mo dito, Julia." Kantyaw ni Niel kay Juls.

"Wag kang mag-alala, Dane. Pogi ka den." Nagsitawanan naman sila sa sinabi nila Julia at Niel sa isa't isa.

"Alam nyo, bagay kayo."-Audrey

"Oo nga, konti nalang mapagkakamalan na kayong magjowa."-Tobey.

"Bagay naman talaga sila."-Zaira.
"Sila lang namam ang may ayaw.." -Carl.

Sige lang, Guys. Kunyare, hindi ako nasasaktan. Sige lang, best actress na ko nito.

"Loyal!" Sabi ni Julia sabay hampas sa dibdib nya.

"Sino si Joseph, si David o si Mark?" -tanong ni Zaira.

"Kay Chanyeol." Sagot ni Julia.

Nagsitawanan nalang sila sa sinabi ni Julia samantalang ako nakangiti lang.

"Lhorie, I feel you." Nagulat nalang ako nang may magsalita sa gilid ko.

"Ikaw pala, Bea."

"Masakit diba? Ganyan talaga yan. Bagay man sila? Atleast hindi nila gusto ang isa't isa."

"Ayoko naman kasing maging desperada sa tingin ng iba, Bea. Hindi ako ganon. Okay lang sakin na hanggang tingin lang ako, na hanggang bestfriends lang, hanggang pagpapanggap lang. Sanay na din naman ako masakatan, sa iisang dahilan at yun ay si Dhaniel Erasga."

"Basta, LhorNiel parin ako. Kahit anong mangyare, Im always here beside you, Lhors. You can cry on me. Lahat naman ng luha mo, mapapalitan yan ng ngiti. Sinisigurado ko yan. Labyu, Lhors.-Bea.

"Salamat Bea. Labyuu too."

AND I realize, na hanggang bestfriend lang ako.

~~~~~×

Heyyy.

NEXT, AlshuaPast.

Trip to LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon