Chapter 12

13 1 0
                                    

GABBY'S POV

It's christmas break!

And I'm recovering. Thanks to my friends. Anyway. Alam na ng parents ko, pero ang sinabi ko ako ang nakipag break, kasi pag nalaman ni papa na pinaglaruan ako sigurado ako nasa funeral na ako ni you know who. Sabi ng mga kaibigan ko na wag muna imemention yung pangalan niya para madali makalimot, at nag wowork naman siya. Anyways, omg, malapit na yung science fair sa altech! Excited na ako!

What clothes shall I bring? By january sa line ng 2 aalis na kami. Tapos 5 days kami dun sa manila. Saan kaya kami matutulog. Saan kami mamamasyal? First time ko dun eh, kaya ang jumpy ko! Eeek!

"Nak, halika ka na" mommy.

Oo nga pala, mag grocery kami ngayon para sa pasko.

"Opo!"

And we're off!

Grabe, nakaka excite talaga magplano pag pasko. Natapos na kami mag grocery, at nasa second floor na kami para mamili ng decorations sa bahay.
Syempre dapat may pink na lights! Hindi pwedeng walang pink na ilaw na kumikislap sa bahay.

Oo nga pala, sinabay na namin mag shopping ng mga damit, at gagamitin para sa lakad sa manila. Excited nga ako. Omg, malapit na ang january! Eeeek!

Sa bilis ng oras ngayon, hindi mo alam..

NEW YEAR NA PALA

"Happy new year!" Sigaw ng mga kapitbahay namin, pati na rin kami, tapos ang ingay ingay. May mga nag drive ng motor nila. Mga bata na nagtatakbuhang may mga dalang kahoy tapos nakatali yung mga lata sa mga rope na nakatali sa kahoy. Mga nag papatunog ng mga paturutut.
Grabe. Please be good to me new year.

-----

Prrrrtttt!

Teka, ang bilis ata. Balik eskwela na? Ang daya ng panahon.

"Hiii! I miss you guys!" Sabi ni serena, yakap yakap kaming apat.

"Kami rin naman, namiss ang isa't isa. Btw, happy new year mga friendship!" Patty

Nag ngitian kami tapos, pinagkukwento and aming christmas break at new year. Grabe ang yayaman naman talaga nila oh for christmas, si serena, pumunta ng isang resort, na pagmamayari ng lolo at lola niya with the fam, si saf umuwi ng London, si patty well sa bahay lang na mansion, pero nakatanggap ng maraming regalo, and si yuki, kagaya ni saf, umuwi ng japan. Hindi naman din ako nagpapatalo noh, ang laki kaya ng handaan namin sa bahay, inimbita namin yung mga kapitbahay namin. At sa new year? Well, kaming lahat sa mga bahay lang. Including yung mga umuwi ng ibang bansa, sa pinas nag new year. Ang saya kaya dito. Haha.

Grabe.. Akalain mo, January na, bilis bilis naman.

"Hi...."

Lumingon ako.

"Uh.. Hey"

Si.. You know who.

"Can we talk? Privately?"

Eh, wala namang masama. Pero malapit na sana ako mawalan ng feelings sa kaniya. Kaso nag salita eh sa akin pa. Pero okay pang, hindi na man na ako masyado may feelings for him. Nasaktan ako sobra, meron parin, pero kailangan ko na talaga ayusin to, ayaw ko ng mag iwasan lang kami, kahit friends lang.

Nag shrug ako at sinundan siya sa labas ng classroom.

"Uh, gab, sorry sa nasabi ko last time ha...hindi ko sinasadya.."

"Eh, hindi na natin yun mababalik. Plus you did the dare naman diba, you broke my heart. So ano ba kailangan mo?"

"Gusto ko lang makipag ayos.."

I take it back, ayaw ko na siya maging kaibigan! Ayaw ko..

"After what you did? Ano sa tingin mo yung kasalanan mo? Nakasira lang ng gamit ko? Tapos sa yabang mo ikaw pa yung nag galit? Grabe ah, parang abg liit lang ng kasalanan"

"Sorry na nga...G"

"G? It's not G.. It's gabby, not G not gab not abby, Gabby okay?"

At bumalik na sa upuan ko.

Barely survived! Huh, gusto kong umiyak na suntukin siya, na ano ba, hindi ko maiintindihan.

Science fair, baka ikaw na lang only hope ko na makalimutan ko talaga si you know who, in 5 days, na hindi siya nakikita. Pls. Malapit naman na ako maka move on nung pasko at new year eh, pero nawala kasi balik school eh, kinausap pa ako. Baka sa manila ko siya makakalimutan, kahit 5 days lang, itry ko na madali lang mag move on.

-----

Boring classes went on, sunny, rainy, cloudy days passed by. Dumating na yung 3rd grading test namin.

Ahhh! Nakakasakit ulo naman toh, sabi nila mama, pag matataas yung mga scores ko, dadagdagan nila yung baon ko sa manila. Omg, please. I studied so hard for big baon.

And so the day went on, natapos na namin ng sagot yung mga tests, tapos bukas mag checheck kami. Yiie, nakakakaba. Scores please be good to me. Every test namin may 60 items. 40 up ang good score. The rest.. Hindi naman bad pero, mas better kung 40 up ka.

----

Day of checking na.
Check this, check that.
Sa uwian na binigay lahat ng papel namin. Kinulob ko lahat ng papel ko. At dahan dahan kong tiningnan.
Nanlaki mata ko. Sunod sunod na 40 up! Yey! Oh. Except sa last paper. Math, 30. Bakit ba math ha, why do you hate me so much?! Every single test! Ugh. Pero, hey, isa lang naman. So I guess...mataas ang baon ko? Haha dapat lang. Isa lang naman yung 30 ko eh. It's good right? I hope..

Ipinakita ko kina mommy yung papers ko. Medyo nadissapont sila sa math ko kasi, palagi nalang daw, pero atleast nag improve day ako, kasi every math test 20-28 lagi score ko. Sad right? Haha, well, this girl got a 30 on math! Haha, don't worry parents, sure na sa next grading 40 up na yan.

Syempre dn, tinaasan nila ng konti yung baon ko sa manila. May 9k na ako. Yey! Haha, sayang 10 sana, sumabit sa math. Pero ok lang. Malaki naman na yung 9, sisiguraduhin ko naman din kung worth it ba ang mga gagastusin ko doon.
Omg
3 days to go nalang. I already packed my things. Nakaupo na sa livingroom ang maleta. Tapos may maliit akong backpack. Whoo.. Malapit na talaga.
Then before you know it.

OFF TO MANILA!✈


The Playboy's Little AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon