Chapter 6

519 9 2
                                    

"Hai lin..."

Napatingin ako kay Kevin at ngumiti ng matipid.

"Are you okay?"

Tanong niya habang nakatingin ng diretso sa daan. We're on our way on his father's grave. His father died when he was still a baby.

"Yeah. Of course. Always."

"You miss tito Paul?"

Narinig ko palang ang pangalan niya may kumirot na sa puso ko.

"A-always."

Namimiyok na sagot ko. I miss my dad. I really do.

"Sigurado ako kung nasan man siya ngayon, ayaw niyang umiiyak ang baby girl niya."

Mas lalo akong napaluha ng sabihin iyon ni Kevin. My dad used to call me baby girl, he treated me as a princess. For me, he's the best dad ever. But he's now gone. Wala na siya at hindi na babalik pa. At dahil yun sa akin, kung naging malakas lang sana ako noon.

Pinark na niya ang kotse sa gilid, unti-unti nanamam namumuo ang luha ko. Humarap sa akin si Kevin at pinunasan ang nakatakas na luha sa mata ako.

"I am sure Tito Paul don't like to see you like this. Ayaw niyang umiiyak ka diba?"

Ngumiti ako ng peke at tumango. I need to be strong. Ayoko nang maging mahina. Ayoko na...

Bumaba kami ng kotse at pumunta sa lapida ng dad ni Kevin. Binaba niya dun ang bulaklak na ibibigay niya para sa ama niya, naawa ako kay Kevin. Ni hindi man lang niya nakasama ang ama niya.

"Alam mo, swerte ka kasi nakasama mo pa papa mo, naiparamdam pa niya sayo yung pagmamahal niya. Hindi tulad ko, hindi pa ipinapanganak wala nang ama."

Napatingin ako sa kanya ng sabihin niya yun, nakita ko sa mata niya ang lungkot. Tinapik ko siya sa braso, tumingin siya sa akin at ngumiti ng malungkot.

"Look. Maybe hindi mo siya nakasama, but I know, he loves you. Maaring hindi niya naipakita, pero tulad ng sinasabi mo, kung nasan man si papa ngayon siguradong binabantayan niya ako. Ganun din yung papa mo sayo. So cheer up okay?"

Ngumiti siya ng matipid.

"Thank you Lin. Payakap nga."

Natawa nalang ako at niyakap siya. Biglang bumuhos ang ulan kaya agad kaming tumakbo sa kotse. Tawang-tawa kami sa itsura namin, para kaming mga basang sisiw.

"Iyak ka kasi ng iyak, yan tuloy nahawa ang panahon sayo."

Pabirong sabi niya sa akin. Inirapan ko siya, pero natawa na din ako. At least gumaan ang pakiramdam ko. Napuno ng katahimikan ang kotse. Medyo awkward.

"Hai lin, do you really love Matt?"

Napatingin ako bigla sa kanya. Ngumiti ako ng malungkot at tumango.

"Sobra. Higit pa sa sobra."

"Bakit? Paano pag may nagmamahal sayo ng palihim?"

"He better stop. Kasi walang makakapalit kay Matt. Now that I already gave my everything to him? Wala na talaga."

"You what?"

Tumango nalang ako sa kanya habang nahalata ko naman ang pagkunot ng noo niya at pagigting ng panga niya. Humarap siya sa manibela at inistart agad ang kotse, napakabilis ng takbo neto.

"Kevin, may problema ba? Wag kang masyadong mabilis."

Pero parang wala siyang naririnig mas binilisan pa niya ang pagpapatakbo. Pumikit nalang ako sa takot.

Gain His LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon