Chapter 15

229 3 0
                                    

Nagising ako sa silaw ng liwanag galing sa bintana. Lumapit sa akin ang lalaking nagbukas ng  kurtina ng bintana. Hindi ko pa makita ng malinaw ang mukha niya dahil sa kamumulat ko lang ng aking mata.

"Gising na. Breakfast na."

Kinusot ko ang mata para luminaw ang paningin ko. Nag-unat ako bago tumingin sa nakatayo sa gilid ng kama ko. Napa-upo ako bigla ng makita ko si Matt. Nakawhite sando at pajama lang siya pero napakahot at napakabango niyang tignan.

Tumayo agad ako upang maghilamos ng mukha at magmumog. Nahihiya pa akong magsalita dahil baka mabaho pa ang hininga ko. Pagkalabas ko ng pinto ng banyo ay inaasahan kong andun pa siya ngunit wala na siya. Hays. Napapaisip pa rin ako sa sinabi niya kagabi. Kinikilig ako na ewan.

Pagkababa ko ay nadatnan ko siya sa mesa habang may kausap sa phone. Umupo ako sa kaharap niyang upuan. Asan si Milly?

"Kung nagtataka ka kung bakit wala si Milly, maaga siyang umalis kanina. May pupuntahan daw sila ng parents niya."

Tumango na lang ako. Yung babaeng yun hindi man lang sinabi sa akin na may pupuntahan pala siya ngayon, naistorbo ko pa siya tuloy kagabi. Naglagay ako ng paborito kong fried rice sa plato ko at kumuha ng hotdog na prinito.

Nakatingin lang sa akin si Matt habang kumakain ako. Nahihiya akong kausapin siya pagkatapos ng inasta ko kahapon. Tumunog ang phone niya dahilan para malipat dun ang tingin niya.

"Hello?"

Palihim ko siyang tinignan. Nakakunot ang noo niya habang pinapakinggan ang sinasabi ng nasa kabilang linya na wala akong ideya kung sino.

"Shut up, bro. I will not do that."

Nang sinabi niya yun ay nahuli niya akong nakatingin sa kanya. Agad akong tumingin sa kinakain ko habang binaba na niya ang cellphone niya sa mesa.

"Kuya mo yun. Kinakamusta ka niya."

Tumango ulit ako. Narinig ko ang malalim niyang buntong hininga.

"Hai lin, hindi mo ba ako kakausapin?"

Napatingin ako sa kanya ng sabihin niya yun.

"N-nahihiya kasi ako sa mga sinabi ko sayo kahapon."

Utal-utal akong sumagot. Tumingin siya ng diretso sa mga mata ko.

"Wag ka na magselos kay Alexa. Tapos na yun."

"Alam mo, Matt. You don't need to explain. Sino ba ako sa buhay mo diba? I'm just a girl who is desperately in love with you."

Bakit pa nga ba siya nage-explain diba? Sino ba ako sa kanya? Wala.

"You're so close minded, Lin."

Tumayo siya na hindi man lang kumain o kumuha man lang ng pagkain. Kinuha niya ang phone niya at pumunta sa salas. Nawalan na din ako ng gana at naglipit ng na lang ng pinagkainan ko.

Pagpunta ko sa kama ay nakita ko siyang nakahiga sa sofa at nakapikit. Lumapit ako upang makita ang napakakinis at napakagwapo niyang mukha. Ang mapupulang labi, ang makakapal niyang kilay, ang matangos niyang ilong. Perfect.

Tumunog ang cellphone niya kaya agad akong lumayo dahil baka magising siya. Sinilip ko ang caller ID at nakita kong si Alexa ang tunatawag. Ang picture pa ng contact ni Alexa ay picture nilang dalawa ni Matt nung graduation ni Alexa.

Huminto ang pagtunog ng cellphone niya at hindi pa rin siya gising. Ano bang ginawa niya kagabi at parang antok na antok pa rin siya hanggang ngayon.

Umakyat ako sa taas para tawagan si Milly. Hindi nagtagal ay sinagot na agad niya ang tawag ko.

"Oh napatawag ka bes?"

"Bakit hindi ka man lang nagpaalam sa akin kanina ha?"

"Duh. Madaling araw pa lang yun at ang sarap po ng tulog mo kanina porket binabantayan ka ni Matt? Dun pala ako natulog sa kwarto ni Sherwin kagabi."

Agad akong natulala. Binantayan ako ni Matt? Ano? Bakit?

"Teka Milly. Bakit ako binantayan ni Matt?"

"Di mo naalala? Kahit natutulog ka humikhikbi ka, nung di kita magising tinawag ko na si Matt tapos ayun sabi niya babantayan ka na lang niya tapos I insist na sa kwarto mo na lang siya matulog tapos ako sa kwarto na lang ni Sherwin."

Napatango na lang ako kahit na alam ko naman na hindi ako nakikita ni Milly.

"Oy. Baba ko muna bes ha? May aayusin lang ako. Love yah."

Di na ako nakasagot. Ang bilis ng tibok ng puso ko. Binantayan ako ni Matt. Kaya ba antok na antok ba siya dahil magdamag niya akong binantayan. Hindi ko napigilan ang ngiti ko dahil sa naisip ko.

Bumaba agad ako at nakita kong tulog pa rin siya. Saktong tumunog ang cellphone at si Kuya Sherwin ang tumatawag. Wala naman sigurong masama kung sasagutin ko diba? Kuya ko naman yung tumatawag. Pinakiramdaman ko muna siya bago ko sagutin at nung hindi pa rin siya nagigising ay sinagot ko na.

"Oh, kamusta kayo ng kapatid ko?"

"Kuya. Ako 'to."

"Hai lin? Bakit ikaw sumagot? Asan si Matt?"

Halata ang gulat sa boses ni Kuya Sherwin.

"Tulog pa kasi siya, napuyat."

"Aber. Ano ginawa niyo at napuyat yan?"

Natawa na lang ako sa tanong ni Kuya Sherwin.

"Binantayan niya daw kasi ako magdamag sabi ni Milly."

"Ha? Bakit naman?"

"Umiiyak daw kasi ako habang tulog. Hindi nila ako magising kaya binantayan na lang ako ni Matt."

"Bakit? Napanaginipan mo ba yung nangyari noon?"

Halata naman ngayon sa boses niya ang pag-aalala.

"Hindi naman ata? Di ko maalala panaginip ko eh."

"Sigurado ka ha? Sige na, princess. Mamaya ulit. Start na ulit ng seminar. I miss you, I love you. Take care."

Hindi na ako nakasagot dahil pinatay na agad ni Kuya Sherwin dahil siguro sa pagmamadali niya. Nang pagbaba ko ng phonr ay agad bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa wallpaper niya.

Picture ko.  Yung stolen picture ko na nakangiti, eto yung first day namin at kumain kami ng breakfast. Hindi ko napigilan ang ngiti ko, agad kong naramdaman na uminit ang pisngi ko. Ghad. I'm blushing.

"Hai lin."

Halos mabitawan ko ang cellphone ni Matt nung marinig ko ang boses niya. Nakaupo na siya at nakatingin sa akin. Inabot ko sa kanya ang cellphone niya at kinuha niya naman agad.

"Tumawag nga pala si Alexa, di ko sinagot, pero nung si Kuya Sherwin na ang tumawag. Sinagot ko na. Sorry."

Tumango siya at tumayo.

"Anong sabi ni Sherwin?"

"Nangamusta lang."

Tumango siya at mag tinignan sa cellphone niya. Nasilip kong may tinext siya, marahil si Alexa nga yun.

"Uhm, Matt."

Lumipat ang atensyon niya ng magsalita ako.

"Thank you sa pagbantay sa akin."

"No worries."

Ibinalik niya ang tingin niya sa cellphone. Lumapit ako sa kanya kaya bumalik sa akin ang atensyon niya.

I gently kiss his lips. Humiwalay din agad ako sa kanya.

"I love you, Matt."

Sana. Sana hindi magbago ang tingin niya sa akin pag nalaman niya nakaraan ko.

Gain His LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon