Chapter 25

90 4 2
                                    

"Ms. Fuentes?"

Nabalik ako sa realidad nang marinig ang pagtawag sa aking pangalan. Hindi pa rin mapirmi sa pagtibok ang puso ko, may halong takot at pagkasabik ang nararamdaman nito. Iniisip ko pa lamang na makikita ko siya ay hindi ko na alam ang dapat kong maramdaman. Dapat ba akong maging masaya? O dapat ba akong matakot? Anong sasabihin niya pag nagkita kami? Anong mararamdaman niya?

"Ms. Fuentes? Is there something wrong?"

Pinilit kong bumalik sa realidad nang muli kong marinig ang pag tawag sa akin. Ano ba ang nararapat kong isagot? Tatanggapin ko ba yung proyekto? Paano ang kapatid ko? Panigurado tutol iyon sapagkat kakailanganin kong bumalik ng Pilipinas kapag tinanggap ko yung proyekto.

"N-Nothing, sir. I was just shocked... I mean, it really is a big and important project. And I feel like I am not yet qualified to handle that..."

Kaya ko. Handa naman ako sa big projects. Matagal ko na hinihintay na mabigyan ng big projects. Pero hindi ko inaasahan na sa Pilipinas iyon. Hindi ko inaasahan na kailangan magtagpo ang landas namin ni Matt. Tumango ng dahan dahan si Arch. Slater na tila ba may nais siyang sabihin. Umayos siya sa pagkakaupo bago muling magsalita.

"So Ms. Fuentes, do you think I am not wise enough to choose someone that can bring honor to my company? Are you underestimating my judgement?"

"No sir! That's not what I meant, of course I trust you. But I am still not confident enough with my capabilities... That's why I am hesitant to accept the project."

Tumango siya pagkatapos ng mabilis kong pag-agap. May parte sa aking puso na gustong gusto na tanggapin ang offer na iyon. Sabik na sabik na siya makita muli ang taong nagpapatibok sa kanya. Kahit hindi ko na siya mayakap, mahawakan, o kahit malapitan lang. Ayos na sa akin na kahit sa malayo basta nakikita ko siya, basta makita ko ulit ang mga ngiti at tingin niya, sapat na yun. Sobra pa nga iyon.

"Okay. I understand.  I will give you time to think about it. But I just want you to know that i wouldn't choose you if I know that your capabilities are not yet enough. I believe in you, Ms. Fuentes. And I also want to believe that you will make the right choice."


Pagkatapos ng pag-uusap na iyon ay hindi ko alam kung paano ko nagawa ng maayos ang trabaho ko sa office, ang alam ko lang I am not mentally present. Masyadong magulo ang isip ko ngayon. Kung susugal ba ako ulit, kung pagbibigyan ko ang sarili ko sa kagustuhan na makita si Matt, mapupunan na kaya non ang pangungulila ko sa kanya? Naputol ang aking pag-iisip nang napansin ko na kumukulo na aking niluluto. Nang makauwi ako sinubukan ko na itulog ng sa gayon kahit papano makapagpahinga ako sa pag-iisip pero sa bawat pag pikit ng aking mga mata patuloy pa rin ang takbo ng aking isip, at sa isang tao lang ito tumutungo, sa kanya lang, kay Matt lang.

"Hey. I'm home. Ang bango ng niluluto mo ah? Bakit mo naisipan magluto ng sinigang ngayon?"

Hindi ko namalayan ang pagbukas ng pinto dahil sa pagdating ng aking kapatid. Dumiretso siya sa akin at hinalikan ako sa tuktok ng aking ulo. Paano ko sasabihin kay Kuya Sherwin? Imposibleng pumayag siya kung sakali man na tanggapin ko yung offer, pero hindi pa rin malinaw sa akin kung ano ba talaga ang gusto ko. Inilapag ko na ang mga plato sa mesa habang pumunta muna ang aking kapatid sa kanyang kwarto para magbihis. Pagkatapos kong maghain ng mga pagkain sa mesa ay saktong pagbalik ni Kuya Sherwin. Umupo siya sa aking harapan at nag-umpisa na agad maglagay ng pagkain sa kanyang plato.

"May special occassion ba? Nakatanggap ka ba ng big project?"

Masayang pagtatanong ng aking kapatid, alam niya kung gaano ko kagusto na makakuha ng malaking project, he knows how passionate I am to my job, dito ko nahanap at nalaman kung ano talaga ang gusto ko, kaya kahit hindi ito ang first choice ko mas minamahal at pinapahalagahan ko ito.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 11, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Gain His LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon