Chapter 8

294 5 2
                                    

"Good morning!" 

Masayang bati ko kay Kuya Sherwin, ngumiti siya at hinalikan ako sa pisngi. 

"Mukhang maganda ang gising natin ah?"

Napatawa na lang ako habang umuupo sa upuan, nakahanda na ang paborito kong hotdog at tocino at sinangag na kanin. I miss my father. Paborito niya 'to e. Siya nga rin nagluluto para sa akin noon.

"Princess, I'm worried. Hindi natin alam kung nasan siya. What if bigla na lang siyang sumulpot at saktan ka? Swear to God. Makakapatay ako."

Ngumiti ako ng matipid at hinawakan ang kamay niya. Hindi pwedeng habang buhay na lang kaming mabubuhay ng may takot sa lalaking yun.

"Kuya, matanda na ako. And I think, I can protect myself."

"No. I won't let him to touch you again. Kahit makalapit lang sa anino mo hindi ko hahayaan."

Napangiti na lang ako. My brother really loves me. Tumayo ako at niyakap siya.

"Thank you, Kuya. I'm really lucky to be your sister."




Kababa ko pa lang ng sasakyan at tanaw ko na agad si Kevin. Sinalubong niya ako. Ngumiti siya kay Kuya at matipid na tango naman ang sinukli sa kanya ng kapatid ko. Napag-usapan na din namin ni Kuya na hangga't kaya niya, pakisamahan naman niya sana ng maayos si Kevin.

"How's your sleep?"

"It's good."

I smiled. Kinuha niya ang dala kong libro at siya na ang bumibit dito.

"San room mo ngayon? Ihahatid na kita."

"Kevs, I can take care of myself, okay? Don't worry. Tatawagan kita pag natatakot ako."

Nagbuntong hininga siya.

"Hai lin. Alam mo kung gaano kami nag-aalala sayo."

Ngumiti ako at huminto sandali sa paglalakad. Hinawakan ko ang kamay niya.

"I know. And I feel special and important for that. Pero hindi naman pwedeng habang buhay na lang akong mabubuhay sa takot at kayo habang buhay na lang mabubuhay na nag-aalala sa akin."

Hinalikan niya ang kamay ko at tumingin sa mga mata ko. I saw the sincerity in his eyes. He is really worried. Niyakap niya ako ng mahigpit. I'm lucky that after what happened I still have people who cares for me.




It's lunch time pero hindi ko pa rin nakikita si Matt. Nasan ba yun? Pumunta ako sa Cafeteria mag-isa. May lunch date si Milly and Kuya Sherwin. Habang si Kevin naman may klase pa rin. 

Umupo ako sa bakanteng table. I checked my ig account. I have a new follower. Agad akong kinabahan when I visited his account. Kagagawa lang ng account. No followers. Wala din siya ibang finollow. Ako lang. Don't tell me.. No. Please. Did that monster made an account so that he can stalk me.. 

"Hai lin."

Napatingin ako agad sa tumawag sa akin. It's Matt. Pero hindi siya nag-iisa. May kasama siyang babae. Maganda rin. 

"Hey. Who is she?"

Tanong ko habang nakatingin sa babae. Matamis ang ngiti ng babae sa akin. She looks nice.

"Hi. I'm Alexandria, Alexa for short."

Tumingin muna ako kay Matt at blanko lang ang mukha niya. Tumingin ako sa babae at ngumiti.

Gain His LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon