Chapter 5

562 9 0
                                    

Gumising ako na wala na siya sa tabi ko. Tatayo sana ako ng maramdaman ko ang sakit sa pagkababae ko. Oh shit. Ganito pala ang pakiramdam. Napapikit nalang ako at piniling tumayo. Fuck shit. Ang sakit.

Biglang tumunog ang cellphone. Shit! Si Kuya tumatawag. Kinuha ko ang cellphone ko. Pumikit ako at humingang malalim bago sagutin ang tawag.

"H-hello kuya?"

"Hello? Hai lin. Nandyan ka parin ba kay Matt? Andito na siya sa school eh. Sabi niya naghanda na daw siya ng pagkain dyan. Kumain ka na. Tsaka, may uniform na akong dinala dyan. Di na kita nasilip kanina kasi nagmamadali na din kami. Ngayon yung second game namin eh."

"H-ha? Sige kuya. Salamat."

"Mag-iingat princess. Just call me if you need something okay? I love you."

"I love you too kuya."

Bumuntong hininga nalang ako ng malalim at pumikit. Dahan-dahan akong naglakad patungo sa kitchen. Napapakagat labi nalang ako dahil sa hapdi. Shit. Ganito ba talaga pag first time? Damn it. May nakita akong note sa ref.

"Di ako makakasabay sayo. Sorry. Kumain ka na. - Matt"

Napangiti ako. Kahit papaano may concern siya. Nagsimula na akong kumain. Masarap pala siyang magluto. Parang luto lang ni kuya.

Pagkatapos kong maligo, naging maayos na din ang lakad ko, nawala na ang hapdi. May gamot ba yung niluto niya? Napangiti ako. Paano pag kasal na kami? Dapat na akong masanay. Hay. Sana nga maikasal kami.

Pinilit kong humabol sa basketball competition nila Kuya Sherwin, at sa awa ng Diyos nakaabot ako kahit na patapos na ng 3rd Quarter.

Nakita ko agad si Kuya at nilapitan siya.

"Oh princess, andito ka na pala."

Tumango ako at hinanap si Matt. Asan yun?

"Princess, nagtatampo na si kuya ha? Kasama mo na nga si Matt kagabi siya parin hinahanap mo ngayon."

Bumusangot siya na parang bata kaya natawa ako. PInisil ko ang pisngi niya na parang bata.

"Haaay nakooo. Ang kuya ko parang bataaaa."

"Nagsasabi lang ng totoo."

"Wag na magtampo. Kuya naman eh. Hahahaha."

"Oo na. Hindi na. Andun ata siya sa loob. Nainjured kasi siya eh."

"WHAT? SHIT."

Tumakbo na ako papasok sa loob, pero papalapit palang ako narinig ko na ang tawa ni Matt. Sumilip ako. Nakita ko siya at si Miranda na nagtatawanan. Si Miranda. Matalino siya. Mahinhin. Student nurse namin. Kabaliktaran ko. Siya ang gumamot sa injured na paa ni Matt. Tinignan ko ulit ang itsura ni Matt, ibang-iba ang ngiti niya kay Miranda. Bakit sa akin hindi man lang niya maipakita yang ngiting yan?

Aalis na sana ako ng bigla akong tawagin ni Walter. Isa sa teammates ni kuya.

"Hai lin, andyan ka pala."

Wala akong nagawa kundi magpakita sa kanila. Ngumiti ng matamis sa akin si Miranda at ngumiti rin ako pabalik. Nang tignan ko si Matt hindi siya tumitingin sa akin.

"Hello."

"Late ka ata ngayon?"

Tanong ni Walter sa akin habang lumalapit sa pwesto ko. Tipid akong ngumiti at sumagot.

"Nalate ako ng gising eh. Haha."

"Ano ba ginawa mo kagabi?"

Sasagot na sana ako nang biglang magsalita si Matt.

Gain His LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon