Chapter 24

195 4 1
                                    

"Kevin..."

Hindi pa ako nakakabawi sa gulat nang bigla niya akong yakapin ng mahigpit. Mabilis pa rin ang tibok ng puso ko. May halong saya at kaba ito. Masaya ako dahil nagkita ulit kami ni Kevin. May halong kaba sapagkat alam kong galit ito sa akin. Nag-iwan lang ako ng mensahe sa kanya sa Facebook nang umalis ako noon. Hindi na ako nagpaalam sa kanya sa personal dahil alam kong pipilitin niya lamang ako na sabihin sa kanya kung saan ako pupunta. Ayaw kong sabihin sa kanya dahil ayaw ko na rin na madamay pa siya sa magulo kong buhay.

"I missed you. I missed you so much, Hai lin." 

Hindi pa rin niya ako pinapakawalan sa kanyang yakap. Dahan-dahan na rin bumabagal ang pagtibok ng aking puso. I missed him too. He was there when I needed a friend. Hindi ko masusuklian ang kabutihan na ipinakita niya sa akin. Sobra sobra na iyon. Nanatiling kaming magkayakap ng ilang segundo pa bago niya ako pinakawalan. Tumingin siyang diretso sa aking mga mata, tinitignan niya ito na para bang kay tagal na niya itong hinahanap. Gusto ko magsalita pero wala boses na lumalabas mula sa aking labi.

 "Why did you leave without even saying goodbye?"

Parang tinusok ang puso ko nang makita ang sakit sa kanyang mga mata. Napayuko ako para maiwasan ang tingin niya. Wala akong kwentang kaibigan. Naging mabuti siyang kaibigan sa akin, pero ito ako ngayon ni hindi man lang nagsabi sa kanya. 

"Kevs... I just don't you to get involve with me because that means you'll be in danger. I left the country because I want you guys to be safe."

Napailing siya sa sagot ko, halata ang pagkairita sa kanyang mukha. Paano nga ba niya nalaman na nandito ako. Huminga muna siya ng malalim bago muling magsalita. Walang masyadong nagbago sa kanyang mukha, siya pa rin yung maamong Kevin na nakilala ko, mas lumaki ang ng konti ang kanyang katawan at nagbago ang ayos ng kanyang buhok. 

"Hai lin, you know that I am willing to risk everything for you, to protect you even my life!" 

I know. I know that. Umiling ako at humanap ng lakas ng loob para magsalita. 

"I know that, Kevin. And that's not what I want. I want you to be safe. Ayokong madamay kayo. You know what happened to my father and I don't want that to happen to you o sa kahit kaninong mahalaga sa akin."

Pinunasan ko ang luhang nakatakas mula sa aking mata. Bumuntong hinga si Kevin at hinawakan ng mahigpit ang kamay ko. Pinunasan niya ang luhang patuloy na tumatakas sa aking mga mata.

"I know. Pero hindi ko hahayaan na wala akong ginagawa para protektahan ka. I love you, Hai lin. And I want to protect you. Please, let me do it. Let me protect you."

"No, Kevin. You don't understand--"

"I understand. Matagal ko na alam ang panganib na pwede mangyari sa akin pero wala akong pakialam dun. All I want to do is to protect you. No buts."

"Hindi kakayanin ng konsensya kung may mangyari sayo o kung madamay ka." 

Pilit kong tinatago ang aking hikbi kahit na walang tigil ang pagtulo ng aking luha. 

"Walang mangyayari. I promise."

Hinalikan niya ang aking noo bago ako yakapin muli. Sobrang tagal na yung huling beses na maramdaman ko ulit ang yakap ng isang kaibigan. 


"Paano mo pala nalaman na nandito ako?"

Nasa isang restaurant kami ngayon ni Kevin. Niyaya niya muna akong kumain dahil lunch break rin naman namin. Hindi ko alam kung nareceive ba ni Kuya Sherwin yung text ko sa kanya, hindi naman siya pumunta sa office para kunin yung iPad niya. 

Gain His LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon