Chapter 14

239 4 0
                                    

"I love this food!"

Nakangiting sabi ni Mily pagkasubo niya sa isang kutsarang pagkain na niluto ko. Nandito siya ngayon sa bahay para mag-sleepover.

"Bes, ano ba ang sikreto mo? Bakit ag galing galing mo magluto? Tell me, nat-turn on ba si Sherwin sa babaeng magaling magluto?"

Umalis si Kuya Sherwin kaya pinatulog niya dito si Milly para ay kasama ako. May seminar kasi siya para investigatory blah blah. Nag-aaral kasi ng Medicine si Kuya Sherwin, habang kami ni Milly tourism. Si Matt, business management naman ang course.

"Bes, walang naman pakialam si Kuya sa mga turn on na yan, basta ikaw si Milly sapat na. In short, ikaw lang mahal ni Kuya Sherwin."

Sobrang kilig naman ang gaga. Sobrang nakaka-inggit siya, mahal na mahal siya ni Kuya. Samantalang ako, hindi ako kayang mahalin ni Matt. Kahit mahal lang. Kahit hindi mahal na mahal. Napangiti ko ng mapait. Ni magustuhan nga ako, hindi niya magawa.

"Hoy! Ano nanaman iniisip mo?"

Umiling na lang ako sa tanong ni Milly. Nang natapos kami maghapunan ay umakyat na kami sa kwarto ko. Humiga agad si Milly sa kama dahil kausap niya si Kuya Sherwin, habang ako nakaupo kaharap ang laptop ko. Wallpaper ko ang stolen picture ni Matt. Napayuko ako.



"Ate, bakit ka umiiyak? Okay ka lang po ba? Ano po bang prolema?"

Tumingin ako kay Matt na nakatingin lang sa akin ng walang emosyon. So, wala siya pakialam? Hindi siya nag-aalala? Ano pang aasahan ko?

"Ate?"

Muling sinubukan ni Alexa na kunin ang atensyon ko. Tumalikod na lang ako at dumiretso sa kwarto. Hindi ako lumabas kahit na ilang beses kumatok sa pinto si Kuya Sherwin. Nang madaling araw, sinubukan ulit akog katukin ni Kuya Sherwin bago siya umalis pero hindi pa rin ako nagbukas ng pinto. Halos ayaw pa nga niyang umalis hangga't di ako kinakausap kaya napilitan na akong lumabas at nangako sa kanya sasabihin lahat pagbalik niya galing seminar. Buti nga at napapayag ko siya. Buong maghapon ang bigat ng loob ko. Dahil buong maghapon walang ginawa si Matt para kamustahin ako.

"Bes!"

Agad akong napatingin kay Milly na nasa tabi ko na pala.

"Ano yun?"

"Sabi ko may nagd-doorbell sa baba, ich-check ko muna."

"Ha? Osige."

Lumabas si Milly para tignan yung tao sa baba. Tinignan ko ang oras sa phone ko, alas syete na pala ng gabi. Napatingin ako sa wallpaper ng phone ko, picture namin ni Matt. Eto yung sa beach nasa jetski kami, nakangiti na akala mo in love sa isa't isa kahit ang totoo, ako lang ang in love sa kanya.

"Bes? Si Matt nasa baba. Dito din daw siya pinatulog ni Sherwin para may kasama tayong lalaki."

Napatingin ako kay Milly na nasa pintuan, tumango na lang ako bilang sagot. Bababa ba ako o magkukulong na lang ulit ako dito sa kwarto?

"Uhm, hindi ka bababa?"

Handa na ba akong makita siya?

"Sunod na lang ako siguro mamaya."

Tumango si Milly bilang sagot. Kuya Sherwin talaga o! Tumunog ang phone ko. Tumatawag si Kevin.

"Hello?"

"Hai lin, wala pala dyan si Kuya Sherwin, sino kasama mo?"

Buti pa si Kevin. Concern.

"Si Milly at Matt."

Gain His LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon