Chapter 7

18 1 2
                                    

Today is saturday, and as usual, hashtag team bahay.
Ako lang mag isa sa bahay ngayon. Nasa trabaho sina mama at papa, kapatid ko naman may practice daw whole day sa school, aish. Ano ba gagawin ko?

Tiningnan yung paligid ko. Ang dumi pala ng bahay. Tiningnan ko yung orasan. 8:09 am pa lang? Haay.. Nako. After breakfast nag decide akong mag clean ng house.

"Whoo.. Fighto!" Napatawa ako sa sarili ko, para akong baliw nagsisigaw ng fighto tapos ako lang mag isa. Alright gab! Clean!

Haaay nako, ang pagod ko na, na hugasan ko na yung mga plato, nakapag mop at walis na ako, naka arrange na sa mga kwarto. Lunch na ata. Tiningnan ko ang oras. 9:09 pa lang?! Grabe naman, ganyan ba ako kabilis? Hehe, pero seryoso, ang tagal ko kayang natapos mag hugas ng plato, tapos one hour pa lang ang nakalipas. Haay, wala akong choice. Gabby Loquire, maglalaba ka.

Haay, natapos din, grabe ang dami ng pantalon. Sure ako, lunch na, kasi yung nilabhan ko, isang bundok yun eh. Tiningnan ko yung oras. 11:37 am, Yes! Gabby! Time for lunch!

After lunch , naligo na ako at nag relax, ang init init ngayong tanghali, ano ba to, pero atleast fresh na ako, at well, may aircon naman, pumunta ako sa kwarto at nag paandar ng aircon.

"Haaay, dito muna ako--"

Ang bastos, nag brownout!
Ano ba naman to, mag rerelax na at mag papalamig na sana, nag brownout pa, iiisssh! Nako, wala naman akong magagawa, baka pwede magpahangin sa labas

Lumabas ako at, nako naman, ang init init, not a single cloud ang makikita sa labas, omygash, tinetest talaga ang patience ko.
Nandun lang ako sa sala, pinapaypay ang sarili ko, my goodness ang init. Humiga ako sa couch at nag iimagine nalang ng mga sweet things about me and drake. Na enjoy naman ako. Haha

Tsug.

Napa upo ako, ano ba nanaman yun.
At a time like this talaga, may pa tsug tsug na sounds. Matakutin pa naman ako

"Be strong gab..." Sabi ko sa sarili ko
"Wala lang yun" dag dag ko.

Tugsh!

Eeeeehhh...bakit nagulog yung mga kaldero sa kusina...mama, umuwi ka na...ayaw kong silipin yung kusina noh, ayaw kong gayahin yung sa mga movies na, pag may naririnig pupuntahan agad, ayaw ko. Biglang tumahimik lahat, haay salamat--

A-ano ba to...? Parang may gumagalaw sa aking paa, itinaas ko agad, at syempre, lalong ayaw ko tingnan sa baba, naaah! Mama, saan na ba kayo?!

"Lalalalala..." Napa kanta na lang ako.

Biglang may tumabi sa akin, at syempre nagulat ako, at napatayo, palayo sa upuan--

"Cloe??!" Ish! Pusa lang pala!!

I swear! Mapapatay ko itong pusa na ito. Hindi naman to aming pusa, sa aming kapit bahay to, ewan ko bakit nakapasok ito dito. Binuhat ko ang pusa at lumabas, at seryoso ako na itinapon ko ng malakas ang pusa, edi pagbasak napatakbo, eeeh! Nakakainis naman oh!

Bumalik na ako sa loob at humiga sa upuan...

----

Eh? Nakatulog pala ako, anong oras na ba, tiningnan ko ang oras, 5:59pm na? Ganun ba talaga ako katagal natulog?! Teka..ako magluluto ng kanin, tumayo ako at. May nag luto na ng kanin, meron na siguro sila mama. Pero asan sila? Di man lang ako ginising. Hinanap ko sila, wala naman, baka nasa labas, sinilip ko, andun lang pala...

"Ma!" Tawag ko

Tumingin naman sa direksyon ko si mama, lumapit ako kay mama

"Oh, nak, nakagising ka na pala, ako nalang nagluto sa kanin, ikaw ha, wag kang ganyan ganyan, responsibilidad mo ang magluto ng kanin, lagi ka nalang natutulog" sabi ni mama--

The Playboy's Little AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon