Chapter 3: My treat (JhoBey and ChesCarl's Spcl Chptr)

39 1 0
                                    

Tobey's POV

"Tara, baba na tayo." Aya ni Dhaniel sakin.

Tumango nalang ako. Nang makatayo ako, nakita ko si Julia. Inaya ko sya at sumama naman sya.

Pagpasok namin sa Convenient Store, napansin ko agad sya. Ang pinakamagandang babae para sakin.

"Guys, puntahan ko lang sya." Paalam ko.

"Galawang Breezy." Asar ni Carl sakin.

Di ko nalang sya pinansin at pumunta na sa direksyon nya.

"Hi Jho!" Bati ko sakanya ng nakangiti.

"Hi Tobs. May nabili ka na?" Tanong nya.

"wala pa. Ikaw, anong hinahap mo?"

"Ewan ko. Ang dami na kasing pinadala sakin ni Mommy. Halos buong bahay na nga dala ko, kaya di ko alam kung anong bibilhin ko." Paliwanag nya.

"Ako nalang pipili para sayo." Nakangiti kong sabi.

"Naku Tobey, wag na. May pera naman ako."

Di ko sya pinansin. Pumunta nalang ako sa chocolate section at kinuha ang pinakamalaking box ng toblerone. Favorite nya kasi yon.

"Oyyy, Tobey! Wag na!"

"Don't worry. My treat!" Sabi ko sakanya. Wala na syang nagawa kundi ang ngumiti. Ang ganda nya talaga.

Nang mabayaran na namin sa cashier yung nabili ko. Bumalik na kami sa bus.

"Oy, Tobey. Thanks ah. Panigurado ito ang pinaka una kong mauubos sa lahat ng baon ko." nakangiti nyang sabi.

"Wala yon, basta para sayo."

"GALAWANG BREEZY!" pang-aasar ng bobita kong kaibigan na si Julia. Nasayaw sayaw pa sya.

"Shut up. Ikaw, nagpalate ka talaga para makatabi si Joseph" balil asar ko kay Julia.

"Neknek mo." Yan lang naman nasabi ni Julia. talagang gustong gusto ni Julia ang makatabi si Seph.

"NANDITO NA BA ANG LAHAT?" tanong ni Kuya Joe, yung driver ng bus.

Tsineck muna ni Itat yung mga tao at nung malaman nya, nagsalita na sya.

"Si Carl at Chesca po. Hintayin nalang po natin."

Di ko nalang yon pinansin pero hindi yon nakalagpas kay Jho. "Masakit ba, Tobs?"

Ang akala parin kasi nya si Chesca parin ang gusto ko. Well, oo dati. Pero ngayon, si Jho nalang.

"Hinde. Ikaw, masarap bang maging manhid?" Balik tanong ko sakanya. Hindi ako galit, sadyang manhid lang sya.

~~~~~~~

While at the Store....

Chesca's POV

Nakatingin lang ako kay Tobey at sa bff kong si Jho. Ang sweet nila, Dati si Tobey ang ganyan sakin ngayon sa Bff ko na.

"Chesca, masakit ba?" Nagulat ako sa nagtanong. So Carl pala.

"Ha? Hindi ah!" Pagsisinungaling ko. Yes, I'm a great pretender.

"Bat ka nakatulala sakanila?"

"Happy lang ako para kay Jho. Kaso manhid sya eh." Sagot ko. Well, that's partly true, kahit gumagawa na ng move si Tobey, hindi parin alam ni Jho na crush sya ni Tobey. Or let me change the word 'crush' to 'like'.

"Alika Ches." Basta nalang akong hinila ni Carl sa beverages. Kumuha sya ng Choco Chug, which is my favorite. Take note, kinuha nya yung malaking pack. Yung hindi na sa bote, taps kumuha sya ng plastic cup. Pumunta na kami sa cashier.

"Carl, para kanino yung Choco Chug na yan?" Tanong ko. Hindi ako makabili nan, kasi magiging hyper ako. At ayoko din, ewan ko. Gusto ko ililibre ako ni Tobey. Oy, joke lang. Hindi ako pinabaunan ni Mommy, kase hindi sya nakabili.

"Sa tingin mo, favorite ko ang Choco Chug? Di ba hinde? Edi para sayo." Ayan nanaman ang 'The ever Devilish Carl'

"Ito pera o--"

"Don't worry. My treat."
Bumalik na kami sa bus at nagulat nalang kami nang lahat sila ay nakatingin samin ni Carl.

"YIIEEEEEE!" Sigaw ni Jot.

Hala? Nagsitawanan yung mga kaklase ko. Nakitawa nalang din ako nang makitang natatawa din si Carl.

"CheesCarl!" Asar ni Lhorie.

"He!" Asar ko kay Lhors.

"Okay na po, Kuya Joe. Nandito na ang lovebirds. Tara na po!" Sigaw ni Itat.

Napairap nalang ako sa term na 'lovebirds'

Darating din yung time na makakalimutan ko si Tobey. Pero sana, kay Carl nalang ako.

Trip to LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon