Chapter 18

266 3 1
                                    

"Hai lin!"

Sigaw ni Kuya Sherwin mula sa ibaba, natataranta akong sinuot ang hikaw ko habang nakaharap sa salamin, kanina pa kasi niya ako tinatawag, kailangan namin makipagkita sa abogado namin. Isinuklay ko ang kamay ko sa buhok ko dahil wala ng oras pag nag-ayos pa ako ng buhok, mabuti na lang at bagay sa akin ang kahit na anong style ng buhok. Muli kong narinig ang tawag ni Kuya Sherwin.

"I'm coming down, Kuya!"

Sinagot ko na siya para matahimik siya, dali-dali kong binuksan ang pintuan ng kwarto ko at bumaba. Nakita ko si Kuya Sherwin na nakaupo sa sofa, tumayo naman siya agad pagkababang-pagkababa ko.

Makikita mo sa ekspresyon ng mukha ng kapatid ko ang lungkot at pag-aalala, ganyan siya palagi sa tuwing kakausapin namin ang abogado namin tungkol sa nangyari sa akin noon.

"Tara na."

Pagkatapos niyang sabihin yun ay agad siyang tumalikod para pumunta sa sasakyan, napahinga na lang ako ng malalim at napailing, kinakabahan nanaman ang kapatid ko, natatakot siyang hindi magandang balita ang matatanggap namin mula sa abogado.

Pagkasakay ko sa kotse ay tumunog agad ang cellphone ko dahilan para mapatingin ako dito, namuo ang ngiti sa labi ko ng makita ko kung sino ang nagtext.

Fr: Matt <3

Good morning, beautiful. Gising ka na ba? Ingat ka buong araw. I love you, Hai lin.

Magrereply sana ako ng magsalita si Kuya Sherwin, hindi pa niya alam na kami na ni Matt. Pagkatapos kasi ng gabing yun, masyado nang naging seryoso sa mga bagay si Kuya Sherwin.

"Hai lin, from now on di ka na aalis ng walang kasama. Okay?"

Tumango ako at ngumiti. Nag-umpisa na akong magtype ng reply kay Matt. I love him so much! At wala nang mas sasaya pa sa akin ngayon na mahal na ako ni Matt. All the pain was worth it, my love for him is worth the pain.

To: Matt <3

Good morning din! :* Ingat ka din buong araw. Mamahalin pa kita lalo. I love you too.


Nakarating kami sa opisina ng abogado ko. Kung kanina ay wala akong kaba na nararamdaman, ngayon ramdam na ramdam ko ito. Hindi ko pa narereport sa abogado ko yung huling tawag ng lalaking sumira ng pamilya at buhay namin.

"Hai lin, when was the last time that he called you?"

Napaisip ako bago sumagot. Kailan ba matatapos 'to? Pagod na akong mabuhay takot.

"3 months ago?"

Tumango ang abogado ko at may tinignan sa papel. 

"And until now, there's still no sign of him."

I nodded. Sana, sana nga wala na talagang paramdam galing sa demonyong yun.

"Attorney, can I ask?"

Bigla nagsalit si Kuya Sherwin, seryoso siya at parang kahit anong oras ay kaya niya manakit.

"Yes, go on. Mr. Fuentes."

"How can that man got out from jail? Akala ko ba walang pinyansa ang kaso niya?"

"I'm still investigating with that. And I promise to make him back in jail."

Tumango si Kuya Sherwin at tumingin sa akin, nginitian ko siya para kahit papano sana ay gumaan ang pakiramdam niya. 

"I'm looking forward on you, Attorney."

Tumango ang abogado ko at inabot sa amin ang isang envelope.

Gain His LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon