Chapter 19

257 4 1
                                    

Hindi ko alam kung paano ako nakabalik sa realidad pagkatapos kong nabasa ang text message na iyon. Bakit ngayon pa? Bakit ngayon pa siya magpaparamdam kung kailan masaya na ako? Kung kailan okay na kami ni Matt. Pinatay ko ang phone ko at ibinababa ito sa side desk. Umikot ako para makita si Matt na mahimbing pa rin ang tulog. 

Ano kaya magiging tingin niya sa akin pag nalaman niya ang nakaraan ko? Mamahalin pa rin kaya niya ako? O pandidirihan? Gumalaw siya at pinalibot sa akin ang kanyang matipunong braso.

"Baka matunaw ako."

Napangiti ako ng magsalita siya. Kahit kailan talaga ang lakas ng pakiramdam neto! Hinalikan ko ng mabilisan ang kanyang labi na nagpangiti sa kanya. Sobrang gwapo niya kahit nakapikit. 

"Uso gumising, baby."

Imunulat niya ang mata at tinignan akong diretso sa aking mata. Napapikit ako sa haplos niya sa aking pisngi. Mararanasan ko ba ulit 'to kung sakaling malaman na niya ang nakaraan ko? Hindi ko kayang mawala siya ng dahil lang dun. 

"Bakit ikaw naman ngayon ang pumipikit?"

Agad kong iminulat ang mga mata ko at pinisil ang ilong niyang matangos. Nakakainggit 'tong lalaking 'to. Masyado perpekto! Tumayo ako para magbihis nang bigla niyang hawakan ang kamay ko. Kaya't tinignan ko siya, nakatingin lang siya sa akin at hinalikan ang kamay ko.

"I love you, Hai lin."

Napangiti ako. Hindi pa rin ako makapaniwala na sinasabi ito ni Matt sa akin. Linapit ko ang mukha ko sa mukha niya at hinalikan siya sa ilong niya.

"I love you most, Matt."

Naramdaman ko ang mga labi niya sa aking mga labi. Mainit ang mga halik na natatanggap ko sa kanya, naramdaman ko na rin ang kanyang kamay sa batok ko upang mas mapalalim ang aming halik. 



"Hai lin, paki-check naman 'to oh. Para sayo daw ata."

Kinuha ko ang bulaklak na inaabot sa akin ng kaklase ko, may card doon na agad ko naman binasa. Napangiti ako dahil sa nabasa ako, alam kong kay Matt 'to galing. 

'I miss you..'

Agad kong tinago ang card at inamoy ang mga bulaklak. Matt is the sweetest man I've ever know. Alam ko na nagsimula kami sa sobrang cold niya. Pero ngayon? Halos hindi pa rin ako makapaniwalang nasa gantong sitwasyon na kami ngayon. Hindi pa rin ako makapaniwalang mahal niya rin ako. Unexpected things are really the best.



"Hai lin, san ba nagpunta kuya mo? Wala pa rin siyang text at call."

Nagpakawala si Milly na isang malalim na hininga, napailing na lang ako. Milly is more clingy than me. Well, maybe that's what my brother loves about her. 

"Baka naman may ginagawa lang." Sinagot ko siya habang nagsusulat. Andito kami ngayon sa library, parehas kaming walang klase kaya napagdesisyunan na lang namin na dito na muna manatili dahil mas konti ang tao, mas ligtas.

"Ay! Wait. Ano yang bulaklak na yan? Galing kay Matt?" Tanong ni Milly habang inuusisa ang bulaklak na natanggap ko mula kay Matt. Ngumiti ako at tumango, hanggang ngayon kahit sa simpleng bagay lang hindi ko pa rin maiwasan na kiligin kay Matt.

"Nako! Pumi-PBB teens kayo! Halatang-halata pa rin yung kilig mo ka Matt! Hoy, Lin! Boyfriend mo na yun." Natatawang sabi sa akin ni Milly, napabusangot na lang ako, parang siya hindi ganto kay Kuya Sherwin ah.

"Ako lang ba, best?"

Natahimik siya at kunwaring inirapan ako. Natawa na lang ako sa ekspresyon ng mukha niya. Well, I really love this girl. She's not just my best friend, she's my other half, my sister.

Gain His LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon