Chapter 8

23 1 2
                                    

Oo nga pala, lalabas kami ni drake ngayon, kaya bumangon ako sa kama at naghanda na para sa araw na ito, mabuti nalang pumayag si papa at mama

--
"Uhmm, pa, ma, nag yaya pala si drake na lumabas bukas" sabi ko

Napatigil ng kain si mama at papa, omygash, R.I.P. Gabby Loquire

"Saan naman kayo pupunta?" Sabi ni papa, seryosong seryoso

"Uh, di niya sinabi pa eh, susunduin lang daw niya ako bukas mga 9--"

"Sa gabi?!" Mama.

"Sa umaga" sabi ko. "Umaga naman ma noh, ayaw ko kayang lumabas ng gabi, at lalong di niyo ako papayagan noh" dagdag ko

"Siguraduhin mong umaga yan ha"mama.

"Oo naman, soo....oo na? Papayagan niyo ba ako?" Nag puppy eyes pa ako kahit di naman bagay sa akin, kahit nag mukha akong yung ET, I don't care mapa oo lang sina papa at mama

"Haay, basta text ka lang sa akin lagi anak, saan kayo , ano ginagawa niyo , okay ba yun?" Mama.

"Opo, para mapayagan po, kahit mag selfie pa nga kami para sure, haha"

"Haha, magandang idea! Haha selfie na rin kayo, send mo sa messenger"

"Wala naman akong wifi ma"

"Mag free data ka nalang, paloadan kita"

"Mama talaga"

Napa smile nalang kami lahat at bumalik sa pag kain.

The Playboy's Little AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon