Chapter 1

79 2 11
                                    

Gabby's POV

Nandito kaming lima sa Rooftop ng Crypton High, pangalan sa school namin, nag aaral para sa exams bukas, actually uwian na pero nag desisyon ako na dito muna para mag aral, exams kasi bukas, tapos ayon sumama yung apat at mag aaral din daw sila, for a change daw kasi naman hindi naman sila nag aaral last year pero okay naman ang grades, gusto lang daw nila ma feel ang pag study, haay nako. speaking of apat.

"Ayoko na!" sabi ni Patty sabay baba sa libro.

  Patty Zavrielle Marquez, 1/4 canadian, maiimagine mo na ang ganda ganda niya, pero mas mataas lang ako, hehe, matalino siya at mahiyain, pero ang sarap pakisamahan tapos may nakakaibang laugh, haha, malakas din tong kumain, grabe, pero payat naman, mataas na wavy ang buhok niya, dark brown ang roots tapos light na ang the rest

"Ang hirap hirap, hindi ito nakakabuti sa kalusugan ko, I need food, Serena may pagkain ka ba dyan?" dagdag ni patty. 

Serena Kim Toledo,half korean, 1/4 american. purple ombre ang buhok niya. Si serena mahilig mag basa ng libro, marunong din yan mag gitara, at sa badminton. Slight snob siya pero mabait naman, especially sa amin. naka glasses yan si serena minsan.

Binigyan ni Serena si Patty ng Are-you-kidding-me look, binigyan ko din siya ng ganoon na look, eh kasi naman ang dami dami na niyang nakain, every 10 minutes, food break daw para gagana yung utak niya sa pag aaral.

"Patty, di ka ba nabubusog? tsaka tingnan mo oh, may bilibil ka na haha... wala ka namang tiyan noon, tingnan mo ngayon haha.." sabi ko kay patty, at tumawa kami ni serena ng mahina. 

teka...1,2,3... kulang kami ah,

"Nasaan ba sina Saf at Yuki?" tanong ko kina Serena at Patty.

Saffron Winter, half british, Makulit siya and pilosopo tapos may pagka maldita ng konti. palagi ka nyang binabara. mahilig sa libre weird at maganda at magaling siya sa sports, matalino din to, pero mahina sa math. Dark blue ang kulay ng buhok ni saf.

Clay Yuki Sy, 1/2 japanese, at 1/4 chinese . Tatay niya half chinese, tahimik to, pero baliw pala pag nagiging komportable siya sa isang tao, kaheight ko lang si yuki, mahaba na kulot ang ends ang buhok ni yuki, na parang ombre ang kulay. Mahilig to sa anime at drawing, weird at matalino naman, mahina din naman sa math kagaya ni saf, at maganda.

"Ayun oh! nasa sarili nilang mundo" sabi ni Serena sabay turo sa malayong distansya sa amin, grabe nagpalayo pa talaga yung dalawa? mukhang nag eenjoy din oh, nag tatawanan, nag aaral pa ba yan?

"Hoy! pst! kayong dalawa!!" Sigaw ko kina Saf at yuki, napigil yung pagtatawa nila at tumingin sa akin, tapos tumawa nanaman na parang wala nang bukas, hinahawakan pa talaga yung tiyan, sigurado akong ako talaga tong pinag uusapan nila.

tumayo ako at lumapit sa kanilang dalawa, mas lalo pa atang tumawa, ano ba yan, ako talaga ang topic nitong dalawa ah, mag handa kayo.

"hoy, saf, yuki, tawa tawa niyo diyan? ako nanaman pinag usapan niyo no?" napahawak ako sa bewang ko at nag taas ng isang kulay.

"pft..hindi ah..." natatawang sabi ni saf.

lumiko ako sa direksyon ni yuki at tinaas yung kilay ko.

"o-oh ba't ka tumitingin sa akin? pft..hahaha.." natatawang sabi din ni yuki at napahawak sa tiyan niya.

hay nako, nag roll eyes ako at bumalik kina patty

"haay nako, hindi ko alam anong gagawain ko sa kanilang dalawa, palagi akong binubully"

lumapit sina saf at yuki sa amin, dala dala yung gamit nila, 

The Playboy's Little AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon