Chapter 16

245 4 0
                                    

It's been two months simula ng nalaman namin na nakalaya na ang kriminal na nangbaboy sa akin at pumatay sa ama ko. It's been two months simula ng tumawag siya ay hindi na ulit siya tumawag. Sa loob ng two months naging mapayapa naman ang buhay ko.

Sa loob ng dalawang buwan mas naging maayos ang relasyon namin ni Matt. Ramdam na ramdam mo yung pag-aalaga niya. Walang oras na iniwan niya ako, palagi siyang nasa tabi ko. Lagi niya akong hinihintay pag magkaiba kami ng klase, pero minsan ako din naghihintay sa kanya. Pero hindi na naulit yung "romantic vacation" kahit date man lang sana. Napabuntong hininga na lang ako, sa totoo lang hindi ko alam kung ano ba talagang meron sa amin ni Matt. O kung may something ba talaga? Baka ginagawa lang niya maging mabait sa akin para mabantayan ako dahil request ni Kuya Sherwin.

Tuwing sinasabi kong mahal ko siya, nginingitian lang niya ako o kaya minsan ay hinahalikan niya ako sa noo. Sobra siyang nakakalito, hindi ko siya maintindihan. Sa tuwing gagawin namin yun, ingat na ingat siya pero kitang kita pa rin ang pagnanasa sa mga mata niya.

"Ang lalim naman ng iniisip mo."

Gumaan ang pakiramdam ko ng biglang tinanggal ng nasa tabi ko ang braso niya na nakapatong sa tagiliran ko. Umikot ako paharap sa kanya at nakita ko nanaman ang napakagwapo niyang mukha.

"Good morning."

Malambing kong pagbati sa kanya. He gently kiss my lips before he answer.

"Good morning. Natulog ka ba?"

I nodded. Nakatingin lang kami sa mata ng isa't isa. And I can't help it. I just feel like saying it again.

"I love you, Matt."

Ngumiti siya at tumayo na. Napabuntong hininga na lang ako. Sabi na nga ba wala nanaman siyang sasabihin. Napag-usapan namin na mag-aaral kami para sa exam pero heto at nauwi kami sa kama.

"Tumayo ka na dyan, maligo ka na. Magluluto lang ako ng breakfast sa baba."

Tumango na lang ako kahit hindi ko sigurado kung nakita ba niya dahil nakahiga pa rin ako ngayon.

Narinig ko ang pagbukas at pagsara ng pinto. Umupo muna ako sa kama, dinampot ang cellphone ni Matt. Sana. Sana pala hindi ko na lang tinignan. Hindi na ako ang wallpaper niya.

Binalik ko ito sa side desk. Tumayo ako ng walang gana. Oo alam kong medyo mababaw ang dahilan para masaktan ako. Pumasok ako sa banyo. Walang gana akong naligo.

Pagkatapos ng mabilisan kong pagligo ay bumaba na ako, nadatnan ko si Matt na nag-aayos na ng mesa. Tutulungan ko sana siyang mag-ayos kaya lang ay pinaupo na niya ako, sinunod ko na lang siya. Ilang minuto ay natapos din niya ang prinipito niyang tocino at fried rice.

Nag-umpisa na kami ng pagkain at wala man lang nagsasalita sa amin.

"Hai lin, may problema ba?"

Napatingin ako sa kanya dahil sa tanong niya. Ugh. Hai lin, wag ka naman masyadong pahalata. Ngumiti ako ng matamis at umiling.

"Wala naman. Iniisip ko lang, matagal na pala simula ng lumabas tayo."

May kalahati sa akin na nagsinungaling at kalahating nagsabi ng totoo, iniisip ko din yan. Huling labas naman ay nung pumunta kami sa beach, sobrang saya namin nun.

"Finals kasi ngayon kaya medyo mahigpit ang schedule natin ngayon."

Tumango na lang ako, narinig ko siyang bumuntong hininga.

"Okay. Lumabas tayo ngayon."

Agad lumiwanag ang mata ko at tumingin sa kanya. Talaga? Lalabas ulit kami? Sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Masosolo ko ulit si Matt. Pag nasa school kami pakiramdam ko kasi hindi ko siya solo dahil sa studies at dahik kay Alexa. Nag-uusap pa rin naman kami, pero hindi ko sigurado kung napapansin niyang nagiging awkward ang pakiramdam ko pag magkausap kami. Sila ni Matt, nag-uusap pa rin, kahit nakakaramdam ako ng selos ay wala naman akong karapatan. Si Kevin, halata ko naman na umiiwas siya sa akin. I don't to lose my best friend. Kaya wala akong tigil sa paglapit sa kanya pag nagkikita kami.

Gain His LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon