Chapter 13

216 3 0
                                    

"Good morning, sleepy head."

I smile when I saw my brother. Kakauwi lang namin ni Matt kahapon. Hinatid niya ako dito at dahil sa sobrang pagod natulog ako agad. Hapon na kami nakarating. Around six pm, nakakapagod pero sobrang saya. Natulog ako agad at nagising ako ngayong umaga, ang haba pala ng tulog ko.

Agad kong niyakap si Kuya Sherwin ng napakahigpit. Kung hindi niya inutusan si Matt na ipunta kami dun hindi sana ako ganito kasaya.

"You miss you brother so much?"

He chuckled. I nodded. Humiwalay ako sa yakap at humarap sa kanya.

"And of course, that's a thank you hug too."

"Thank you, for what?"

"For being a good brother at sa pagpapapunta mo sa amin ni Matt sa beach resort na yun. Kahit na three days lang yun. Sobra akong nag-enjoy. Nakalimutam ko yung takot st stress."

Nakangiting pagpapasalamat ko kay Kuya. Pero nakatingin lang siya sa akin na parang nagtataka na natatawa.

"Why are you looking me like that, Kuya?"

"I don't know what you're talking about, princess."

Ano daw?

"What do you mean, Kuya?"

"Okay, hindi ko inutusan si Matt na ipunta ka dun. Nung gabi na dun ka natulog sa condo niya, he called me and he said that he wants to take you to a vacation. Kaya pinagdala niya lang ako ng damit. That's all. Si Matt nagplano, not me."

Kusang bumilis ang tibok ng puso ko at kusa din akong napangiti. So, si Matt talaga nagplano ng lahat? As in, sinadya niya yun? Gash! Ang bilis ng tibok ng puso ko. Kinikilig ako!

"You're blushing, princess."

Tinawanan ako ni Kuya. Habang nakatulala pa rin ako at ninanamnam ang kilig. Nagsabi na si Kuya na mauuna na daw siya sa baba, sumunod na daw ako dahil kakain na.






Pagkarating ko ng school ay agad akong sinalubong ng mahigpit na yakap ng best friend ko. Pumunta kami sa cafeteria at nagstay muna dun, tutal wala pa naman kaming klase. Kinwento ko sa kanya lahat ng nangyari sa "romantic vacation" namin ni Matt. Syempre except dun sa mga private moment namin. Kilig na kilig si Milly. Tinalo pa ako!

"Hai lin."

Si Kevin. Tumayo ako at niyakap siya. I miss my boy best friend so much. Humiwalay ako ng yakap sa kanya. Nakita kong may lungkot sa mga mata niya.

"May problema ba?"

Tumingin siya sa akin ng diretso. May inis at galit sa tingin niya.

"Are you serious about asking me that? Am I still your best friend ha, Hai lin? I'm tried to call you for almost a hundred times tapos di ko mareach yang phone mo. Sinong hindi mag-aalala? Last time na nakausap kita bigla na lang naputol. Tapos tatanungin mo ako kung may problema? You know what, nagbago ka na."

Kitang kita sa pagsasalita niya na nasaktan ko siya. I admit it. Hindi ko siya nabibigyan ng oras dahil nakafocus attention ko kay Matt and I'm very sorry for that. Kahit naman ganun, he's still my best friend and I don't want to ruin our friendship. Sila na lang ni Milly ang tinuturing kong tunay na kaibigan. I don't want to lose them.

Nakayuko lang ako. Naghahanap ng pwedeng salita, salitang maiintindihan niya at hindi niya mami-misinterpret. Pero bago pa ako magsalita ay tumalikod na siya at nag-umpisang magkalad palayo. ?

"Kevin! Sandali lang naman oh."

Huminto siya sa paglalakad. Lumapit ako sa kanya, pero hindi pa rin siya humaharap sa akin. Tinusok ko yung likod niya gamit at isang daliri ko, lagi kong ginagawa yun pag hindi niya ako pinapansin.

Gain His LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon