Chapter 23

107 4 0
                                    


"Alexandria. What are you doing here?" 

Gulat na tanong ng aking kapatid. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako nakapagsalita. Anong ginagawa niya dito? Kasing bilis ng kabayo ang tibok ng puso ko, paano kung kasama niya si Matt? Hindi ko alam ang gagawin ko. Hindi ako handa. Hindi pa ako handang makita siya muli. 

"Vacation lang with family. Hanggang bukas na lang kami dito. Who would have thought that I will see you both here!"

Lumapit siya sa akin at niyakap ako ng mahigpit. Sigurado akong alam niya kung ano ang nangyari sa amin ni Matt. Kaya bakit ganito pa rin siya kasaya na nakita ako? Hindi ba't matalik na magkaibigan sila ni Matt? Hindi ba siya galit sa akin?

"Ate Hai lin! I miss you so much. Hindi man lang ako nakapagpaalam sayo nung umalis kayo." 

Humiwalay siya ng yakap at ngumuso na parang batang nagtatampo. Hindi pa rin nagbago ang ganda niya. She's still the sweet girl I met. Pinilit kong ngumiti kahit na may gulat at kaba pa rin sa aking puso.

"Sorry. Sobrang biglaan din kasi yung alis namin. Kamusta ka?" 

Ngumiti siya at tumango bago sumagot. I want to ask her about Matt. I really do. Pero natatakot ako sa isasagot niya. 

"Ayos naman ako. Medyo stress sa studies pero kinakaya naman. Ikaw, ate? Sana makapag catch-up tayo soon!" 

"I am an interior designer. Masaya naman ako sa trabaho ko. Well, maybe next time makapag catch-up tayo. May trabaho kasi ako mamaya at syempre kailangan mo na sulitin ang oras mo sa bakasyon kasama ang pamilya mo."

Lumaki ang ngiti niya sa aking sagot, hinawakan niya ang kamay ko bago magsalita.

"Yeeey! Kailan ba kayo babalik ng Pilipinas?" 

Napawi ang ngiti ko, tumingin ako sa aking kapatid na umiwas naman ng tingin. Kailan nga ba? 

"Hindi ko pa alam. Busy pa e, but who knows? Maybe soon." 

"Sana nga! Ang dami ko ikukwento sayo. But can I have your number? May importante akong sasabihin sayo." 

Excited niyang tanong. Tumango ako at dinial sa phone niya ang number ko. Ano kayang importante ang sasabihin niya? May kinalaman kaya ito kay Matt?

"I need to go. I'll talk to you soon, ate." 

Naglakad na siya palayo para pumunta sa pamilya niya. Narinig ko ang malalim na buntong hininga ng aking kapatid dahilan para mapunta sa kanya ang aking atensyon.

 "Alexandria, I am sure she still have communication with Matt. Paano kung sabihin niya kay Matt na nagkita kayo rito?"

I smiled bitterly. So, what? I think Matt doesn't care about me. Even if Alexandria would tell him about this, I am pretty sure he doesn't care. He's mad at me. Really mad. Who am I to deserve his attention and time? I am nothing.

"As if Matt would care. Kuya, let's just eat I still have work to do."



"Is this your final design, Ms. Fuentes?"

Ibinaba ni Arch. Slater ang folder sa mesa bago inilipat ang tingin sa akin. Tumango ako bago magsalita.

"Yes, sir. This design was already approved by Mrs. Smith. And in fact, she really loves it!"

Gustong-gusto talaga ng kliyente ko ang design plan na ipinakita ko. Simple lang ito pero maayos, sinadya kong ganoon dahil alam kong iyon ang tipo ni Mrs. Smith.

Gain His LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon