Chapter 22

124 4 1
                                    

"Hai lin! How are you? I miss you!" Kumaway si Milly na nasa kabilang screen, ngumiti ako ng matamis bago siya sagutin.

"I miss you too! Kamusta ka dyan?" Inayos niya ang buhok niya bago ako sagutin. Wala pa rin nagbabago sa ganda ni Milly, tulad pa rin siya ng dati, mas gumanda pa nga siya eh. Nag-aayos siya ng sarili dahil papasok siya sa kanyang trabaho. Ginawa niyang salamat ang video call namin para daw minsanan, nag-uusap na kami at nakakapag-ayos pa siya.

"Stress ako dito! Ang sungit kasi ng boss ko! Kagigil bes! Kung hindi ko lang siya boss tinarayan ko na iyon eh!" Natawa ako habang natataranta siyang naglalagay ng mascara sa pilik-mata niya. She's a successful accountant now. 

"Relax ka lang kasi! And why are putting that? You don't need that, makapal naman na pilik-mata mo." I really missed this girl. Isang linggo rin kaming hindi nakapag-usap sa video. Puro kami chat lang dahil busy na rin sa trabaho. Bumuntong-hininga siya bago ibinaling sa akin ang buong atensyon.

"I miss you so much, Lin! Wala akong mahanap dito na kaibigan na tulad mo. It's not that I want to replace you as my best friend, pero syempre diba? Iba pa rin pag physically kayong nagkikita. Tsaka kahit may mahanap ako, sayo ko pa rin sasabihin sayo lahat. But I hope you understand, diba?" Malungkot ang kanyang mata habang sinasabi yun, ngumiti ako ng matipid at tumango.

"I understand, namimiss ko rin na may sinasapak pag kinikilig, but no need. Hindi pa naman ako kinikilig. 3 years ago pa ata nung last time na kinilig ako." Huminga ako ng malalim at napatulala. Tatlong taon. Tatlong taon na simula nang umalis ako. Tatlong taon na simula nang maghiwalay kami ni Matt. 

Wala akong balita tungkol sa kanya. Kahit si Milly ay hindi nagkukwento ng tungkol kay Matt. Tungkol sa nangyari sa mga araw namin lang ang napag-uusapan namin. Wala na rin komunikasyon si Kuya Sherwin kay Matt... Ganun din kay Milly. 

"Hoy! Umayos ka nga! Magd-drama ka nanaman. Okay, alam mo naman na siguro ang susunod kong tanong diba? Last question before I go to work. Kamusta si Sherwin?" 

Tila nahihiya pa si Milly nang tanungin iyon. Ngumiti ako ng mapait at umirap. Hindi nagbago si Kuya Sherwin sa pagiging kapatid niya sa akin. But the way he handles love? He really changed. Paiba-iba ang babae niya simula nang pumunta kami dito. Hindi na sila nag-usap pa ni Milly simula nang umalis kami. Milly tried so hard to reach out for my brother, but my asshole brother was too rude. 

"Stop it. I love you and my brother but wake up, Milly! You deserve someone better than my brother." Tumawa siya ng mapait at tumango, nakita ko sa kanyang mga mata ang sakit na nararamdaman. Siguro kaya kami matalik na magkaibigan dahil parehas kaming tanga sa pag-ibig.

"Sige, aalis na ako. Pagagalitan nanaman ako ng boss ko. Chat na lang. I love you!" Ibinaba niya ang tawag bago pa ako magsalita. Hindi ko alam mararamdaman ko. Sobrang nalulungkot ako para sa best friend ko. 

Tumayo ako at nagpunta na sa kusina para maghanda na ng hapunan. Nasa trabaho pa ang kapatid ko. Binago ko ang course ko nang dumating kami dito. I am now an interior designer kaya hindi masyadong stress sa trabaho. I love what I am doing. 

"How's work?" Tanong ko nang dumating ang kapatid ko. Inalis niya ang coat niya at umupo na sa hapag-kainan. 

"Ayos lang. Ikaw? Kamusta araw mo?" 

Inilapag ko ang niluto kong sinigang bago siya sagutin. 

"Ayos naman. Nagkamustahan kami ni Milly through video call, pero sandali lang yun dahil kailangan niyang pumasok sa trabaho niya." 

Tinignan niya ako ng masama bago ibinaling ang atensyon sa pagkuha ng pagkain. So affected pa rin siya kay Milly? Dapat lang!

"I know what you're doing, Lin. Wala na akong pakialam sa sasabihin mo tungkol kay Milly. Matagal na kaming tapos. I have Kate now."

Gain His LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon