MICAELA POV
Kasalukuyang nag di discuss ang aming professor ng bumuhos ng malakas na ulan at kumulog. May bagyo ba? Parang hindi naman binalita kagabi sa weather2 ah.
"okay class turn your manual on page 45 and answer the following questions regarding to the topic that we have discussed earlier", sabi sa amin ng aming professor ng biglang sumabay na kumidlat at kumulog ulit.
Bigla na lang nagsigawan ang buong klase OA much ha!
"please be silence, kulog at kidlat lang yan, ipagpatuloy niyo na ang pagsagot", sabi ulit ni prof. At nagsitahimik na ang lahat.
Biglang napatingin ako sa hindi kalayuan sa my kanang bahagi ng paaralan sa ibaba, nasa 5th floor kasi kami ngayon at naka pwesto ako ngayon sa may bintana na tanaw ang buong campus.
Tama ba ang nakikita ko? May malaking hole?may butas?portal?
O_o?
Kailan pa nagkaroon ng napakalaking butas sa bandang kanan ng school na ito?hindi lang basta butas may kung anong umiikot ikot doon na kulay puti, tapus may lumabas na mga nilalang?
MGA TAO?
Sa pagkakabilang ko mga labing dalawang kalalakihan na nakasuot ng pang mandirigma at may kani -kanilang mga armas?cos-player ba sila?anong meron?
" you have 30 minuntes left to answer the questions, if you're finish submit your papers in the table and you can go", sabi ni ma'am ng biglang sumingit si Irene ang class president sa section namin. Napinsan niya siguro kung ano ang nangyayari sa labas.
"ma'am, tingnan niyo po sa labas, nagkakagulo po at may mga armadong kalalakihan po ang pumasok sa campus", sabi niya ng lahat kami ay nagtinginan sa napakalaking bintana.
"sino sila?", tanong ng iba kong ka klase sa likuran ko.
Aba'y malay ko!
"ang gwapo naman nila", sabi naman ni yhen na katabi ko
"wow ha! concern na concern ka sa pagmumukha nila", sabi ko sa kanya ng biglang, tumingin ang isang lalaki na kakaiba ang kulay ng kasuotan kinaroroonan naming lahat.
What the face!
Ang gwapo ang isang ito!
Tigil!
"omg! Tumingin yung isa sa akin", sabi ng isa kong ka klase na babae.
"hindi sayo! sakin kaya", sabi naman ng isa
"ang kakapal ng mga mukha ninyo, sakin siya tumingin duh!", sabat naman ng isa ko pang ka klase.
Feeler mo te!
Pero oo na! feeler din ako feeling ko sakin siya tumingin eh! >_<
Hoy Micaela Angelica landi mo! nakakadiri ka!
Gwapo naman talaga siya hindi ko ikakaila!
Bumalik ako sa reyalidad ng magsalita ang ka klase kong bading sa aking likuran.
"haler sa akin tumingin si pogi nho, duh! Mga assumera't feelingera! asa pa kayo!", sabi ni Julia este Julius. >_<
"ano bang meron sa labas?", tanong sa amin ni prof. Sabay tingin sa aming lahat
"Aba'y ewan po namin ma'am", sabay sagot naming sa kanya.
Lahat kami sa silid ay nagtataka, lahat puro tanong na wala namang tamang sagot.
BINABASA MO ANG
BELIEVE
Historical Fictionmay magagawa ka ba upang makabalik sa KASALUKUYAN? o mananatili ka na lang ba sa NAKARAANG PANAHON. . .