IMPERIAL COURT
JIN POV:
"Ipinatawag niyo po ako Kamahalan",
Nandito ako ngayon sa Imperial Court kasama si Heneral Leunsuek.
Ipinatawag kaagad kami ng ganitong oras ng Hari.
Nakaluhod ako sa harapan niya ngayon pati din si Heneral Leun."Alam mo ba kung bakit kita ipinatawag kaagad ngayong umaga?", tanong nito sakin
"Hindi po Kamahalan, at kung alin man yun ay handa po akong tanggapin ang aking tungkulin",
"Mabuti kong ganon, nais kong ikaw muna ang mamuno pansamantala sa hukbo ni Heneral Shin sa bayan ng Yutaka malapit sa border ng kaharian sa hilaga, baka nagtataka ka kung bakit ikaw ang aking napili? Dahil si Heneral Shin ay lubhang nasugatan sa pakikipaglaban laban sa mga bandido na gustong sakupin ang bayan", mahabang salaysay nito sakin
Nakikinig lang ako habang nagsasalita siya.
"Ikinalulugod ko pong tinatanggap ang iyong kautusan Kamahalan",
"Mabuti kong ganun, si Heneral Leunsuek ang aatasan kong magbigay sayo ng lahat ng kinakailangan mo sa pag alis mo",
"Maraming salamat po Kamahalan", tugon ko dito.
"Heneral Leunsuek, gaya nga ng narinig mo ay nais kong bigyan mo ng mga kakailangan ang batang Heneral sa kanyang pag alis, lahat ng kailangan, ikaw din ang aatasan kong maging ikalawang hukbo kapag hindi kakayanin ang pwersa ng mga kalaban",
"Malugod kong tinatanggap ang iyong pasya Kamahalan", sambit naman ni Heneral Leunsuek.
"Kung ganun ay makakaalis na kayo",
"Opo Kamahalan" sabay tugon naming dalawa.
FAST FORWARD:
"HA? ANO?!!", sabay sabi ng aking mga tauhan, nasa hanay sila ngayon ng pagsasanay
"Hindi kami kasama?", tanong ni Gardiou sakin
"Hindi, ako lang,nasa kampo ngayon ang hukbo ni Heneral Shin, kaya Yuen ikaw muna ang mamahala habang hindi pa ako bumabalik", salaysay ko dito.
"Walang problema basta mag iingat ka",
"Kahit hindi na siya mag ingat Yu eh para naman siyang kalasag!", saad naman ni Myeong
"Ungas na to!", sambit ko dito.
Natahimik kami ng magsalita mula sa aming likuran si Heneral Leunsuek
"Jin! Ano pa bang kailangan mo sa paglalakbay? Isama mo si Myeong o si Gardiou mabuti ng may kasama ka habang binabaybay ang daan pa yutaka",
"Kaya nga,mahirap ng nag iisa ka", sabat naman ni Yuen na noon ay nirorolyo ang bandage sa kanyang mga kamao.
"Isasa ko si Myeong", saad ko dito
"Ako na naman?", pareklamong saad nito
"Order ko yan kaya sumunod ka na lang", tugon ko naman.
"Ilang araw ba sila doon Heneral Leun?", takang tanong ni Gardiou
"Baka isang linggo o dalawa, dahil pa sulpot2x na lang ang mga bandido doon kaya ano mang oras ay maaribsilang lumusod sa bayan,ang inaalala lang naman dito ay ang kapakanan at kaligtasan ng mga tao doon na ngayon nga ay hawak ng hukbo ni Heneral Shin,gumawa na din sila ng mga patibong upang mahuli ang mga salarin", saad nito samin.
"Siya nga pala Heneral Leun. May aayusin lang ako saglit, babalik ako kaagad", paalam ko sa kanya
"Asus! May aayusin daw, may pupuntahan lang kamo!", pahabol ni Myeong.
BINABASA MO ANG
BELIEVE
Historical Fictionmay magagawa ka ba upang makabalik sa KASALUKUYAN? o mananatili ka na lang ba sa NAKARAANG PANAHON. . .