Chapter 21

148 2 0
                                    

"PAPA! KUYA! TULONG!!!" Umiiyak kong sigaw habang ang taong nakadagan sa akin ay paulit-ulit na ako hinahalikan sa maseselang parte ng aking katawan. Buong lakas ko siyang itinutulak kahit sobra na akong nandidiri sa bawat pagdampi ng kanyang labi sa aking katawan.  

"I miss you.. I miss your scent, your skin, everything about you..." Bulong niyang habang ang kamay niya ay unti-unting gumagapang papunta sa pagitan ng hita ko. Ipinagdikit ko ang dalawang hita ko upang hindi niya magawa kung ano ang kanyang binabalak. Malakas na sampal ang kanyang iginawad sa akin at marahas na pinaghiwalay ang aking mga hita. 

"Wala na magliligtas sayo ngayon! Akin ka na!" Sambit niyang habang madiing nakaipit ang aking pisngi sa kanyang kamay. Pilit na inaabot ng aking mga sapak ang kanyang mukha ngunit nakakaiwas siya at mas hinihigpitan pa ang ang pagpisil sa aking pisngi. 

"Wala na magmamahal sayo dahil madumi ka na!" Marahas niya ako sinabunutan at inihagis sa sahig. Sapilitan niya akong ipinahiga bago dumagan sa akin. Hinawakan niya ang dalawa kong kamay upang mas mahirapan akong manlaban habang hinahalikan ang aking dibdib. Pumikit ako at naalala ang mga halik ni Matt. Ang dumi dumi ko na. Hindi na ako karapatdapat sa kanya. Nanghihina na ako. Ibinuhos ko ang natitira kong lakas upang maitulak ang demonyong nakadagan sa akin ngunit walang nangyari. Tuloy pa rin siya sa pangbababoy sa akin. Unti-unti na akong nawawalan ng lakas. Gusto ko na lang matapos 'to. Pumikit ako at nakita ko ang kadiliman. Kadiliman na kahit kailan ay hindi ako iniwan. Kadiliman na nararamdaman ko muli ngayon. 

"Hai lin!" Isang boses ang nagpadilat sa akin. Natigil ang pangbababoy ng demonyo sa akin. Hinila niya ako at inihagis sa kama, kumuha siya ng tali at itinali ang aking kamay sa headboard ng kama bago pumunta sa drawer para kunin ang isang bagay na ikinasa niya.

"Hai lin!" Palapit na ang boses na iyon. Boses ng taong mahal ko. Gusto kong sumagot. Gustong sumagot at sabihin sa kanya na nandito ako at iligtas niya ako ngunit hindi ko ginawa. Dahil alam ko, alam ko na ikakapahamak niya pag nakita niya ako. 

"Oh ano? Hinahanap ka niya. Bakit hindi ka sumagot?" Bulong ng demonyo habang ipinapakita sa aking baril. Tinignan ko siya ng matalim habang tumutulo ang aking luha. Napakawalang hiya niya! Hindi na siya tao! Ngumisi siya at tumawa. Tawang demonyo.

"Oh baby girl. Mas inaakit mo ako. Patayin ko na yang boyfriend mo?" Lumayo siya at lumapit sa pintuan. Palapit ng palit ang boses. Hindi ko alam ang gagawin ko. Kung sisigaw ako, paniguradong pupunta si Matt dito, kung hindi naman ay ang demonyong 'to ang lalabas para saktan si Matt. 

"Hai lin! Andito ka ba?! Hai lin!" Umikot ang doorknob, senyales na nasa harap na ng pintuan si Matt. Lumaki ang ngisi ng demonyo. 

"Matt! Wag! Umalis ka na dito! Pabayaan mo na ako! Please!" Humihikbi kong sigaw. Hindi na ako makahinga dahil sa bilis ng tibok ng aking puso. Please, just go away. Ayokong magaya ka kay Papa. Ayokong may masaktan nanaman ng dahil sa akin.

Sa pagbukas ng pinto ay siyang pag gising ko. Mabilis ang tibok ng aking puso habang nakatulala sa kisame at tuloy tuloy ang pagtulo ng aking pawis at luha. Isang masamang panaginip. Hindi. Mali. Isa itong bangungot. Narinig ko ang mahinang katok galing sa labas ng aking pinto bago ito bumukas at iniluwa ang aking kapatid.

"Hai lin, mag-usap tayo." Naglakad siya palapit habang ako naman ay umupo sa aking kama, agad nag-iba ang ekspresyon ng mukha ng aking kapatid nang makita ang itsura ko, mabilis siyang lumapit at agad akong tinanong.

"Ano nangyari? Another bad dream?" Walang ganang tumango ako at bumuntong hininga. Pakiramdam ko totoo ang mga pangyayari, natatakot ako. Natatakot akong baka hindi lang iyon maging panaginip. Ito na nga ba? Ito na nga ba ang oras para aminin lahat kay Matt? Pero natatakot ako, natatakot ako na mawala rin siya sa akin.

Gain His LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon