Chapter 20

238 4 0
                                    


"I..I can't, not now.. Hindi pa ako handa."

Hindi matigil ang paghikbi ko. I know walang kahihitnatnan ang isang relasyon na puno ng sikreto. Alam kong hindi sapat ang pagmamahal lang sa isang relasyon. Kailangan ng tiwala at katapatan. 

"Bakit? Ano bang hindi mo pa kayang aminin sa akin? Gaano ba kahirap aminin iyan sa akin?" Nalilitong tanong niya sa akin, Ipinikit ko ang mga mata ko na naging dahilan upang tuluyan na lumuha ang aking mga mata. 

"Hai lin!" 

"Natatakot ako.. Natatakot ako, Matt." Tumingin siya sa kanyang harapan at mabilis ang kanyang paghinga na halatang nagpipigil lamang siyang magalit. 

"Saan? Utang na loob, Lin. Sabihin mo sa akin." Nakikiusap na ang kanyang tono, yumuko lang ako at nagpatuloy sa pag-iyak. Narinig k ang malalim niyang buntong hininga. Hindi nagtagal ay ibanot niya sa akin ang kanyang panyo.

"Tahan na. Fine, I will understand if your not yet ready. But please, I can't stand to see you cry." Mas mahinahon ang kanyang boses, nang hindi ko tanggapin ang panyo niya ay siya na mismo ang pumunas ng aking mga luha. 


Tahimik ang aming biyahe pauwi. Nang nakarating kami sa bahay ay pinagbuksan niya lamang ako ng pinto, hinalikan sa noo at nagpaalam na. Patawad, patawad kung hindi pa ako handang aminin sayo ang nakaraan ko. Natatakot ako. 

"Anong nangyari sa inyo?" Bungad na tanong sa akin ng aking kapatid. Umiling lang ako at naglakad na paakyat. Bumagsak agad ako sa kama ng makarating sa aking kwarto. Ayokong makita ang mga mata ni Matt na  nandidiri sa akin. Hindi ko kaya, iniisip ko pa lang na mangyayari ay dinudurog na ang puso ko.

Pagka gising ko ng umaga ay agad na bumungad ang isang bouquet ng bulaklak, umupo ako at inamoy ang mga iyon, may note dun at napangiti ako nang malaman kong galing iyon kay Matt. Hindi nagtagal ay may kumatok sa aking pintuan. Agad kong sinuklay ang aking mga daliri sa aking buhok, iniluwa ng pintuan ang pinakagwapong lalaki sa buong mundo.

"Gising ka na pala. Dinala ko yan dito para iabot sayo ng personal kaya lang tulog ka pa kaya itinabi ko na lang sayo." Lumapit siya at umupo sa paanan ng aking kama. Muli kong naalala ang kanyang itsura kagabi, puno ito ng kalituan at kalungkutan. 

"Matt.." 

"Hmm?" Nanatili ang tingin niya sa akin. Huminga muna ako ng malalim upang makakuha ng lakas ng loob.

"Sorry, sorry sa nangyari kagabi." Nanatili ang kanyang mga tingin sa akin, lumapit siya sa akin lalo at hinalikan ako mula sa aking noo, ilong at mabilis na halik sa aking labi.

"Naiintindihan ko kung hindi ka pa handa. Pero gusto kong malaman mo na kahit ano pa ang malaman ko, hinding hindi kita iiwan. Hindi mahalaga ang kung ano man yun dahil ang mahalaga ay yung ikaw at ako. Yung tayo." Nginitian niya ako at hinalikan ang aking kamay dahil sa ginawa niyang iyon ay gumaan ang aking pakiramdam. Nawala lahat ng iniisip kong  mga problema.

"Thank you. Thank you." Agad ko siyang niyakap ng mahigit at sinuklian niya naman iyon.




"Milly!" 

Mula sa pagkakatulala ay tumingin sa akin si Milly. Mabilis niyang pinunasan ang kanyang mga luha ngunit hindi iyon nakatakas sa aking mga mata. Tumabi ako sa kanya at sinalubong niya naman ako ng may ngiti sa labi. Ngiting alam kong hindi totoo.

"Milly? May problema ba?" Umiling siya at tumawa ng peke. 

"Problema? Naku! Wala! Oh ano, kamusta kayo ni Matt?" Halata sa kanyang mata ang lungkot at sakit. May nangyari ba sa kanila ni Kuya Sherwin? 

"Okay lang kami, pero pwede wag mong ibahin ang usapan? Alam kong may problema, anong problema, Milly?" Hindi na niya napigilan ang kanyang mga luha at tuluyan na siyang umiyak agad ko siyang niyakap ng mahigpit. Sa bawat paggalaw ng balikat niya dahil sa kanyang paghikbi at ramdam ko ang sakit. Sa sobrag abala ko sa sariling buhay ko ay nakalimutan ko na ang mga tao sa paligid ko.

"Si Sherwin kasi.." Humiwalay kami sa yakap ng isa't isa upang makapag-usap ng maayos. Anong ginawa ni Kuya Sherwin?

"Bakit? Anong ginawa ng kapatid ko sayo?"

"N...Na..Nakikipaghiwalay siy..a" Putol putol ang kanyang pagsasalita dahil sa hikbi niya. Agad akong naguluhan sa sinabi niya. Paano iyon nagawa ng kapatid ko? Mahal na mahal niya si Milly! Mahal na mahal ang best friend ko!

"Ano?! Bakit daw? Teka naguguluhan ako. Ano bang nangyari? Nagkaproblema ba kayo?" Natatarantang tanong ko sa kanya. 

"Hindi ko alam, Lin. Ang sabi niya yun daw ang makakabuti sa aming dalawa." Nahihibang na ang kapatid ko? Tanga siya para pakawalan ang best friend ko! Hindi sa pagiging bias pero isa ang best friend ko sa pinakaperpektong babae na nakilala ko!

"Wag ka mag-alala kakausapin ko siya!" Kahit kapatid ko si Kuya Sherwin ay kumukulo ang dugo ko sa kanya! Hindi sapat yung rason niya!

"Wag na, Hai lin. Please... Ako na bahala. Hindi pa naman ako sumusuko eh."

"No, Milly! Kakausapin ko siya. Napakawalang kwenta ng rason niya!" Tumayo ako at mabilis naglakad patungo sa kapatid ko. Gigisingin ko lang siya sa katangahan niya. S alahat ng tanga sa mundo, kapatid ko na ata ang pinakatanga sa lahat.



"Bakit?" Tanong ng kapatid ko. Nanginginig na ang kamay ko para saktan siya. Pero kinakalma ko pa ang sarili ko dahil kailangan ko malaman kung bakit walang kwenta ang sagot niya.

"Bakit ka nakipaghiwalay kay Milly?!" Bumuntong hininga siya at yumuko. Nanatili kaming tahimik ng ilang sandali. binalik niya ang kanyang tingin sa akin.

"Nakaabot na pala sayo." Mas lalong kumulo ang dugo ko sa kanya. Napaka! Yun lang? Yun lang ang sasabihin niya?!

"Umayos ka nga! Bakit mo yun ginawa sa kanya?!" Ngumiti siya ng mapait bago ako sagutin.

"Para sa ikabubuti namin dalawa yun, Hai lin. Mag-usap na lang tayo sa bahay." Tumalikod na siya at tuluyan nang naglakad.


Pag-uwi ko sa bahay ay nadatnan ko na dun ang aking kapatid. Puno ng katahimikan habang kumakain kami ng hapunan. 

"Hindi pa tayo tapos sa pinag-uusapan natin kanina, Kuya." 

Binitawan niya ang kutsara't tinidor at tumingin sa akin.

"Kinailangan kong gawin yun para sa kanya at para sayo, Hai lin." Ano? Anong para sa akin?

"Anong pinagsasabi mo? Ipaintindi mo sa akin!"

"Aalis tayo. Aalis tayo dahil hindi ka na ligtas dito. Hanggang ngayon hindi ko pa rin alam kung nasan yung hayop na nanakit at pumatay sa ating ama. Hindi sa lahat ng oras kasama mo ako, kahit anong oras pwede siya bumalik at saktan ka ulit. Paano pag wala ako sa tabi mo? Oo, andyan si Matt. Ayoko nang may madamay pa. Lalayo tayo. Lalayo tayo hanggang masigurado ko na ligtas na dito." 

Lalayo? Ibig sabihin, ako ang dahilan kung bakit nasasaktan ang best friend ko. Ako ang dahilan kung bakit magkakalayo ang kapatid ko at si Milly? Kasalanan ko. Kasalanan ko ang lahat. Pero hindi ko kaya. Hindi ko kayang malayo kay Matt.

"Kuya naman! Bakit ngayon mo lang ito sinabi sa akin?! Kuya, ayoko!"

"Iyan! Iyan ang dahilan kung bakit hindi ko sinabi sayo, dahil alam kong tutol ka! Hai lin, wala tayong ibang choice! KAILANGAN NATIN LUMAYO NAIITINDIHAN MO?!"

Malayo kay Matt? Parang tinapos na din ang buhay ko. Hindi ko kaya.

"Kuya... Nakikiusap ako sayo. Please.. Hindi ko kaya."

"Tama na, Hai lin. Buo na ang desisyon ko. Marami akong natatanggap na threat galing sa lalaking yun. Ayoko lang sabihin sayo para hindi ka mag-alala. Hindi madali sa akin 'to. Mahal na mahal ko si Milly, alam mo yan. Pero, hindi ko kakayanin kung ikaw ang masasaktan... Si Matt, kung mahal ka talaga niya. Maiintindihan niya."


Gain His LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon